C-11

1302 Words
Binayaran ko ang taxi kasama na rin ang selpon, nagtago ako sa isang puno na walang katao-tao. Blanco said he'd pick me up here dahil dala niya ang yacht na kanyang pagmamay-ari. Hindi ko lubos maisip na mayaman ang mga kadugo ko. Pero bakit ni-isa ay walang tumulong kay Mama, kung meron sanang tumulong ay hindi na aabot sa ganitong sitwasyon. Palinga-linga ako baka bigla nalang magpakita si Papa. Habang hinihintay ko si Blanco ay panay kagat ako ng kamay ko dulot sa kaba na nararamdaman. Ang tagal niya namang dumating. Ilang sandali lang ay meron akong nakitang yacht na papalapit at merong mga nakasunod na naka jet ski. Agad kumunot ang noo ko dahil sobrang nakakakuha ng atensyon ang kanilang ginawa at ang nakakuha ng atensyon ko ay puro naka maskara ang mga tao. Isang matipunong lalaki ang lumapit sa akin, “Your Vienna Austria Quintana, Right?” Baritonong tanong nito sa akin. Dahan dahan akong tumango, “I'm Blanco, I'm your cousin on your mother's side.” Dahan dahan ko naman itong tinanggap, “N-nice to meet you, but I can't appreciate it.” Mahina naman itong natawa, “It's okay, I know what happened to Tita.” “Nagka-usap kay—” “Vienna!” Napasinghap ako ng marinig ko ang kanyang boses, “P-please huwag mo akong ibigay sa kanya.” bulong ko sa pinsan ko. “Don’t worry I'm here to protect you,” “Vienna be a good girl to Papa, come here.” Gusto kong masuka dahil sa narinig mula sa kanya, hindi niya ba naririnig ang sariling boses at hindi na suka sa mga pinagsasabi? Hinawakan ako ni Blanco sa magkabilang braso bago tinago sa likuran, “You want her? Then try to snatch her from me.” Narinig ko naman ang paghalakhak ni Papa. “Snatch her from you? And who the hell are you, by the way? Why are you meddling in other people's business?” “I'm Satan, you know him right?” Napangiti naman ako ng ramdam ko ang ma-awtoridad na boses ni Blanco. “Huwag mo akong subukan bata, ibigay mo nalang sa akin ang anak k—” “Vienna ano ka ba naman, bakit ba ayaw mong sumama sa Papa mo?” pagsingit ni Dayana. “Para ano? Para saktan niyo na naman ako?!” Sigaw ko. At mahigpit na lumapit sa braso ni Blanco. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Dayana, “Vienna, what are you talking about? Inalagaan ka ng Papa mo pero ikaw tong salbahe.” Natawa ako sa kanyang sinabi, really? Si Papa naging mabait sa akin at ako pa yung naging salbahe? Bakit parang baliktad yata. “Shut the hell up! Dayana! I'm not talking to you.” Galit kong saad. “Oh, Mrs Martinez? Is that you?” Blanco asked Dayana. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi naman Martinez ang surname ni Dayana. Nakita ko naman na namutla ang mukha ni Dayana at alam kong merong tinatago ang babaeng yan. “W-who are you?” Napatawa naman si Blanco, “It doesn't matter who I am, just answer my question. Are you Mrs. Martinez?” She shook her head, and I immediately looked at Papa, who had a look of confusion on his face. I smiled because I knew he was wondering why Blanco called Dayana Mrs. Martinez. “Hey, what are you talking about? Of course, she's my wife, so she will be called Mrs. Quintana.” “Blanco tara na, hayaan muna sila. Hindi tayo makakailis rito kung patuloy natin silang papatulan.” mahinang bulong ko. “Nah, she's not Mrs. Quintana. She's Mrs. Martinez. Try asking her so you can find the truth.” Agad naman bumaling si Papa kay Dayana na agad umi-iling. “N-no, that's not true honey. Sinabi niya lang yan to distract your atensyon from Vienna.” umi-iling na wika nito. Ang galit na nakatingin kay Dayana ay agad lumipat sa amin. “Vienna tayo na! Naghihintay ang Mama mo.” Agad lumaki ang mata ko, hahakbang na sana ako para sasama ng hinawakan ni Blanco ang mga braso ko. “Don’t trust him, Vienna. Sa mga oras na tumakbo ka palayo sa bahay niyo ay wala na ang Mama mo.” Agad nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko, Ano ba talaga ang totoo? Buhay pa ba si Mama o wala na? Tinignan ko si Blanco na may pag-alinlangan sa aking mata. Marahan itong tumango, “Trust me, katulad sa pagtitiwala at pagbilin ng Mama mo sayo, sa akin.” Yumuko lang ako tsaka tumango, kung nagawang magtiwala ni Mama sa kanya ay dapat ganon rin ako. “Vien—” “Huwag kang lumapit kung ayaw mong bumasag ang bungo mo, meron akong sniper mula sa yacht.” Agad akong napatingin sa yacht na meron ngang sniper sa itaas habang merong nga nakatutok na baril galing sa mga tauhan ni Blanco. “Vienna, Let's go.” Pasalamat nalang ako dahil hindi kami sinundan ni Papa sa yacht o nanlaban man lang. Inalalayan ako ni Blanco na umangkas sa jet ski, “S-saan natayo pupunta?” Naiiyak kong tanong. “Malalaman mo kapag nakarating na tayo sa yacht, sa ngayon kailangan muna nating makapunta doon.” Tama nga naman siya, “Insan, kailan mo nahanap si Mama?” sumisinghot kong tanong. Rinig ko ang pag buntong hininga niya, “Last week, nakita ko siya doon sa palengke.” “Kilala mo ba si Lola?” Hindi ako nakatanggap ng sagot sa halip ay nandilim ang paningin ko. Napa-balikwas ako ng bangon ng may narinig akong nagtatawanan, agad akong napatingin sa suot ko ng iba na ito. Nakasuot ako ng pajama at Oversized shirt. Dali dali akong lumabas sa cabin at natanaw ang mga kalalakihan na kumain or nag-iinuman sa unahan. “Finally awake?” Agad akong napalingon sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Blanco. “I-ikaw nag nagpalit ng damit k-ko?” gusto kong magalit pero alam ko naman na sobrang dungis ko sa damit na suot kaninang madaling araw. Umiling naman ito, “Kahit pinsan kita, alam ko parin ang privacy. Meron kaming maid rito at siya ang nagpalit ng damit mo.” Napahinga naman ako ng maluwag. Thanks God at hindi naman pala siya ang nagpalit ng damit ko, kundi kapwa babae ko rin. “Hungry?” Doon ko lang naramdaman ang gutom, dahan dahan naman akong tumango. “Let’s go, doon tayo.” Pagturo nito sa Yacht Deck. Agad naman akong natakam ng may nakitang mga pagkain na nakahain sa isang lamesa. Gutom na gutom ako, mukhang ngayon ko lang naramdaman lalo na sa nangyayari. Umupo kaming dalawa sa silya habang ako ay nagsasandok ng makakain, si Blanco naman ay nakatingin lang sa akin. “So kilala mo ba si Lola? Yong Mama ni Mama?” pag-uulit ko sa tanong kanina ng nawalan ako ng malay. Bahagya naman itong natawa, “It seems like I can't avoid that question. Grandma Visenzia is the strict type. If you're wondering why Grandma didn't help you, it's because she holds a deep resentment towards Aunt Vina, your mother. Due to Aunt's hasty decision-making and failure to heed Grandma's discovery about your father, Lola decided to temporarily disown Aunt in the hopes that it would make Aunt's realize how senseless her decision was. Grandma waited for Aunt to return to the mansion, but she never did.” Hindi ako nakapagsalita matapos marinig ang sinabi ni Blanco sa akin. "Alam kong mali ang ginawa ni Lola, pero tulad sa ginawa ng Mama mo ngayon para sayo ay ganon naman ang ginawa ni Lola para kay Tita, pero hindi iyon naiintindihan ni Tita Vina sa halip ay inisip niyang gusto lang ni Lola na ipaghiwalay silang dalawa ng Papa mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD