Napailing ako ng halos hindi na makatayo si Vienna dahil sa kalasingan, napangiti ako ng namumula ang dalawang pisngi nito at namumungay na ang kanyang mga mata. She's cute. Pinaupo ko ulit si Vienna at uminom na lang din habang hinihintay ang mag kapatid. Malakas ang pakiramdam kong hindi talaga totoong magkasundo ang dalawa, At pinapakita lang nila kila tita at tito na ayos lang ang kanilang turingan. Halos magdalawang oras na ang lumipas ngunit walang Shawn at Rhoda ang bumalik, naubos ko pa ang sampung alak pero wala pa rin silang dalawa. Napabuntong hininga nalang ako at agad tumayo upang ihatid si Vienna sa hotel room nila ni Rhoda. Baka andon lang ang babaeng yon habang tinaguan ang kapatid. Paika-ika kaming naglakad, inakay ko siya, hinawakan ko ang kanyang maliit na bewang at