C-5

1974 Words
“Vienna.....” Agad akong napabaleng kay Rhoda ng mahina niya akong tinawag. Pero hindi siya nakatingin sa’kin kundi sa malayo. “Rhoda bakit?” Mapapansin mo ‘din ang kanyang mukha na malungkot, “Rhoda what's the problem? Nag-aaway na naman ba kayo ni Shawn?” I asked again. Minsan ng na i-kwento sa‘kin ni Rhoda na hindi talaga sila magkasundo ng step-bro nito, hindi naman daw sa ayaw ni Rhoda pero lumalayo raw talaga si Shawn sa kanya na para ‘bang pinagpilitan nitong dapat hindi na nag-asawa ang ama nito. “It's about kuya, hindi ko siya maintindihan V-vienna....” Napakunot-noo naman ako para kasing may ibang nangyari, “Ano ba ang ginawa niya? Hindi ka naman sinaktan di ‘ba?” Marahan itong umiling, “He kissed me—” “What?! Really?!.... Is he insane or what?! Bakit niya ginawa yon?!” Oa reaksyon man pero god! Why did he do that? Magkapatid sila hindi man sa dugo pero sa mga magulang nila. “V-vienna I don't know but I kinda like it... I-i mean parang gusto ko ‘yon, tell me nababaliw na ‘ba ako?” pa-iyak nitong wika. Umiling naman ako, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa loob ng pamamahay nila. Pero hindi ganito si Rhoda, sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi ito madaling magkagusto ng kahit sino. “Do you admire him?” I asked seriously. Hindi agad nakaimik si Rhoda at isa lang ibig-sabihin non, may iba itong iniisip. “Rhoda tinatanong kita, gusto mo ‘ba siya?” pag-uulit. Dahan dahan naman itong tumango, “H-hindi ko alam Vienna.” Bumuntong hininga na lang ako dahil kahit may gusto O wala man ay wala akong maitutulong. Ang maaari ko lang gawin ay payuhan ang kaibigan ko sa nararapat. “Alam naman natin na sa mata ng maraming tao ay bawal iyon, at sa batas ng panginoon ay bawal din iyon. Pero Rhoda kung mapipigilan mo ‘pa ang nararamdaman mo, sikapin mong pigilan ‘iyan. Dahil para lang din ‘yan sa sarili mo.” mahabang wika ko. Matamlay naman itong tumango, napabuntong hininga nalang ako dahil sa nalaman. Gwapo si Shawn kahit ako ang tatanungin ay walang kahit sinong babae ang hindi magkagusto talaga sa kanya. Isang binatang bilyonaryo at sikat sa negosyo din, kaya sinong babaeng hindi magka-interest sa kanya. “Vienna anong gagawin mo pagkatapos natin sa high school?... Saang paaralan ka mag college?” sunod-sunod na tanong ni Rhoda sa‘kin. Doon ko lang napagtanto na ano nga ‘ba ang sunod kong gagawin? Ang pinagdarasal ko nga lang ay sana hindi kami matunton ni Mama ng magaling kong ama habang hindi ko ‘pa tapos ang high school. Gusto kong matapos ang highschool kahit hindi na ako mag college. Umiling ako kay Rhoda na nakatingin sa‘kin at hinihintay ang magiging sagot ko, “Hindi ko ‘pa alam eh, pag-usapan pa namin ni Mama ang tungkol diyan.” marahan kong saad. Tumango naman ito. “Ikaw saan mo balak mag-aral ng college?” balik tanong ko. Bumuga naman ito ng hangin, “Hindi ko alam eh, sana nga lang ay hindi sa Maynila. Ayoko sa environment doon, nakakasakal.” problemado na wika nito. Tama si Rhoda isa din yan na ayoko sa Maynila, ayoko sa mga tao doon, sobrang mapanghusga sa kapwa. Pantay pantay lang naman lahat pero dahil mayaman sila ay sobra kung makapanglait sa tao. Pero iba ang sitwasyon ko doon, I have many friends out there pero wala akong naging kaibigan na totoo doon. Alam ko naman bakit sila nakipaglapit sa‘kin dahil anak ako ng mayaman na tao. Isang taong mataas ang impluwensiya at magaling manipula ng kapwa. Ang hindi ko makakalimutan na ginawa nilang lahat sa amin ni mama ay Yong trahedyang ‘yon, walang kahit sinong nagpapasok sa pamamahay nila, walang kahit sinong tumulong sa‘min kahit anong pagmamakaawa ni Mama. Wala silang ginawa kundi ipagtulakan kami paalis sa pamamahay nila. Kaya nga kami napadpad rito sa Solana at tahimik na namumuhay. “Okay lang naman sa Maynila, Rhoda…. Pero nga lang, kailangan mo lang iwasan ang makipagkaibigan sa mga estudyante na anak ng mayayaman. Kung hindi ka makain-counter ng mapanghusga o plastic doon naman sa backstabber. Alam mo kung anong klaseng anak ang ibang mayayaman, kunan nalang natin ng sample si Sophia.” Marahan naman itong tumango, “Rhoda kung sakaling aalis kami ni Mama rito sa Solana, aalis ka rin ba?” Sa totoo lang kasi ay nanghihinayang akong umalis rito sa Solana, ang tahimik lang ng buhay namin ni Mama atsaka nakakalakad ako ng hindi takot na makita ng ama at s‘ympre nakakalakad ako na walang iniisip na panganib sa buhay. Agad naman lumalim ang gitna ng noo ni Rhoda. “Ha? Bakit naman kayo aalis?” nagtataka nitong tanong at maingat na hinawakan ang mga kamay ko at pinaglaruan. Nagkibit-balikat ako ayokong sabihin ang tungkol sa totoong buhay namin ni Mama, ayokong maawa siya sakin dahil ganito ang nangyari sa amin. Umiling ako, “Ano ka ‘ba nagtatanong lang ako eh,” pagbawi ko sa sinabi. Nagtaka naman ako ng tinitigan niya ako, “Aalis ka nga.” May lungkot na wika nito. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, “Paano mo nasabi na aalis kami?” pagtanong ko. “Basta alam ko lang, pero Vienn kapag umalis kayo ni Tita mag ingat kayong dalawa ha?....Lagi mong tatandaan na kaibigan mo ako.” wika nito at ngumiti ng marahan. Inisip ko palang na aalis na kami ni Mama ay nasasaktan na ako dahil ma iiwan ko ang mga taong importante sa‘kin. Marahan akong tumango, “Oo naman, ikaw ang bestfriend ko rito sa Solana. Makakalimutan ko ‘ba yon?” tawa kong saad. Umismid lang ito sakin, “Baka kapag aalis na kayo at kung saan kayo pupunta kalimutan muna ako dahil nakahanap ka na naman ng ibang bestfriend doon.” May himig na pagtatampong wika ni Rhoda. Napailing nalang ako dahil sa ka-dramahan naming dalawa, “Tama na nga ang drama, punta na tayo sa Gym at baka nagsimula na ang practice.” natatawa kong wika. Kasalukuyan na kaming nag practice ng para sa graduation ceremony namin at masaya ako kasi malapit na at makamit ko na ang tagumpay sa high school. Simpleng pangarap lang ang gusto ko, Yong na provide ko ang kailangan namin ni Mama habang tahimik kaming mamumuhay. Pagtatayuan ko siya ng maliit na sari-sari store at kung pwede magtinda kami ng barbecue. Ganyan lang ka simply ang gusto ko sa buhay, ayoko sa magarbo na buhay. Ano naman kung pwede naming makamit ang hindi paghirapan na pera kung binubugbog naman kami ni Mama. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ni Rhoda sa ibang estudyante, tulad ng inaasahan ko simula noong nalaman ko ang totoong ugali ni Sophia ay hindi ko alam kung ano ang kanyang pinapakalat tungkol sakin dahil simula noon na hindi na kami magkaibigan ay ganyan na ang mga tingin ng estudyante sakin kahit kay Rhoda. Para bang meron kaming nagawang kasalanan sa kanila. “Hala nandito na naman ang hampaslupang nang-away kay Sophia.” Girl¹ Kumunot naman ang noo ko, habang si Rhoda ay napahinto dahil sa narinig namin. Ayoko ng gulo, lalo na malapit na ang graduation ceremony nakakahiya sa ibang guro. Maglalakad na sana ako ng ibang direksyon ang tinahak ni Rhoda. Buti nalang ay agad ko itong nahawakan dahil mukhang handa na nitong makipag-away sa kapwa estudyante. Umiling ako kay Rhoda para sabihin na hayaan nalang, wala naming makukuha sa mga mapanghusga na tao. Kung pwedeng hindi ito pansinin ay huwag na lang pansinin. Bumuntong hininga si Rhoda tsaka sumabay sakin sa paglalakad patungo sa Gym. Pagdating namin doon ay nagsimula na ang practice kaya napakunot ang noo ko, ang aga naman akala ko two o’clock? Agad akong napatingin kay Rhoda ng napasinghap ito. “Nagsisimula na? Akala ko two ng hapon?” naguguluhan nitong usal na narinig ko naman. “Saan mo nalaman na Two?” tanong ko at baka pinagtripan siya. “Sa classmate natin, Yong katabi ni Roselle.” Napatango nalang ako sa nalaman, mukhang si Sophia ang may pakan— “Bakit late kayong dalawa?! Alas-dos ba ang ala-una?” striktang saad ng guro. Napayuko naman ako, “Sorry po ma'am, hindi po namin namalayan ang oras.” hinging paumanhin ko. “Bakit natulog na naman ba kayo?! Noong last week lang may nag report na natutulog kayong dalawa sa garden habang merong practice.” Gulat naman akong napatingin sa guro, anong natulog? Sa garden? Ni hindi nga kami pumunta doon kasi nandon tumatambay sila Sophia. Agad lumanding ang tingin ko kay Sophia na nakangisi saamin. Okay I get it. “Sop—” “Sorry po ma'am, hindi na po mauulit.” wika ko at hinawakan ang braso ni Rhoda. Nakataas ang kilay ng tumango ang guro sa amin, “Good, Ngayon pumunta na kayo sa pwesto niyo.” Agad naman kaming pumunta sa pwesto namin at ang malas ko lang dahil nasa likuran ako ni Sophia. Kahit narinig kong nagsasalita ito sakin ay hindi ko iyon pinapansin mas tinuon ko ’pa ang atensyon sa guro na busy sa pagtingin sa amin. Halos dalawang oras din ang itinagal ng practice sa susunod na araw na kasi ang graduation ceremony namin kaya't mahigpit silang magturo samin. Dadalo kasi ang ibang school kaya't ayaw nilang mapahiya. “Practice done! Bukas ulit, Ms. Quintana and Ms.Torricelli 1pm tomorrow not 2pm understood?!” Tumango naman ako, “Yes ma'am.” Umalis na kami sa Gym at dumeretso sa classroom para kunin ang bag at makauwi na. Ayoko ng late umuwi o uubusin ang oras sa isang araw. Pansin ko ang panghihina ni Mama, mukhang may dinaramdam na sakit hindi lang umamin sakin. “Rhoda, sasabay ka sakin?” tanong ko kay Rhoda ng nakasunod itong naglakad sakin. Tumango naman ito, “Oo, Kailangan ko pa kasing kausapin si Mama patungkol sa college.” “Tara.” Sabay kaming lumabas sa paaralan at nilakad na naman naming dalawa ang bahay. Kahit may kalayuan ay nakasanayan naming dalawa na maglakad. “Vienn, uuwi na naman si Kuya Shawn.” may lungkot na wika nito. “Uuwi? Saan? Maynila?” nagtataka kong tanong. Umiling naman agad ito, “Uuwi siya sa Cagayan, balita ko may nobya ito sa Cagayan eh.” malungkot na saad nito. “Gaga, akala ko ba iiwasan? Atsaka Rhoda mas mabuting may nobya siya para maiwasan mo sya. Or huli na ba ang lahat?” May umalpas namang luha sa mga mata nito kayat agad ko itong pinahiran, “Rhoda alam mong asawa ng Mommy mo ang ama ni Shawn. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman ang sikretong ‘to? Alam mo naman na kaibigan mo ako kaya't mag-alala ako sa magiging kalagayan mo.” marahan kong wika. Puno ng judgmental ang mga tao ngayon at malaman lang ang ganitong set-up, maraming chismis agad ang kakalat. Tumango naman si Rhoda, “Sige lang, sisikapin kong pigilan ‘to.” Ngumiti naman ako, “Alam kong kaya mo yan, malakas ka kaya atsaka palaban ka din.” “Weeh? Nambobola ka lang sakin e.” natatawa na wika ni Rhoda sakin. “Ah basta nandito lang ako palagi sa tabi mo, Rhoda.” bukal sa loob kong sambit. Kung darating man ang araw na aalis kami ni Mama sa Solana ay mananatiling matalik na kaibigan ko si Rhoda at hindi yon magbabago kahit saan kami magtungo. “Aalis nga kayo e, pero Vienn asahan mo nandito rin ako sa tabi mo. Handang tutulong sayo.” nakangiting wika ni Rhoda. Malaki naman ang ngiti kong tumango sa kaibigan, ang sarap sa pakiramdam na merong totoong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD