C-8

1711 Words
“Rhoda, ang sexy naman ng bikini na ‘to.” angal ko ng sinipat ko sa salamin ang suot kong bikini. Yong dala ko kasi ay short at t-shirt, pwede naman yon pero ang Gaga gustong same kami, sa akin yung itim at sa kanya naman ang puti. “Ano ka ba naman, Vienna.” "Ano? Sasabihin mo na naman na napaka ignorante ko?” inis kong wika. Agad naman itong humalakhak, "Uy’ di ko yan sinabi ha?! Ikaw lang nagsabi niyan.” Umirap nalang ako at nagkalkal sa bag at naghanap ng pwedeng ipatong, nakita ko ang puting cardigan ko at nagpapasalamat talaga ako kasi nadala ko pala ito. Kailangan ko ‘to ngayon e. “Vienna! Bilisan mo!” Rhoda shouted, nagpatiuna na kasi itong lumabas sa kwarto tsaka ko nahanap ang cardigan. Excited masyado, di naman siya halata di ‘ba? “Sandali lang naman Rhoda, naghahanap pa ako ng—” Nahinto sa Ere ang pagsasalita ko ng nakita ko si Shawn at Rhoda na nagkatitigan. I feel very uncomfortable in this situation. Kaya dahan dahan akong naglalakad palayo sa kanila, hihintayin ko nalang siya sa tabi ng dagat. Makikita niya naman siguro ako kung hindi siya bulag. Yon nga ang plano, umupo ako sa buhangin habang hinihintay si Rhoda. Hindi ko din tinanggal ang cardigan ko kahit pinagtitinginan na ako ng maraming tao. Siguro dahil pakiramdam nila napaka-weirdo ko, hindi na uso ang short at t-shirt sa beach. Mas naging pabor sa kanila ang two piece. Ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa ring Rhoda ang dumating, napa-buntong hininga nalang ako at agad ginapangan ng kaba. What if nag-aaway na naman ang dalawang yon? Lalo na may namumuong selos sa dibdib ni Rhoda para kay Shawn dahil sa litrato nitong kasama ang nobya. Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga na ako, tatayo na sana ko ng— “Vienna! Bakit mo naman ako iniwan!” Sigaw ni Rhoda sa akin. Agad napakunot ang noo ko ng marinig ko ang kanyang boses na parang galing sa pag-iyak. “I thought, nag-uusap kayo ng masinsinan ng Kuya Shawn mo, bakit may nangyari ba? Are you okay?” nag-alala kong tanong. Umiling agad ito at niyakap ako. “Rhoda what's the problem? Are you really okay?” tanong ko ulit at hinaplos ang likod niya. “He hate me, Vienn…Nagsisi siyang pinakasalan ng ama niya si Mommy.” hagulgol nitong saad sa akin. Bumuga ako ng hangin, “Hindi natin alam kung pumayag ba talaga siyang magpakasal ang kanyang ama or tulad mo ‘rin na gusto lang din protektahan ang mahal sa buhay.” marahan kong saad. “Sana nga ganyan ang rason, Vienn.” humagulgol parin na saad nito. Agad akong napatingin sa karagatan at ngumiti ng marahan, “Langoy na lang tayo, Rhoda.” “Mas mabuti pa nga.” natatawa nitong saad. Napangiti nalang ako ng mabilis nagbago ang kanyang mood. Ilang oras na kaming lumalangoy ni Rhoda pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ito napapagod sa ginagawa namin. “Rhoda silong kaya muna tayo? Ang itim na natin.” saad ko at tinignan ang sariling balat. “Una ka nalang, susunod ako.” Tumango ako at agad naglakad paalis. Mahapdi na rin ang magkabilang pisngi ko dahil sa init at alat ng tubig dagat, laking pasasalamat ko ng pumayag ito. Umupo ako sa ilalim ng niyog na wala namang bunga, nandon kasi ang bandana namin nakalatag kasama sa ibang gamit at kaunting pagkain namin. Pinabayaan lang kami ni Tita Zel kasi sila ni Tito Arturo naman ang nag bonding. Kanina ko pa hindi nakikita ang dalawang lalaki na ipinag-salamat ko kasi kung makikita na naman ni Rhoda si Shawn ay baka mag-iba ulit— “Vienna, where's my sister?” Agad akong napatingin sa bandang likuran ko pero agad lumanding ang mata ko sa likuran ni Shawn. I was surprised when I saw the strange gaze from Lennox. What could be the reason behind his stare? I feel something strange in my stomach, like butterflies fluttering around. Agad kong nabawi ang tingin at napa kurap-kurap pa ako upang iwaglit ang nakitang kakaibang emosyon sa mata ni Lennox, “L-lumalangoy pa, Shawn.” Rinig ko ang pag-ubo ni Shawn, kaya kunot-noo ko itong tinignan, “Anong nangyari? Ayos ka lang?” tanong ko at nilapitan pa ito. Mabilis naman itong napa-atras. “A-ayos lang ako Vienna, sige sabihan mo nalang si Rhoda na mag bonfire tayong apat mamaya, Mama suggested it. Wala akong lakas na tanggihan ang suhestiyon niya.” Napatango nalang ako at ilang sandali ay para silang nag teleport dahil ang bilis nilang naka-alis. Ilang minuto naman ang lumipas ng nakarating si Rhoda. “Anyare sa dalawang yon?” nakakunot-noo nitong tanong. Huminga ako ng malalim, “Sabi ni Shawn sinabi raw ng Mommy mo na, mag bonfire daw tayong apat. At dahil hindi makatanggi ang kapatid mo sa Mommy mo, pumayag ito.” saad ko. “Ano?!” Huminga ako ng malalim, alam ko kung ano ang problema ni Rhoda pero bakit pakiramdam ko ay problemado rin ako, iisipin ko palang na kasama namin si Lennox ay na highblood na ako at kinakabahan. Ewan bakit ako nakaramdam ng ganito. “Wala tayong magagawa Rhoda, kaya pupunta nalang tayo.” saad ko ay agad tumayo. “Let's go, punta na tayo sa hotel room. Kailangan na nating mag banlaw at magpalit ng damit, giniginaw na rin ako.” Tumango naman ito at sabay kaming naglakad habang bitbit ang mga gamit namin. Habang papalapit ang oras ay ganun naman ka bilis ang kabog ng dibdib ko. Pagdating namin sa hotel room ay unang na ligo si Rhoda at sunod naman ako, habang naliligo ako ay naalala ko na naman ang mukha ni Lennox. Urgh! Bakit naiisip ko na naman siya? pagka-usap ko sa sarili ko habang nakaharap sa malaking salamin. Kung siguro merong nakakita sa akin ngayon ay aakalain na nabaliw na ako. Sino ba kasi ang maayos ang utak na kinakausap ang sarili sa harapan ng salamin? Aber? Lumabas na ako sa banyo at naabutan ko si Rhoda naka-upo sa maliit na sofa habang nangkulikot sa kanyang selpon. Napatingin ako sa kama at pakiramdam ko ay tinatawag ako ng kumot, “Rhoda, gisingin mo nalang ako kapag aalis na tayo, Inaantok ako.” saad ko. At dahan dahan na naglakad palapit sa kama. “Sure! No problem, Vienna. Sleep ka muna.” Tumango ako bago dumapa sa malambot na kama. I feel so exhausted dahil sa mga pinaggagawa namin kanina. Ilang sandali lang ay hinila na ako ng dilim. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang dumaan, Rhoda wake me up tulad ng napag-usapan namin. Suot ang summer long dress at pinarisan ng flat sandal ay nag mukha akong sosyal. Kahit si Rhoda ay ganon rin ang suot niya pero mas sexy nga lang. Binitbit ko din ang jacket ko Incase kung giginawin ako mamaya. Habang naglalakad kami ay panay bulong naman si Rhoda pero hindi ko maintindihan. Nangangalay na rin ang braso ko dahil sa pagkakahawak niya. Malayo pa kami ng natanaw ko ang dalawang lalaki na nakaupo habang nakaharap sa apoy. Ilang mabibigat pa na hangin ang pinakawalaan ko bago kami nakarating sa kanila. “Good Evening.” pagbati ko. “Evening too, Vienna.” Shawn replied. Marahan lang akong tumango atsaka umupo. Napakunot-noo ako ng nakatingin pa rin si Shawn sa akin. “Bakit?” tanong ko. Huminga ito ng malalim, “Pwede tabi kami ng lil sis ko?” Mabilis akong napabaleng kay Rhoda ng napasinghap ito, “Rhod.” banggit ko sa pangalan niya. Hilaw naman itong napatingin sa akin, “Palit tayo.” agad na turan ko at walang pasabi na tumayo para makalipat ng upo. Pero ang hindi ko nagustuhan ay ang pagitan namin ni Lennox. Malapit na kasing magdampi ang mga braso namin. Maliit lang na bonfire ang pinili nila, ewan ko kung bakit. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagkunwari na nakatingin ako sa ibang tao. Si Rhoda din ay parang pinutulan ng dila dahil hindi ito Umimik. “So…. Graduation ceremony niyo bukas?” panimula ni Shawn. Para kaming mga baliw rito, nagkahiyaan, “Oo,” sagot ko ng hindi sumagot si Rhoda sa halip ay kumuha ito ng can beer. Wait B-beer? Agad akong napatingin kay Rhoda, “Gaga malalasing ka.” sita ko, bukas na ang ceremony at kapag nalasing ang isang ‘to yari na bukas, atsaka huwag niyang sasabihin na dadalo siyang may hang-over? “Isang can lang naman Vienn.” Rhoda said. Wala na nga akong nagawa kundi ay tumahimik na lang, nagkuha nalang ako ng makakain habang ang mga kasamahan ko ay mag-iinom. “Rhoda kahit hindi ka minor, hindi ka parin pwedeng iinom.” Shawn said. Agad akong napatingin sa dalawa, nakakunot ang noo ni Rhoda habang madilim naman na nakatingin si Shawn sa kaibigan ko. Mag-aaway na naman ba ang dalawang ‘to? “Pake mo ba? Sino ka para diktahan ako sa gagawin ko? Ha?!” medyo mataas na boses na wika ni Rhoda. Aangal na sana ako ng biglang hinawakan ni Lennox ang braso ko, kaya't agad ko itong tinampal. Ano na naman ang problema nito sa akin at bakit nanghahawak? Tss. “Kapatid mo ak—” “You're not! I'm not your sister, magkapatid lang tayo dahil pinakasalan ng daddy mo ang mommy ko.” namumula na saad ni Rhoda. “Rhod, stop it. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.” marahan kong saad. Pero walang pumapansin sa akin, tatayo na sana ako para sana i-alis ko ang kaibigan ko rito, pero hindi pa ako tuluyang nakalayo ng biglang kumaripas ng takbo si Rhoda. Malungkot at nag-alala akong tumingin sa daan kung saan pumunta ang kaibigan ko, kahit sumunod si Shawn ay nag-alala pa rin ako dahil siguradong mag-aaway na naman ang dalawang yon. Wala sa sarili kong tinungga ang can beer at inisang lagok ito, at dahil hindi ako sanay ng alak ay ramdam ko na agad ang pag-init ng buong paligid at pakiramdam ko ay nahihilo na ako at gustong sumuka. “Vienna are you okay? Hey?!” I think I heard Lennox's voice. Pikit mata kong saad. “Vienna? Vienna?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD