C-7

1930 Words
Doomed “Lennox sama ka sa amin?” tanong ni Shawn sa akin. Kanina pa ako nito kinukulit kung sasama ba ako sa pag-uwi nito sa Solana. Graduation ceremony kasi ni Rhoda bukas at ngayong araw ay pumunta ang pamilya ni Shawn sa isa sa mga resort sa Cebu. Madaling araw pa ngayon pero ayaw akong tantanan ni Shawn kakatanong. “I don't know, Shawn. Kung hindi matutuloy ang meeting ko sa isang kliyente ay pwede akong sumama.” sagot ko at dinampot ang mug na mayroong lamang kape. “Kasama pala si Vienna sa outing nina Dad, sinama ni Rhoda.” Agad akong napatingin kay Shawn, “Then? Anong gusto mong sabihin?” nakakunot-noo kong tanong. Agad naman itong nagkamot sa ulo, “Wala lang, share ko lang.” patay malisya na wika nito. Naikiling ko nalang ang ulo ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig-sabihin ni Shawn. Ano naman ang kinalaman ko, kung nandon nga ang malditang babae yon? Ni lahat yata ng sasabihin ko mali para sa kanya. Napa-buga ako ng hangin nang maalala ko na naman ang sagutan naming dalawa, kakaiba talaga siya, hindi siya katulad ng ibang babae na halos itulak ang sarili papalapit sa akin. Kasi kung katulad siya sa ibang babae na kilala ko, lalo na rito sa syudad. Baka ‘nong hinatid ko siya sa bahay nila ay ginawa na nitong dahilan para mapalapit sa akin. Pero hindi eh, ito pa ang may ganang magalit sa akin. Ilang minuto ang lumipas ng biglang umalingawngaw ang selpon ko, mabilis ko itong sinilip at nakita ang pangalan ng sekretarya ko. “Jessa.” “Boss magandang umga.” "Napatawag ka?” “Kasi boss, ang kliyente na sana ay i-meet natin ngayon ay nagpa-reschedule dahil may emergency raw sa home town nito.” Kumunot naman ang noo ko at napatingin kay Shawn na mahalatang nakikinig sa usapan, “Wala na akong ibang meeting?” tanong ko. “Wala na boss, next week pa yung tatlong kliyente.” “Okay sige, aalis ako ngayon. Ikaw na bahala sa opisina at tawagan mo nalang ako kapag may importante.” habilin ko. Nakita ko pang mapatalon si Shawn ng marinig ang sinabi kong aalis, mukhang gusto nga talaga nitong isama ako sa pag-uwi. “Noted boss!” Isa si Jessabel sa batch ko noong college, hindi kami gaano ka close pero ng makita ko ang info niya sa pag-apply sana ng regular employee ay doon ko napagtanto na siya ang isa sa mga college batch ko. Tumango lang ako na parang nakikita ng sekretarya ko, “So sasama ka?” agad na tanong ni Shawn sa akin. Tinitigan ko ito at napa-isip kung bakit gustong-gusto nitong isama ako sa pag-uwi, “Shawn aminin mo nga sa akin, hindi mo ba alam paano umuwi mag-isa?” nakakunot-noo kong tanong at pinipigilan na hindi matawa. “Fuvk you Lennox! Anong akala mo sa akin kindergarten para hindi alam paano umuwi?” pambabara nito sa akin. Hindi ko na nga kayang pigilan ang tawa ko, kaya napa halakhak nalang ako, pero agad akong napatayo ng binato ako ni Shawn ng unan. “Fuvk you Shawn!” natatawa kong saad at iningatan ang mug na merong kape. “You too….” Ngumisi ito ng nakakaloko, “Pero maganda pala talaga si Vien—” Dahil sa inis ko sa kanya ay binato ko ulit ang unan na ginamit niya kanina. “Tumahimik ka! Animal ka!” Agad naman itong humalakhak. Napapailing na lang ako dahil sa katarantaduhan naming dalawa. Tulad ng sinabi ni Shawn kanina ay sabay kaming pumunta ng airport, ihahatid kami ng kaibigan naming piloto, mabuti nalang talaga dahil timing Yong pagdating namin sa airport ng tumawag ito na kaka-landing lang nila sa airport ng Manila, kaibigan namin ito ng college at tulad namin ni Shawn mayaman din ang pamilya at ang propesyon nito ay pilot. Ang gamit nila ngayon na eroplano ay isang private plane na pagmamay-ari rin nito. Di bale at least nakapag save kami ng pamasahe. Ilang oras lang naman ang byahe at ngayon nandito na kami sa airport ng Cebu at hihintayin ang drayber nila Shawn. “So pano yan Bro, alis na kami?” Blanco said. Ang piloto naming kaibigan. Mabilis akong nag fist bump, “Yeah, thank you bro. Ingat kayo sa paglipad.” wika ko at marahan na tinapik ang balikat. “See you next week in manila, kapag makabalik na kayo.” wika nito at binigyan din ng fist bump si Shawn. Sabay kaming tumango ni Shawn at ilang sandali nga ay umalis na rin ito. “Dude matagal pa ba?” tanong ko ng ilang minuto na kaming nakatayo rito sa exit. Ngunit walang drayber na dumating, nangangalay na ang binti ko. Tumingin naman si Shawn sa relo at sa selpon, “Lennox tawagan mo kaya ang kapatid ko?” suhestiyon nito. Mabilis akong napatingin sa kaibigan ko, “Bakit ako? Dapat ikaw, remember ikaw yung kapa—” “Hindi yon sasagot sa tawag ko, kaya ikaw na ang tumawag.” pagputol nito sa angal ko. Bumuntong hininga na lang ako atsaka inilabas ang selpon, agad kong hinanap ang numero ni Rhoda tsaka pinindot ang call button. “Kuya Lennox.” “Rhoda, pasensya na sa disturbo pero nakaalis na ba ang drayber? Kanina pa kami rito sa airport.” “P-po? N-nandito kayo sa Cebu?” “Yes at hinintay namin ang drayber na sana susundo sa amin, pero ilang minuto na wala parin. Can you tell your mother, Na andito na kami sa airport para masabihan niya ang drayber?” pakiusap ko. “Sure! No problem. Wait a minute, Kuya.” “k.” Hindi ko na pinatay ang tawag para hindi na tatawag ulit si Rhoda. “Hello, kuya, are you there? Hello?” “Yes! Yes, I'm here. Sorry.” hinging paumanhin ko, nag-uusap kasi kami ni Shawn kaya hindi ko narinig agad si Rhoda. “Kuya sabi ni Mama, papunta na raw Yong drayber, hintayin nalang daw muna baka na traffic lang po.” magalang nitong wika. “Thank you Rhoda, sige hintayin na lang namin.” “Okay po, see you later Kuya Lennox!” “Yeah, see you later.” Agad naputol ang tawag at nag umpisa na kaming nag tingin-tingin sa paligid at baka hindi lang kami nakita ng drayber. Another three minute wait at sa wakas huminto na ang Van nila Shawn sa harapan namin. “Sir! Shawn pasensya na sir at naipit ako ng traffic.” bungad sa amin ng drayber na si Mang kalo. “Ayos lang manong, akala lang namin nakalimutan ni Dad na sabihin sayo na uuwi kami.” Shawn said. Umiling agad si Mang Kalo, “Tara na sir?” Agad kaming pumasok sa Van at ang sarap sa pakiramdam dahil nakakaupo na ako, nangangalay na talaga ang binti ko kanina. “Dude idlip muna ako, gigisingin mo nalang ako kapag nakarating na tayo.” saad ko kay Shawn. Ipinikit ko ang mata ko at hindi naman nagtagal ay hinila na ako ng antok. “Lennox, dude, wake up. We're already here.” Narinig kong paggising sa akin ni Shawn, dahan dahan kong iminulat ang mata at napagtanto na nandito na nga kami. “Mabuti naman at gising ka na, akala ko kukuha pa ako ng tubig para panggising sayo.” Shawn said. Masama ko namang tinignan si Shawn, “Really? Gagawin mo yan, sana pala hindi na ako sumama. Mano—” “Dude, nagbibiro lang naman ako. Halika na naghihintay na sila Dad at Mama Zel sa resto.” Pag-iba ng topic nito. Napailing nalang ako at agad binitbit ang maliit na maleta na kulay itim. Tinahak namin ang daan patungo sa resto at kapansin pansin ang mga tingin ng kababaihan na staff at mga customer na babae. “Girl di ba si Mr. Schumacher yan at Mr. Di Giovanni?” The no name girl said. “Oo, sila nga! Ang magaling sa larangan ng negosyo atsaka bruha hindi na pwede si Mr. Schumacher, balita ko may fiance na yan.” another girl said. Napailing nalang ako ng kahit sa Cebu ay umabot pala ang balita tungkol sa akin at kay Marian. Pagpasok namin sa resto ay agad kong namataan si Tita Zel na katabi si Tito Arturo. “Tita, Tito… Hello po.” Pagbati ko at agad nagmano. “Hijo, nice to see you again, pinilit ka na naman ba ni Shawn?” Tita said at tinignan ang katabi ko na tahimik lang. “Ma, hindi ko siya pinilit. Siya pa nga ang nagpumilit na sumama sa akin eh.” Agad akong napabaleng kay Shawn ng iba ang dahilan nito sa ina-inahan, abah! Ang puta nagsinungaling na nga, halata pa. Napailing nalang ako dahil alam ko naman na hindi naniniwala si Tita Zel sa kanya, dahil kahit kailanman ay hindi ako nagpumilit. Natatawa na lang kami kahit si Rhoda at kaibigan nito ay palihim rin na natawa. “Oh, siya. Umupo na kayo para makakain na.” Tita Zel. Agad naman namin itong sinunod, umupo ako sa tabi ni Shawn at katabi ko naman si Vienna. Agad akong napatingin kay Shawn ng pasimple niyang kinalabit ang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. Tinignan ko siya ng, “What?” Look. Agad naman nitong nginuso ang baba sa katabi ko, inirapan ko ito at sinamaan ng tingin. Abah hindi pa kuntento sa pagsisinungaling at idadamay pa ang babaeng nanahimik lang. “Kumusta ang byahe niyo, Hijo?” tanong ni Tita sa amin. “Maayos naman po, hinatid kami ng kaibigan namin.” Sagot ko at sinubo ang pagkain. Actually kanina pa ako nakaramdam ng gutom dahil kape at sandwich lang naman ang nakain ko kanina doon sa condo. “Good, enjoy lang kayo rito.” Tita Zel said. “Hija Vienna, kain ka dyan huwag kang mahiya.” nakangiting saad ni tita sa katabi ko. “Opo, salamat po.” Bahagya akong napangiti ng marinig ko ang malumanay niyang boses, hindi ganito ang kanyang boses ng hinatid ko siya at nagpakilala ako sa kanya last time. Ngayon ko lang napansin na meron pala siyang mahinhin side. Minuto ang lumipas ng nagpaalam si Rhoda at Vienna na maliligo sa dagat, meron namang swimming pool rito, pero mas maraming taong naliligo sa dagat ngayon. Maybe it's because it's summer season. “Lennox hijo, anong gusto mo magkasama kayo sa iisang room ni Shawn or kukuha ng isa pa?” Tita Zel asked. “No, no tita, Shawn and I will share one room.” I answered, nakakahiya kung kukuha pa ng isa pa. Alam ko naman na ayaw nilang ako ang magbabayad ng hotel room. “Are you sure?” panigurado nito. Tumango naman ako, “Yes, Tita. Thanks for the offer but I'm okay with Shawn.” “By the way hijo, kumusta ang Mama mo?” Napangiti ako kahit kailan talaga ay amiga talaga sila ni Mama, “She's okay Tita, nasa Maldives ngayon. Sumama kay Papa.” “Wow that's awesome, para naman makapag relax din siya.” Natatawa nitong wika. “Kaya nga po e.” “Kuya Lennox! Swimming tayo!” Rhoda shouted. Nasa tabing dagat kasi ako at natatanaw sila na naliligo. Napanganga ako ng nakita ko kung ano ang sinuot ni Vienna. Black two piece and white cardigan pero halata parin ang hubog ng katawan nito. Ang mataas niyang legs at pantay na kulay na balat. Nakatagilid ito sa akin, pero ng bigla itong napabaleng sa akin ay halos mawalan ako ng hininga. Oh sh!t I'm doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD