C-10

1861 Words
Naalimpungatan ako ng parang may lubak kaming nadaanan, “Mmmm…” ungol ko. “Hija gising kana? Are you okay?” Agad akong napamulat ng marinig ko ang boses ni Tita Zel. Nasaan ako? At bakit ko narinig ang boses ni Tita. “Hija, are you okay?” narinig ko ulit. Agad akong napatingin sa harapan at nakita si Tita Zel at Tito Arturo, si Tita Zel ang dumungaw sa akin habang si Tito ang nagmamaneho. “P-po? B-bakit po ako nandito?” nagtataka kong tanong. “Pauwi na tayo hija, pasensya na pero ayokong mag-alala ang mama mo sayo. Kaya pinabuhat na lang kita kay Lennox, hindi pa kasi nakakauwi si Rhoda at Shawn.” saad nito. Kumunot naman ang noo ko, “P-po? Saan po sila nagpunta?” Kasi alam ko sa sarili ko na hidji magtagal ang samahan ng dalawa. Parang aso't pusa yon. Marahan naman itong ngumiti, “Shawn said, pumasyal silang dalawa sa kapatid niya. Maganda rin yon hija, para mas maging malapit silang dalawa.” wika ni Tita na may pag-asa sa mukha. Naramdaman naman ako ng lungkot para kay Tita, sa oras na malaman nito kung bakit magkalapit ang dalawa. Sana nga lang ay maintindihan nito ang anak nitong si Rhoda. Alam ko din na pilit nilalabanan niya ang totoong nararamdaman. Ngumiti lang ako at napatingin sa labas ng bintana, malapit na kami sa bakuna ng bahay namin. “Salamat po sa libre, Tita Zel and Tito.” “Walang ano man hija, salamat rin dahil napakabait mo sa anak ko.” Ngumiti lang ako at hinintay na huminto ang kotse. Papasok pa ang bahay namin, isang simpleng bahay lang yon na nasa ilalim ng maraming puno. Ito ang naging taguan namin ni Mama para hindi kami mahanap ni Papa. Mahirap man ay pilit naming kinakaya. Ilang minuto ay sa wakas huminto na ang kotse, “Maraming salamat po.” hinging pasasalamat ko. “No problem hija, Oh here tanggapin mo ito. Regalo namin ng Tito Arturo mo.” wika ni tita atsaka inilahad ang isang envelope. Agad lumalim ang gitna ng noo ko, “Po? Ay huwag na po.” tanggi ko. Marahan naman itong ngumiti, “Hija regalo namin ‘to ng Tito Arturo mo dahil good girl kayong nag-aaral ni Rhoda.” malaking ngiti saad nito. Kahit nahihiya ay tinanggap ko nalang din, dahil baka hindi ako makaalis kong hindi ko tatanggalin, “Maraming salamat po.” Agad na akong bumaba at hinintay ko munang makaalis sila Tita, bago ito tuluyang umandar ay bumusina pa ito. Nang hindi ko na sila nakita ay agad na akong nag simulang naglalakad patungo sa bahay. Habang naglalakad ako ay pabilis ng pabilis ang tambol ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Agad lumalim ang gitna ng noo ko nang hindi ko makita na may ilaw ang buong bahay. Nang tumapat ako sa bahay ay tinawag ko siya. “Mama? Mama?” Pagtawag ko sa kanya mula sa labas ng bahay. Ngunit walang sumagot, mas lalong lumalim ang gitna ng noo ko, “Ma?” pagtawag ko ulit. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay wala pa ring sumagot. Kaya agad kong tinulak ang pintuan at doon ko lang nakita ang dahilan bakit hindi makasagot si Mama. Nakagapos si Mama habang nakasalampak sa sahig, habang merong tali ang bibig. Agad kong naramdaman ang luhang dumaloy patungo sa pisngi. “M-mama….” tawag ko habang hindi makagalaw dahil sa gulat at takot sa ama. Umiling-iling ito sa akin, “Ma—” “Abah! Abah!....Nandito na ang mala-disney princess, pero anak naman ng babaeng malandi.” pagsulpot ni Dayana. Ang kabit ni Papa, nakakatawa lang isipin na ito pa ang may lakas na sabihing malandi si Mama kung sa kanilang dalawa ay ito naman ang kabit. Nasaan kaya ang utak ng babaeng ‘to at hindi maikumpara kung ano ang pinagkaiba ng Legal at illegal. Napatawa naman agad ako dahil sa narinig mula sa bunganga ng makapal na babaeng ‘to. “Oh? Really—Dayana?.... Yung Mama ko ang malandi at hindi na ikaw?... Nagpapatawa ka ba? Dayana baka nakalimutan mong ikaw ang Kabit at original na asawa ang Mama ko, sa madaling salita si Mama ang nauna at hindi ikaw.” insulto kong saad. Agad napabaleng ang mukha ko sa kabilang side ng malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. I smiled widely like nothing happened, gusto kong ipakita sa kanila na hindi ako naapektuhan. Pero agad akong napahiyaw ng sinipa naman ako ng sarili kong ama sa tiyan, napa-ubo ako ng dugo, at agad napatingin kay Mama ng pilit nitong kinalas ang tali sa kamay. And right now, I realize. I can't do anything to protect my mother, I can't do anything to protect myself from my demon father and his mistress. Tumulo ang luha ko ng nakita ko kung paano nagwala si Mama para makapunta lang sa akin, bawat pagtayo niya ay sinisipa naman ito ni Papa, kaya paulit-ulit na natumba si Mama. Naiirita rin ako sa bawat pagtawa ni Dayana, para bang sobrang nakakatawa ang naging sitwasyon namin ni Mama. Kahit hirap kong ibangon ang sarili ay pilit ko itong kinakaya ngunit katulad sa ginawa nila kay Mama ay tinadyakan naman ako ni Dayana para hindi makabangon. “Ito ba ang gusto mo Pa?! Ang hanapin kami para saktan lang?! Ha!” Galit kong sigaw kahit nakadapa dahil inapakan ni Dayana ang likuran ko. Hindi sumagot si Papa sa halip ay si Dayana ang sumagot. “Huwag kang reklamador! Baka nakalimutan mo kung bakit namatay ang anak ko! And your mother killed my daughter!” Natawa ako na naiiyak, “Don't you dare accuse my mother! Do you know why your child died? Because you are an irresponsible mother! You knew you were pregnant, but what did you do? You were hanging out inside the bar! And that's your fault, not my mother!" Galit kong sigaw. “No! That's not true! Alam kong pinatay ng Lintang, Vina na yan ang anak ko! Joseph patayin muna kasi ang babaeng yan!” Agad lumaki ang mata ko at napatingin sa banda ni Mama. N-no, M-mama. Siguro dahil sa inis ni Dayana ay nakalimutan niya ng natanggal niya ang kanyang Paa sa likod ko. Ginapang ko ang pagitan namin ni mama. “M-ma, s-sorry po at natagalan ako sa pag-uwi.” umiiyak kong saad. Umiling-iling ito, “Sana hindi ka muna umuwi, ayokong madamay ka anak. Mahal na mahal kita ayokong makita kang nasasaktan.” wika ni Mama at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Napakunot-noo ako ng maramdamang merong nilagay si Mama sa palad ko at mahigpit nitong kinuyom, “M-ma ano ‘to?” umiiyak kong tanong. Umiling si Mama tsaka tumingin sa dalawang taong walang ibang ginawa kundi saktan kami. “A-anak, Vienna. B-buksan mo yan kapag makatakas kana rito, magtago ka sa lugar na hindi ka makikita at ingatan mo ang buhay mo. Huwag na huwag kang sumama sa Papa mo, naiintindihan mo ba ako?” Nahihirapan nitong saad. Tumango-tango naman ako, “Y-yes, M-ma sabay tayong tatakas.” lakas loob kong saad. Umiling ulit si Mama, “H-hindi ko na kaya anak, ikaw nalang ang tatakas sa ating dalawa, promise me kahit anong mangyari wag kang babalik sa lugar na ito, huwag kang mag-alala merong kukuha sayo sa pantalan, alam mo naman kung paano pumunta roon di ba?” mahinang usal ni Mama. Kahit marami akong katanungan ay pinilit kong huwag itong itanong, dahil alam kong magagalit lang si Mama sa akin. “Anong pinag-usapan niyong dalawa? Balak niyo bang tumakas?” nakadungaw na tanong ni Dayana sa amin. Ngumisi ako para sana inisin ito ngunit nagulat na lang ako ng sinapak ito ni Mama. “Vienna tumakbo ka na!” Malakas na sigaw ni Mama. At agad hinawakan si Papa para hindi makalapit sa akin. Gustuhin ko man na isama si Mama ay hindi ko magawa. Nang hindi pa ako tumakbo ay mabilis akong tinulak ni Mama. “Takbo! Takbo Vienna!” Paulit-ulit nitong sigaw. Tsaka ko palang na-realize kung ano ang nangyayari, walang lingon-lingon akong tumakbo palayo sa bahay, paika-ika pa akong tumakbo dahil nasugatan pala ang Paa ko kanina ng hinambalos at sinipa ako ni Papa. Humahangos akong tumakbo papunta sa highway, ayokong pupunta sa bahay nila Rhoda, ayokong pati sila ay madamay dahil sa gulo ng pamilya namin. Hindi maubos-ubos ang mga luha ko kakahintay ng taxi, pasalamat na lang ako dahil sa perang binigay ni tita Zel at yon ang gagawin kong pamasahe. Nang may nakita akong taxi ay agad ko itong pinara, panay tingin rin ako sa likuran ko at baka andon na ang ama ko. “Kuya andar na po! Please!” Pasigaw kong saad. “Ma'am saan po tayo patungo?” tanong ng drayber ng taxi habang nakatingin sa rearview mirror niya. “Sa Pantalan po, Kuya. Please andar na.” Umiiyak kong sabi. Agad naman nitong pinaandar ang taxi. Umiiyak akong nakatingin sa labas ng bintana at iniisip kung ano na ang nangyari kay Mama, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang naisama si Mama. Ilang oras ang halos mag dalawang oras ang byahe namin at natanaw ko nalang ang pantalan. Agad kong kinapkap ang bulsa ko para makuha ang pera. Hindi pa kami nakapasok sa pantalan ng nakita ko si Papa na bumaba sa kotse nito. Awtomatiko akong napahiga sa upang hindi makita, “K-kuya h-huwag mo kayong huminto please, hanap po muna tayo ng lugar.” pakiusap ko. Mabuti nalang ay sumunod ang drayber sa sinabi ko, hindi kami pumasok sa pantalan at dumeretso kami kung saan ito papunta. Kinapa ko ang Isnag bulsa ko at doon ko lang naalala ang ibinigay ni Mama sa akin. Binasa ko ito at habang binabasa ko ito ay hindi ko mapigilan na maiyak, mukhang nakahanda na talaga si Mama. Blanco? Who's that? Agad akong napaisip kung sino yon at naalala ang sinabi sa akin ni Mama tungkol sa kanyang pamilya. Pero imposibleng merong kadugo si Mama na handa siyang tulungan. Merong numero ang nakalagay sa papel at kahit gusto ko itong tawagan ay hindi ko magawa dahil wala akong selpon. Frustrated akong napasandal sa upuan ng taxi at napatingin sa labas ng bintana, mukhang pumasok kami sa maliit na baybay. “Kuya huminto ka po sa hindi mataong lugar.” usal ko, “Huwag kang mag-alala kuya babayaran kita kung magkano ang bill ko.” Naiinis ako paano na ako makaalis sa lugar na ito kung wala akong sel— Agad lumanding ang mata ko sa hawak-hawak na selpon ng drayber, Isang keypad lang ito pero alam ko sa sarili na malaking tulong ito sa akin. “Kuya pwede bang bilhin ko ang selpon mo?” walang pag-aalinlangan kong tanong. Lumalim naman agad ang gitna ng noo nito siguro dahil nakikita nitong napaka-weirdo ko. “Please, I need that.” “S-sige ma'am, three hundred lang naman yan.” Agad niyang inilahad sa akin ang selpon, walang pag-aalinlangan ko itong kinuha at agad tinipa ang numero na nakasulat sa papel. Habang hinihintay na merong sumagot ay sobrang bilis naman ng kalabog ng dibdib ko. Please sumagot ka…..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD