C-17

1768 Words
Habang naghihintay ang ginang na dumating ang anak nito ay nag se-selpon muna ito. I watch her and sip my second coffee. Stephanie is asleep again, and the other staff are busy around. I don't know, but I've become curious about her son. She said she wants me to introduce her son. At kapag naiisip ko ay biglang tumambol ang dibdib ko. Wala naman siguro akong sakit sa puso di ‘ba? “Ate Tria, wala po tayong delivery ngayon?” pagtatanong ni Jamaica sa akin. Agad naman akong umiling habang pinupunasan ang counter, “Wala naman bakit, Jam?” Umiling din naman ito, “Wala lang po, akala ko lang meron kang delivery ngayon. Yong manyak kasi na lalaki kahapon ang sabi ay babalikan ka niya ngayon.” Gulat naman akong napatingin sa kanya, “Sabi niya yan?” Tumango naman ito, “Tapos sabi niya ate, dapat mo raw siyang sagutin para hindi ka matulad nung na isyu na babae noon.” “Huwag mo ng alalahanin yon, Jam. Kaya ko ang sarili ko.” nakangiti kong saad. Kahit nababahala sa kaligtasan ko ay ayoko namang iparamdam sa kanila na nababahala ako. Ayokong pati sila ay nag-alala sa akin at baka matakot pa sila. Subukan niya lang lumapit sa akin, basag talaga bungo non. “Excuse, Hija?” Mabilis akong napalingon kay Madam Lennie ng tinawag niya ako, “Madam? Bakit po?” magalang kong tanong. “Pabalot na lang ako ng limang cinnamon rolls, please.” Agad naman akong tumango, “Hindi na makakarating ang anak mo, madam?” Bumuntong hininga ito, “Hindi na, Hija. Busy na naman sa trabaho.” naiiling nitong saad. Ngumiti naman ako, “Ayos lang yan, Madam. Huwag ka na pong malungkot. Sige ka sabi pa naman ng iba nakakapangit raw yung laging nakasimangot.” Mahina naman itong natawa, “Ikaw talaga napaka bolera mo.” Napakamot nalang ako sa ulo at sinunod ang gusto nito. Nag balot ako ng limang cinnamon at tsaka kumuha ng resibo. “Ito na po ang limang cinnamon niyo, Madam.” Inabot niya ito tsaka naglapag ng bayad, “Maraming salamat, Hija.” “Walang anuman po.” Lumabas na ito sa shop. Ngunit hindi pa nag minuto ng marinig ko ang sigaw nito. Kaya agad akong tumakbo palabas upang malaman kung ano ang nangyari, hindi ko kasi maintindihan ang lenggwahe na ginamit nito ng sumigaw. “Giusto! Tu, ladro spudorato! Ridammi il mio portafoglio!” Sigaw nito. ( Jusmiyo, Walanghiya na magnanakaw ka! Ibalik mo ang pitaka ko!) “Madam, What's wrong? Are you okay?” taranda kong tanong at kinapkap ang katawan at baka may sugat. “I'm okay, Hija. But my wallet was stolen by some thief.” “Is there anything important inside your wallet, madam? Aside from money?” I asked with a worried tone. Agad naman itong umiling, “Wala namang importante doon, Hija. Isang engagement ring lang ang nandon.” Agad kong napansin ang isang cctv footage sa poste, “We can trace it Madam, but for now kailangan mo munang magpahinga dahil sa nangyari kanina. Ihatid na po kita.” pag-alok ko. Agad naman itong tumango tsaka mag lalakad na sana siya ng bigla itong na out of balance. Doon ko lang napansin ang kanyang Paa na mukhang na sprained dahil kanina. Walang pag dalawang isip ko itong inalalayan, “Madam saan po kayo nag stay? Doon ba kita ihahatid or sa anak mo?” Ang kanina na may lungkot niyang mukha ay biglang nagliwanag, “Talaga? Ihahatid mo ako sa anak ko, Hija?” Nakangiti naman akong tumango, “Yes po, Madam.” Ngunit bigla naman itong napakunot-noo na ipinagtaka ko, “P-pero wala tayong masasakyan papunta sa bahay niya.” problemado nitong saad. Natawa naman ako ng mahina, “Meron po akong sasakyan, madam. Malapit lang yon dit—” “Tria! Saan kayo pupunta? Sama ako, please.” wika ni Stephanie. Nag Palipat-lipat naman ang tingin ko sa dalawa tsaka bumuntong hininga, “Sige, hawakan mo muna si Madam. Kukunin ko lang ang kotse.” habilin ko. Agad itong tumango tsaka hinawakan sa siko si Madam Lennie. Habang ako nama ay tinungo ang ang kotse kung saan ito nakaparada. Pagpasok ko sa kotse ko ay agad ko na iyong mina-obra at pinuntahan ang dalawa na naghihintay. “Stephanie, ikaw na muna ang magdadala ng gamot ni Madame.” Sinunod naman agad ni Stephanie ang sinabi ko, habang inalalayan ko si Madame Lennie na umupo sa front seat. Matapos ang lahat ay tsaka kami umalis. “Madame anong street po tayo pupunta?” tanong ko. Bawat street kasi merong subdivision at apartment. Street ang palatandaan ko rito para hindi mawala. “Naku, Hija nakalimutan ko. Pero sa Oden subdivision ang bahay niya.” Agad akong tumango, dyan si Kuya Blanco. Meron siyang maliit na resthouse dyan kung saan kami tumatambay kapag dadalaw siya sa akin. Tumango naman ako, “Alam ko po ang lugar na iyan, madame. Sabihin mo na lang sa akin kung saan ang bahay niya kapag makapasok na tayo.” saad ko tsaka tinahak ang daan patungo doon. Tahimik ang buong byahe at ilang dangkal na lang ang layo ng matanaw ko ang entrance ng subdivision. Bumusina muna ako bago binuksan ang bintana. “Magandang umaga ms. Morales!” pagbati sa akin ni Manong. “Magandang umaga din po, Manong.” nakangiti kong saad. Simula ng tumira ako rito sa Isla, pansin ko ang mga tao rito ay mga approachable palagi. Kung tatanungin mo sila kung saan ang itong lugar o gusali. Maayos silang sumagot sayi. Hindi katulad sa labas ng Isla minsan tarantaduin ka pa nila. Napapansin ko din lately na panay ngiti ako, hindi naman ako ganito rito noon. Ngumiti lang ako kapag nasa harap ng customer oh mga kilala lang. Nasa pangalawang kanto kami ng nagsimula ng mag instruction si Madame Lennie. Agad naman napa-kunot ang noo ko ng pamilyar sa akin ang kanto. At mas lalong lumalim ang gitna ng noo ko ng marahas na tumambol ang dibdib ko. Para iyong gustong kumawala sa katawan ko. Pasimple akong huminga ng malalim bago bumuga. “Saang bahay po, Madame?” tanong ko at winaglit ang kabang nararamdaman. “Dyan sa kulay, black and gray na bahay, Hija.” Kahit na gulat ako ay hindi ko pinahalata ito sa kanilang dalawa, naalala ko na sinabi ni Kuya Blan na isa iyan sa bahay ng kanyang kaibigan na taga-Maynila. Lewis yata ang pangalan non. Huminto ako sa harapan ng bahay tsaka lumabas ng kotse at upang alalayan na bumaba si Madame Lennie. “Humawak po kayo sa balikat ko, Madame.” marahan kong saad. “Stephanie ikaw ang mag doorbell please.” saad ko kay Stephanie. Mabilis naman nitong sinunod ang sinabi ko habang ako ay inalalayan si Madame. Ilang sandali lang ay may nagbukas ng gate na isang binata. “Tita Lennie, Kumusta po kayo?” “Dave, Hijo. Maayos naman ako.” sagot ni Madame Lennie. “Mabuti naman po kung ganon, pasok po tayo.” saad ng binata. Agad naman kaming pumasok habang akay-akay ko ang ginang. Pagpasok namin sa loob ay natulala ako sa nakita. Hindi dahil sa ganda ng loob kundi sa isang lalaking prenteng nakaupo habang may hawak na tsaa. “So—” “Vienna?!” L-lennox. Sinadya kong kinunot ang noo upang hindi makikita ang totoong nararamdaman ko at hindi niya mahalata ang kaba ko. “Hijo? Her name is not Vienna, it's Tria. Naalala mo yong kinuwento ko noong isang gabi? Siya yon.” nakakunot-noo na saad ni Madame Lennie. “Babe? What are you doing here?!” Kuya Blan suddenly appeared. Naguguluhan man ay sinabayan ko ito dahil nag signal itong, siya na ang bahala sa lahat. “Hinatid ko lang si Madame Lennie, Blan.” nakangiti kong sambit. Agad ko naman nakita ang pagkunot sa noo ni Madame. Sorry po talaga ma'am Lennie at kailangan kong magsinungaling. “Really?..... Tita, are you okay?” tanong ni Kuya kay Madame Lennie. Agad naman tumango si Madame Lennie, kahit magkatabi ang mag-ina ay iniingatan ko ang paningin ko, ayokong lumapag ang tingin sa kanya. “Blanco nobya mo ang bff ko?” Biglang singit ni Stephanie. Nakakunot pa ang noo nito at may kung anong emosyon sa mata na pilit tinatago. “Yes, why? At kailan pa kayo naging Bff ninTria?” tanong ni kuya. “Wala ka ng pakialam ‘don.” Irap na saad ni Stephanie. Agad ko naman nakitaan ng inis ang mukha ni Kuya, Mmm something happened to them at tsaka mukhang magkakilala din ang dalawa. “Vienn—” “Excuse me, but I'm not Vienna. It's obvious that I'm Tria. You probably heard what your Mommy said.” Deretsa kong saad. Tsaka bumaling kay Kuya para ipahiwatig na tulungan niya ako. “If you're not Vienna, how can you explain to me why you two look so alike, like you were really copied?!” Sigaw niya at may kung anong dumaan na emosyon sa kanyang mga mata. “According to scientists, it's not uncommon for people to resemble each other, Mr. It's possible that we just happen to resemble each other.” Saad ko habang pigil ang hininga. “Bullsh!t! Don't make me a fool, Vienna. I might even believe you if you said she's your twin!” “Believe it or not, Mr. But I'm not Vienna.” Agad naman akong bumaling kay Madame, “Madame, hindi na po ako magtatagal aalis na po ako.” paalam ko at mukhang gulat pa rin ito habang nakamasid sa akin. Tumango lang kasi ito na parang wala sa sarili. Mabilis ang lakad ko palabas. “Tria/Babe!” Rinig kong sabay na sigaw ni Kuya at Stephanie. Pagkalabas ko ay agad akong napasandal sa kotse ko at pinahid ang luhang nagtagumpay na dumaloy. Ito ba ang sinasabi nilang sobrang liit lang ng mundo para makita mo ulit ang taong ayaw mo sanang makita pa ulit? Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero ayoko lang subukan na ipapasok siya sa buhay ko. Ayokong maging malungkot kapag sa oras na iiwan na ako. Sapat na sa akin ang naranasan kasama si Mama, ayokong matulad sa kanya. Na mabubulag sa pagmamahal at iiwan at sasaktan na lang. Hindi man lahat na lalaki ang katulad ng demonyo kong ama pero hindi ko parin mapigilan na maisip ang mga ganitong bagay. Saksi ako sa karanasan ng ina ko, Saksi ako sa pambababoy ng ama ko. “Tria, Are you okay?” Naluluha akong napatingala kay Kuya Blan. “K-kuya….”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD