C-6

2182 Words
Day before the ceremony “Tita Vina, pwede po bang isama ko si Vienna sa resort kung saan kami maliligo nila Mommy, ipagdiwang lang naming dalawa ang ceremony bukas.” Narinig kong pagpapaalam ni Rhoda kay Mama, sinabi ko kasi sa kanya na hindi ako pwede sasama dahil meron akong gagawin kahit wala naman. Pero mukhang pursigido ang isang ‘to na isama talaga ako. “Ngayon ba hija? Wala naman siyang gagawin bakit sinabi niya bang hindi siya sasama?” Nabilaukan naman ako dahil sa narinig kay Mama, aba gusto yata akong ipasama. Sinipat naman ako ni Rhoda at may kung anong bumubuo na ngiti sa mga labi nito. Aba't itong babaeng ‘to alam na kung paano maging pilya. Tumango si Rhoda kay Mama, “Opo Tita, sabi niya may gagawin daw kayong dalawa.” Agad lumaki ang mata ko dahil sa kasinungalingan nitong sinabi. Mabilis na bumaling si Mama sa akin at nilakihan ako ng mata, wala na finish na, panigurado na sesermunan na naman ako nito mamaya. “Wala naman kaming gagawin hija, isama mo siya para makapag enjoy naman kayo.” nakangiting wika ni Mama. Agad bumaling si Rhoda sakin na may ngiting tagumpay, naiiling na lang ako dahil sa naisip sa kasinungalingan nito para lang maisama ako sa kanyang lakad. “Vienn, wala ka ng kawala pumayag na si Tita Vina.” Nakangiti nitong wika. Agad ko siyang kinutusan sa tagiliran dahil sa kasinungalingan na sumbong kay Mama, “Ikaw impakta ka, pahamak ka talaga. Patay ako nito mamaya dahil sayo.” naiiling kong bulong. Pero ang bruha tumawa lang, “Hindi yan.” Umirap nalang ako at tinuon ang pansin sa ginagawa, inayos ko ang mga labahin para wala ng problema si Mama. “Anong oras ba ang alis?” “Mmm…. Pagkatapos mo dyan aalis na tayo, hihintayin naman nila tayo kung aalis na.” Agad kumunot ang noo ko, “Baliw ka ba? Nakakahiya sa Mommy mo Rhoda, jusko! Halika na nga—” “Vienna Yong pamalit mo na damit?” Napatampal nalang ako sa noo ng mawala sa isip ko, kailangan ko palang magdala ng damit dahil resort ang pupuntahan at malamang mag swimming na naman. Agad akong pumunta sa kwarto at kumuha ng dalawang pares na damit tsaka isinilid sa itim kong bag. Wala akong magandang lagayan ng damit kaya ayos na siguro ito. Pagkalabas ko ay nakita ko si Rhoda na nakatingin sa isang picture frame kung saan ako at si Mama nasa harapan ng bahay namin. “Rhoda.” Agad naman itong napatingin sa'kin, “B-bahay niyo?” hindi siguradong tanong niya. Bumuntong hininga na lang ako, mukhang hindi ko maitago ang katutuha— “Hindi saamin yan hija, bahay yan ng Tita ni Vienna.” pagsabat ni Mama mula sa likuran ni Rhoda. Doon lang ako nakahinga ng maluwag, mabuti nalang ay nakasingit agad si Mama. “Sa Tita niya po? Ang ganda naman ng bahay nila.” Ngumiti lang si Mama habang may lungkot sa mga mata. I know, I know the fact that my mother truly loves my father wholeheartedly. Peke akong ngumiti, “Oo maganda dyan kaso hindi na sa kanila yan e, Binenta nila kasi naghiwalay ang mag-asawa.” pag sinungaling ko. Malungkot naman na tumingin si Rhoda sakin, “Ay ganun ba, sayang naman.” “Alis na tayo Rhoda, baka naghihintay na ang Mommy mo. Nakakahiya naman sa kanila.” wika ko at agad nagpatiuna na naglakad palabas. “Bye ma, huwag ka magpapagod ha.” saad ko kay mama at agad hinalikan ng nakalapit ako sa kanya. Nasa malapit lang kasi siya ng hamba ng pinto palabas. “Mag Ingat kayo, Vienna huwag ka pasaway sa Mommy ni Rhoda.” habilin nito. Agad naman akong napangiwi dahil sa sinabi ni Mama, kailan ba ako naging pasaway sa ibang tao. Napapailing na lang ako dahil kay Mama. Naglakad na kami ni Rhoda patungo sa kanilang bahay, nakakahiya talaga kung late kami. Baka isipin ng Mommy ni Rhoda nagpa-feeling importante ako. Ilang minuto ang lumipas ng natanaw namin ang gate nina Rhoda at nakita ko ang Isang kasambahay na hindi mapakali sa labas ng gate. “Miss Rhoda! Miss Rhoda! Jusko! Kanina pa naghihintay ang Mommy mo, aalis na raw kayo.” Taranta na saad ng kasambahay. Agad naman akong napatingin kay Rhoda at sinamaan ito ng tingin, “Kung ang sadya mo naman pala sa bahay ay ako, dapat sinabi muna agad. Ayan tuloy naghihintay pa ang Mommy mo satin.” paninisi ko kay Rhoda. Nag-kamot naman ito ng ulo, “Sorry na, nahihiya kasi ako kay Tita Vina.” Napa-ismid nalang ako dahil sa rason niya. “Asan po si Mommy ate?” tanong ni Rhoda sa kasambahay. “Nasa Loob Miss Rhoda, nasa sala Miss kasama si Sir Arturo.” Tumango naman si Rhoda at hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Pagbukas ng pagbukas niya sa pintuan ay agad kong nakita ang mukha ni Mrs. Di Giovanni na nairita na. “Mom! Sorry we're late, nakikipag kwentuhan pa kasi ako kay Tita Vina.” pag-rason ni Rhoda sa ina. Nang nakita ako ni Mrs. Di Giovanni ay agad itong ngumiti. “Ayos lang, akala ko nga ay matatagalan pa kayo. Nagbabalak na sana kaming mauna nalang at sumunod nalang kayo.” saad ni Mrs. Di Giovanni. “Pasensya na po talaga Mrs. Di Giovanni at natagalan kami.” hinging paumanhin ko. Marahan naman itong tumawa, "Ayos lang hija, and don't call me Misis. Hija, mas maganda kung Tita Zel nalang masyadong pormal ang Misis.” natatawa nitong ani. “Oh, nakahanda na ba kayo? Pwede na tayong umalis?” Tumingin ako kay Rhoda ng kumibot ang bibig. Ano na naman kaya problema ng babaeng ‘to. Agad na kaming sumakay sa kotse, tahimik lang din akong nakaupo sa likuran habang ang mag-asawa ay merong sariling mundo. Sa pagkakaalam ko ay sa Pacific Cebu resort kami pupunta ngayon dahil ito lang ang pinakamalapit na resort sa Solana. Hindi pa ako nakakapunta doon pero base sa narinig ko sa mga taong nag-uusap tungkol sa lugar ay mayroong sariling swimming pool ito nakaharap sa karagatan, at merong maraming Lounge chair at tsaka elegante rin daw ang kanilang cottage doon, ang sabi din ay maayos ang kanilang service sa mga customer. Halos dalawang oras din ang byahe bago kami nakarating, ngayon ay kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa resort. “Good day Ma'am/ Sir! Welcome to Pacific Cebu resort.” sabay sabay na bati ng mga front staff. Napatango naman ako mukhang tama nga ang chismis. "Good day, reservation for Di Giovanni.” Mommy ni Rhoda. Agad naman lumaki ang mata ng mga staff, “Good day ma'am, I'm sorry kung hindi ko kaagad kayo nakilala. Follow me, Ma'am.” marahan na wika ng staff. Nagpatiuna itong naglalakad sa amin habang maingat na ipinaliwanag ang mga activities at ibang sulok ng lugar. Halata din kay Tita Zel na nagustuhan nito ang buong lugar. “Rhoda banyo lang ako.” paalam ko ng nakaramdam ng ihi. “Sama ako, kanina ko pa pinipigilan pantog ko e.” Magkasama nga kaming pumunta sa Banyo at nag kanya-kanya kaming pumasok sa Cubicle. Pagkatapos ko ay agad akong lumabas sa cubicle at tiningnan ang itsura sa repleksyon ng salamin. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Sana ayos lang si Mama doon sa bahay. “Rhoda ayos ka lang diyan?” tanong ko ng makarinig ako ng ingos. Para bang umiyak ito. “O-oo a-ayos lang ako, sandali lang!” Napakunot noo ako ng mapansin ko ang kakaiba na tono ni Rhoda, "Rhods, are you sure you're okay? Tell me what's wrong?” tanong ko at sumandal sa isang cubicle. “A-ayos lang talaga ako, sandali lang.” Paglabas niya ay agad ko siyang tinignan at napansin ko agad ang medyo namamaga niyang mga mata, “Umiyak ka?” nakakunot-noo kong tanong. Hindi ito sumagot sa halip ay nag hilamos ito. “Rhoda anong nangyari? Nag-aaway na naman ba kayo ni Shawn?” Umiling agad ito, “Please, huwag mong banggitin ang pangalan niya.” mahina nitong wika. Doon ko lang napagtanto na si Shawn na naman ang may dahilan bakit ito umiyak. “Inaway ka ba niya? Pinagsalitaan ng masama? Ano?” sunod sunod kong tanong. Umiling naman si Rhoda, “No, hindi kami nag-uusap—” “Then why are you crying? Hindi naman pala kayo nag-uusap?” “I saw his photo with his girlfriend—” “Oh God! Rhoda I thought kalimutan mo siya? I mean akala ko ba lalayo ka sa kanya? Mahal muna ba talaga—” “Anong mahal?....Rhoda? You have a boyfriend?!” Agad lumaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Tita Zel. Oh God! Anong gagawin ko, hindi naman pwedeng sabihin ko ang totoo. Bago ako bumaling kay Tita Zel ay marahan akong ngumiti upang itago ang kaba na nararamdaman. “Ah, Tita Zel mali po yong narinig mo, ang ibig ko pong sabihin ay mahal po yong damit na ibibigay ni Rhoda sakin.” palusot ko. “Ano yong narinig kong kalimutan?” Gusto ko na lang umalis at hindi magpakita, kakaloka ang mga nangyayari ngayon, “Uhmm, Ganito kasi yun Tita Zel, akala ko kasi nakalimutan na ni Rhoda ang sinasabi nitong bibigyan niya ako ng dress. Matagal na kasi yun kaya hindi ko na inisip, ngayon niya lang sinabi na meron na pala at hindi ko po matatanggap yun kasi Ho, ang mahal po.” Palusot ko sana nga lang ay kakagat si Tita Zel sa palusot ko. “So walang boyfriend ang anak ko?” nakakunot-noo nitong tanong sa akin at sinulyapan ang anak. Marahan naman akong tumango, “Wala po siyang boyfriend, Tita” saad ko. Tumango naman ito at pumasok sa isang cubicle, napapikit nalang ako ng mahigpit atsaka tinignan ng masama si Rhoda, baka akalain ng Mommy nito na isa akong sinungaling. Agad itong suminyas na lalabas na kami. “Mommy mauuna na kami sayo! Ililibot ko lang si Vienna.” paalam ni Rhoda sa ina. “Mas mabuti pa nga, Enjoy hija!” Pagkalabas namin ay mabilis kong binatukan si Rhoda, “Gaga ka! Mabuti nalang nakahanap agad ako ng lusot.” wika ko na may halong pag-alala. “Thank you! Vienna! Akala ko talaga mabibisto na.” nakayuko nitong saad. “So ano nga? Akala ko ba ay pipilitin mong kalimutan at layuan ang kuya Shawn mo?” nagtataka kong tanong. Malungkot naman itong yumuko, “Iyan din ang gusto kong mangyari Vienna, pero hindi ko magawang pigilan ang damdamin ko, sorry pero mukhang huli na ang lahat.” malungkot nitong wika. Huminga nalang ako ng malalim, “Hindi kita pipilitin na kalimutan mo siya, pero ito lang sasabihin ko, kung ano man ang desisyon mo ay nandito lang ako. Nakasuporta sayo.” Ngumiti naman ito at niyakap ako, “Salamat sa pagiging mabuting kaibigan, Vienn.” Tulad sa plano namin ay naglakad-lakad nga kami habang tumitingin sa mga magagandang tanawin. Maraming turista ngayon at nagustuhan ko ang Disenyo ng kanilang resort, kulay puti na hinaluan ng kulay powder blue, Yong swimming pool nila ang linaw pagmasdan. Merong pambata at pang matanda. Sabi nga sa chismis na elegante raw ang kanilang cottage rito, totoo nga. Box shape ito na kulay puti at para siyang net tignan sa malayo, pero kung lalapitan mo siya ay para siyang binutasan lang, meron din itong kurtina pero makikita ka parin naman mula sa labas, wala itong silya pero pwede kang umupo sa loob, dahil ang disenyo sa loob ay parang duyan. Pwede ka doon humiga kung gusto mo. Yong lounge chair naman nila, rattan type at Yong umbrella nila, nipa ang ginamit nila. At ang ganda tignan, sa iba kasi ay ang gamit nilang umbrella ay yung parang tela, pero dito sa pacific Cebu resort nipa ang gamit nila, ito ang nakapagbigay ng unique style sa resort nila. “Vienna, Look ang ganda ng mini Garden nila!” Pasigaw ni wika ni Rhoda, medyo malayo na kasi siya sakin. Agad akong lumapit rito, “Saan?” kunot-noo kong tanong. “Yon oh!” wika nito at tinuro ang isang sulok. Napanganga naman ako, maganda nga siya. Pinalibutan ito ng bambusa Balcooa ito ang uri ng bamboo na malinis ang katawan, meron din silang succulent flower ibat ibang design. Ang sabi ng karamihan ay maganda ang sacculent sa loob ng kwarto. Dahil nakaka-boost raw ito ng freshness wind habang ikaw ay natutulog. Sa madaling salita nakakasagap lalo sa tulog. “Maganda nga—” Agad akong napatingin kay Rhoda ng tumunog ang selpon nito. Pero hindi nito pinansin. “Rhoda sagutin mo nga ang tawag baka ang Mommy mo yan.” wika ko. Baka kasi hinahanap na kami at ayaw pa sagutin ng babaeng ‘to. Pagkuha ni Rhoda sa selpon nito ay nagtataka ako ng lumalim ang gitna ng noo nito, “Bakit? Sino ang tumawag?” tanong ko. “It’s Kuya Lennox.” Agad akong napalunok, God pupunta ba siya rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD