C-16

1010 Words
Matapos ang pag deliver ko sa order ng customer ko kahapon ay tinawagan ako ng boss namin na huwag na muna babalik dahil andon na naman ang isang lalaki na manyakis. Meron kasing isang customer doon na bigla nalang nanghihipo at mukhang ako ang trip niya. Muntik ko na nga yon masuntok dahil sa biglang pag tapik sa pang-upo ko. Mabuti na lang ay dumating ang amo ko at na settle naman, anak daw yon ng isang senator, kaya nga dito na naninirahan dahil laging naghahanap ng isyu sa Maynila. At gumagawa ng kahihiyan at naapektuhan ang pamilya. Kaya dito sa Isla na lang nila pinatira. At kahit ganyan din daw yan, hindi mo pwedeng kalabanin dahil mayaman ang pamilya lalo na kapag isang hamak na trabahante ka lang sa loob ng Isla. Wala ka talagang laban. May isang isyu na daw ang naganap noon dito, isang babaeng hinipuan at nagsumbong pero dahil mayaman ang pamilya ng lalaki, binaliktad nila. Pinapa-kalat na inakit ng babae ang kanilang anak at gustong perahan. Isinabit ko ang tote bag ko sa balikat bago naglakad palabas ng bahay, naka-parking ang kotse ko sa labas. At ngayon kailangan ko pa din dalhin ang kotse dahil mero na naman akong delivery mamaya. Kahapon kasi hindi na ako bumalik sa shop para kunin ang kotse kaya naabutan ako ni Stephanie habang naglalakad. “Tria!” Bumuga ako ng hangin bago bumaling kay Stephanie na tumatakbo papunta sa akin. “Step, pwede naman na hindi ka sumigaw e, nakakahiya sa ibang nakatira sa apartment. Ang aga pa para magsisigaw ka.” pangangaral ko sa kanya. Agad naman itong nag action na zi-nip ang bibig at nagpa-cute na tumingin sa akin. Bumuntong hininga ako bago ko siya sininyasan na sumakay sa kotse. Mina-obra ko ang kotse at tinahak ang daan patungo sa shop, “Wala kang pasok ngayon?” tanong ko. Mabilis naman itong tumango, “Wala, closed ang bar ngayon.” Agad akong napatingin sa kanya, “Sa bar ka nagtatrabaho?” Tumango naman ito, “Ay Tria, huwag kang judgmental dyan, hindi porket sa Bar ako nagtatrabaho. Yong take-out na agad ang role ko doon. Isa akong waitress doon kaya nga ako sanay sa paglilinis ng mga mesa di'ba? Kasi yon ang trabaho ko.” Mahina naman akong natawa, “Gaga, sinabi ko bang take-out ang trabaho mo don, overreacting ka naman dyan.” Nagtataka ako ng wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, kaya tumingin ulit ako sa kanya habang natatawa parin. Agad naman lumalim ang gitna ng noo ko, “Bakit?” tanong ko ng hindi niya pa rin tinanggal ang pagtitig sa akin. “Ang ganda mo kapag nakangiti.” Dahil sa gulat ko ay nahinto ko bigla ang kotse at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya, “Gaga, hindi ako tumatalo sa kapwa ko babae. Kaya ayos-ayusin mo ang sarili mo ng hindi kita masapak.” Agad naman itong humalakhak, “Tria, pure akong babae. Nagagandahan lang naman ako sayo e, ito naman manapak na agad.” Napailing nalang ako tsaka tinuloy ang pagmamaneho. Ilang sandali lang ay huminto na kami sa harapan ng shop at inayos ang pagkaparada. Tulad ng nakasanayan ko ay meron na namang nag tyaga na naghintay kung kailan kami mag-open. “Good morning everyone!” Pagbati ko sa kanila. Ilan sa kanila ay mga trabahante sa hotel at mall. Matiyaga silang naghihintay kasi nakapagbudget sila tuwing umaga. Bibili lang sila ng kape may libreng tinapay na sila. Kahit tig-isang tinapay lang ay sapat na iyon sa kanila kaysa naman wala talaga silang tinapay. Pagbukas ko ay agad naman inasikaso ni Stephanie ang mga mesa at silya habang ako ay dumeretso sa counter para makuha ang kanilang order. Isa-isa kong ginawa ang kanilang order at ng matapos ay tsaka ako nagtimpla ng para sa akin at kay Stephanie na nakayuko sa lamesa na nasa pinaka gilid na pwesto. Napailing naman ako ng mukhang natutulog na naman. “Step? Step? Stephanie wake up, magkape muna tayo.” paggising ko sa kanya. Ilang sandali lang ay pupungas-pungas itong tumingin sa akin, “Pasensya na Tria, at nakatulog ako.” “Ano ka ba naman, ayos lang yon. Magkape ka muna tsaka ka matulog uli—” “Hindi na ako makatulog kung magkakape ako.” Napatampal nalang ako sa sariling noo ng tama nga naman ito, paano ba makakatulog ang magkape? Lutang yarn Vienna? “Kung ayaw mo magkape, huwag mo nalang yan inumin. Iinumin ko yan mamaya.” saad ko. “Anong gusto mo gatas?” tanong ko ulit. Agad naman itong umiling, “Hindi na, ayos na ‘to Tria, sayang naman kasi.” “Iinumin ko nga mamaya di ba? Ano gusto mo gatas oh choco?” tanong ko ulit. Agad naman itong umiling, “Okay na ‘to, Tria.” sagot nito tsaka humigop sa kape. Huminga nalang ako ng malalim bago umupo, ‘Ikaw ang bahala.” Pareho kaming tahimik, at ng nagdagsaan nga ang mga estudyante ay busy na naman ulit ako. Mabuti na lang ay alas otso nakarating ang tatlong staff at natulungan ako. Bandang alas diyes ng umaga ng pumasok ang isang ginang na sobrang nakakakuha ng atensyon, bukod sa mala porsilana nitong kutis ay ang ganda naman ng mukha niya. Ito rin ang na alok ko kahapon ng free bread. “Good morning, Madam!” Nakangiti kong pagbati sa kanya. “Good morning too, Hija.” "Ano pong order niyo, madam?” Magalang kong tanong. "Katulad lang kahapon, Hija.” sagot nito tsaka inilapag ang bayad. “Ihahatid ko na lang, Madam. Ang order niyo po.” Tumango lang ito tsaka naglakad sa pinakamalapit na silya. Ginawa ko na nga ang kanyang order at kumuha ng isang cinnamon rolls. Bago inilagay sa Food tray at inihatid sa kanyang pwesto. "Here's your order, Madam. Enjoy eating po.” "Welcome, Hija. Order ulit ako mamaya kapag dadating na ang anak ko.” Tumango lang ako tsaka bumalik sa counter. Biglang dumagundong ng kaba ang dibdib ko, pakiramdam ko ay merong mangyayaring kakaiba ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD