C-13

1454 Words
Napanganga ako ng dumunggo na kami sa pantalan ng Isla, para siyang isang city na nakatago lang, mula rito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang mga matataas na gusali na mukhang mga hotel at sobrang linis ng buong paligid. Huminga ako ng malalim para lumanghap ng sariwang hangin. “Do you like it here?” Nakangiti akong lumingon kay Kuya Blan tsaka tumango. Mukhang magiging maayos ang pamumuhay ko rito. Tulad ng napag-usapan namin ay dumeretso kami sa opisina kung saan ang pagawaan ng Id, mabilis lang naman raw ang pag-gawa. “Kuya, sigurado akong mahal ang mga bilihin rito.” tumango-tango kong saad habang nakatingin sa labas ng bintana. Nasa may plaza kami ngayon, nakasakay kami sa kotse patungo sa opisina. Ano kaya ang magiging buhay ko rito. Mahina namang natawa si Kuya Blan dahil sa tanong ko, malay ko ba kung mahal o mura ang mga bilihin rito. Pero sa tansya ko ay mahal talaga dahil sa apartment lang dito ay sobrang mahal ano pa kaya ang mga bayarin at bilihin. “Meron namang mura at meron ding mahal, Vienna. Depende sa store kung saan ka bibili. Oh meron din tayong Grocery at convenience store dito kung gusto mo.” Agad naman akong napatango, mukhang magiging mapayapa nga ang buhay ko rito. Ilang sandali lang ay huminto na ang kotse, ginapangan naman agad ako ng kaba dahil lalabas ako ng kotse habang kasama si Kuya Blan. Nakalabas na si Kuya pero hindi ko magawang lumabas. “Vienna ano ang hinihintay mo?” nakakunot-noo na tanong ni Kuya. Alanganin naman akong napakamot sa ulo, “U-uhm p-pwede bang magsuot ako ng facemask or anything po na hindi nakikita ang mukha ko.” tanong ko. Huminga naman ng malalim si Kuya Blan tsaka pumunta sa driver seat at merong inabot doon. Pagbalik niya ay may dala na itong isang panyo at facemask meron din itong hawak na cap. “Here ito ang suotin mo.” “Thanks kuya, pasensya na talaga.” Tumango lang ito tsaka tumalikod sa akin, para hindi ako makikita ng ibang taong nagsimula ng nakiki-chismis. Matapos kong isuot ang mask at cap ay tsaka palang ako lumabas sa kotse, hawak-hawak ni Kuya Blan ang braso ko ng pumasok kami sa isang gusali na kulay puti, well halos lahat naman ng nakatayo na gusali ay kulay puti. Pagpasok namin ay maraming bumabati sa kasama ko, mas yumuko ako para hindi makilala. “Stay here, meron lang akong kakausapin.” Tumango naman ako at umupo sa isa sa mga sofa rito sa lobby. Nakayuko lang ako at merong dalawang na tauhan ni kuya na nagbabantay sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas bago nakabalik si Kuya. “Vienn, simula ngayon Morales ang gagamitin mong last name. And Austria ang magiging pangalan mo.” Napakunot-noo naman ako, “Why? Is there something wrong with my name, Kuya?” Umiling naman ito, “No, kailangan pa rin natin mag double ingat, lalo na merong mga turistang magdagsaan dito bukas.” Marahan naman akong tumango, “Ano na ang susunod kuya?” pagtatanong ko ng lumipas ang minuto ay hindi pa rin kami pumapasok sa mismong opisina. Tumingin muna ito sa kanyang relo bago tumingin sa akin, “Let's go, Yong bilin ko sayo. Austria Morales ang gamitin mong full name mo.” Tumango naman ako at sumabay sa kanyang paglalakad. “Mr. Morales, Good to see you here. Ano maipaglilingkod ko sayo?”A man in his thirties asked Kuya. Feel ko lang na nasa thirties ang lalaki. “Mr. Bvonn, Good to see you too.” Kuya replied. Kaagad naman lumanding ang mata ng lalaki sa akin. “Girlfriend?” “No.” pag deny ni kuya. May pagdududa naman na bumaling sa akin ang lalaki. Kaya't naglakas loob akong tumingin sa kanyang mga mata. Halata naman na hilaw itong ngumiti at yumuko. “She is a close relative of mine, and she will be staying here.” “How about the —” “Pag-usapan natin yan mamaya, Ramon. Sa ngayon kailangan kong kuhanan ng ID ang kadugo ko.” Agad naman tumango ang lalaki, kahit naguguluhan ako sa mga nangyayari ay hindi nalang ako sumingit at nagtanong. Ilang sandali lang ay merong pumasok na isang mistisang babae na may bitbit na folder at kung ano-anong gamit. “Boss, pwede na ito. Pirma niya na lang ang kulang.” Ani nito. Lumalim naman agad ang noo ko ng pirma na lang daw ang kulang, hindi ko pa nga naisulat o nasabi kung ano ang pangalan ko at ngayon pirma nalang ang kulang. Agad akong tumingin sa katabi ko na si Kuya Blan. “Relax, naka-plano na ang lahat.” Sinunod ko ang instruction ng babae, pumirma ako at pumayag na picturan para sa ID. Matapos ang lahat ay lumabas na kami sa gusaling yon. Gusto ko ng makarating sa kung saan ako titira at matulog magdamag. Gustong gusto kong nagpahinga dahil pakiramdam ko ay sinapak ako ng paulit-ulit at pinasan ang buong mundo. “Vienna okay lang ba sayo na diretso na tayo sa apartment mo?” Ngumiti naman ako kay Kuya, mas gusto ko nga para walang sagabal at walang disturbo sa pagpapahinga ko. “Of course, Kuya. Balak ko nga sanang matulog magdamag ang bigat kasi ng katawan ko.” Tumango naman ito, “Huwag kang mag-alala habang hindi ka pa makakahanap ng trabaho ay ako muna ang mag sustento sayo.” Kahit nahihiya ay wala naman akong magagawa, mag e-inarte pa ba ako na wala naman akong pera para sa sarili. Hindi na sapat ang natitira na ibinigay ni Tita Zel sa akin. Bumuntong hininga na lang ako bago pumasok sa kotse. Namamangha ako sa bawa't nadaanan naming mga bahay, sabi ni Kuya ay mahal ang mga bahay na iyon. Maganda naman daw ang apartment ngunit hindi nga lang malaki ang espasyo. Sino naman ako para umangal atsaka bakit kailangan ko ng malaking apartment kung ako lang naman ang titira mag-isa di ba? Ilang minuto pa ang lumipas bago kami pumasok sa isang malaking gate at maraming mga apartment. Maganda ang loob, merong fishpond sa gilid at merong fountain at mga lights at merong dalawang set na lamesa at silya, siguro para kung gusto mo doon tatambay ay meron kang mauupuan. “Are you okay with this apartment set-up? Or hahanap ako ng iba?” Umiling agad ako kay Kuya, “It's okay Kuya, gusto ko nga rito, ang cute ng set-up.” Tumango naman ito, “Yon ang apartment mo.” Pagturo nito sa up and down na apartment na nag-iisa lang na nakatayo. Kumunot agad ang noo ko, “Akala ko ba maliit lang? Bakit up and down?” nagtataka kong tanong. Tumango naman ito, “Maliit nga yan, Vienn.” Hindi ako makapaniwala na nakatingin sa kanya at laglag pa ang panga ko. Like ano ang liit sa kanya pang limang tao? Ano pa kaya ang malaki sa kanya siguro sampung tao ang makakapasok or mansyon na talaga. Napapailing ako, “Kuya malaki na yan para sa akin, akala ko pa naman ng sinabi mong maliit eh pang-isang tao lang.” natatawa kong saad. Napakamot naman agad ito sa sariling ulo, “Pasensya na, maliit lang talaga yan para sa akin.” “Dahil sanay ka sa malaking bahay, atsaka marami ka ding mga gamit. That's why you thought it was a small space.” natatawa kong saad bago naglakad palapit sa magiging apartment ko. Nasa harapan na kami ng nilahad ni Kuya sa akin ang susi ng pintuan, “Welcome to Isla Apoy Insan.” nakangiti nitong wika. “Thank you din po, Kuya Blan.” nakangiti kong ani. “Hindi na ako tutuloy, magpahinga ka na lang muna. Here, this is your card. Mag-grocery ka na lang kung kailan mo gusto. And do you know how to drive a car?” Tinanggap ko naman ang card ng walang pag-aalinlangan, tulad ng sabi ko kailangan ko pa ang tulong ni Kuya Blan para makapag simula muli. Tumango naman ako, alam ko kung paano magmaneho ng kotse at motorsiklo. “Meron akong extra kotse sa bahay, ipapahatid ko na lang dito. As for the key, I will drop it at your window.” Marahan naman akong tumango at ngumiti kay Kuya. “See you in two days, Vienn. Tatawag ako sa telepono ng apartment mo kung saan tayo magkikita.” Tumango ulit ako, ilang sandali nga lang ay nagpaalam na si Kuya na aalis na habang ako ay pumasok sa loob ng magiging apartment ko. Malinis na ang buong maliit na sala pati ang kusina at banyo. Umakyat naman ako sa magiging kwarto ko at napanganga nalang sa nakitang mga nakalatag na mga paper bag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD