C-18

1556 Words
“You know him, right?” Mabilis akong napabaleng kay kuya ng magsimula itong magsalita. Ayoko man aminin pero iba ang kanyang emosyon, parang gustong manapak na ewan. “Sa Solana.” tipid kong sagot. Nakita ko naman ang pag kunot ng noo nito, “Then, why are you avoiding him? May kailangan ba akong malaman ha, Tria.” Huminga ako ng malalim, “I don't know what's the score between me and him, Kuya. I'm just…. I just want to avoid him, That's all.” Lumalim naman agad ang noo ko ng marinig ko itong may binulong sa sarili. I was about to ask him when my eyes landed on the rearview mirror and saw my car. Doon ko lang naalala si Stephanie. “I think you need to explain to me, about you and step.” nakataas kilay kong tanong. Kaagad naman lumalim ang noo nito, “Don’t give me that kind of look, Kuya. Just tell me, what is your relationship with her?” “Nothing, just a small mission.” balewala na sagot nito. “Mission? What kind of mission?” I curiously asked. “Just a small mission, Tria. Don't ask any further because the mission is confidential.” He seriously replied. My mouth form “O” and stopped asking, baka bugahan niya pa ako ng apoy dahil sa daming tanong. “Are you sure Lennox has nothing to do with you when you're in Solana? Did you have a crush on him?” Akala ko hihinto na rin ito sa pag tanong tungkol kay Lennox. “Kuya, I thought no more questions? Why are you now curious about me and Lennox?” “Right, by the way, if you avoid him, I can help you. You know I want him to be upset.” He said with a smirk on his face. I just shook my head at his silliness, but I'll admit I might need Kuya Blanco's help. “Tria saan kita ihahatid? Sa shop or apartment mo?” tanong nito habang nasa daan ang atensyon. Tumingin naman ako sarili at alas dose ng umaga pa, “Sa Shop muna, Kuya.” Tumango naman ito at agad tinahak ang daan papunta sa Shop. Nakita ko na naman sa rearview mirror ang kotse ko at doon ko naalala si Stephanie. Paano ko ba ipaliwanag sa kanya ang pagitan sa amin ni Kuya? Hyst ito na nga ang sinasabi ko e, Ilang minuto ang lumipas ng nakarating na kami sa labas ng shop at tanaw ko ang mga nag kumpulan na mga tao. Agad lumalim ang noo ko, “Anong nangyayari?” bulong ko at mabilis na tumakbo papunta sa loob ng shop. “What’s happening here!” Malakas kong sigaw. Mabilis naman na nagsihawian ang mga estudyante at ibang mga staff na palaging bumibili rito. Nang mawala ang nga taong nagkumpulan ay doon ko lang nakita si Jamaica na nakaluhod habang basa ng kape ang buong katawan. Magulo ang buhok at bumakat ang kulay itim na bra dahil sa kape na natapon sa damit nito. Uminit ang ulo ko ng makita ko ang lalaking manyakis, “Jam.” tawag pansin ko kay Jamaica. Mabilis namang napatingala ito sa akin habang umiiyak at sobrang maga na ang kanyang mga mata. “Hey, you're here. I thought I needed to rape this woman just to lure you out of hiding,” he said with a smirk on his face. I want to punch his ugly face and I want to break his neck. How dare he to humiliate my friends. “What are you doing?” I asked in a serious tone. “I told you, I'll come back for you. I like you, Ms. Tria,” he said with a smirk on his upper lip. “I don't like you, Mr. So. Can you please get out of here before I call the security?”, I threatened him. But he just grinned as if implying that even if I called the security, it wouldn't matter. Oh, that's right, he's a rich kid and not someone to mess with. But I'm Tria, I always manage to stir up trouble for myself. “No one has ever refused me, Tria. So don't play hard to get. I promise to make you happy as long as you want,” he said, licking his lower lip again. I was immediately disgusted by what he said. Ang kapal naman ng mukha niya, kahit pa anak siya ng presidente hinding hindi ako papatol sa kanya. “Come here, Baby.” malaki ang ngising saad nito ay balak akong yakapin. Bago pa man lumapat ang kanyang maruming kamay sa akin ay mabilis ko itong pinilipit bago siya sinikmuraan. Hindi pa ako nakuntento at sinapak ko pa ang kanyang batok. Parang akong na demonyuhan dahil sa ginawa niya kay Jamaica. “H-hey! Stop!.... Stop!” Sunod sunod na angal nito pero wala akong balak na tigilan siya. Nang naramdaman ko ang panghihina niya ay mabilis ko siyang binalibag sa pader tsaka sinipa ang kanyang mukha, I even stamped on his neck with my shoe. “S-stop……” ungol nitong pakiusap. “Huwag na huwag kang babalik rito kung gusto mo pang kompleto ang buto mo.” banta ko sa kanya tsaka inalis ang paa na nakatapak sa kanyang leeg. Hindi pa man ako nakakalayo sa kanya ng biglang nagsihiyawan ang mga tao. “Tria/Tri!” Mabuti nalang ay aktibo ang repleksyon ko at agad naiwasan ang kanyang suntok. Dahil sa inis ko ay sinapak ko ng buong lakas ang kanyang mukha, bumagsak ito na hindi na nagigising. “Tria, are you okay?” nag-akalang tanong ni Kuya Blan. Mabilis naman akong tumango, “I'm okay. Can you ask security to take him to the hospital? I think he collapsed.” Wika ko kay Kuya Blanco. “Obviously, Tria.” Pambabara na saad ni Kuya. Isang irap lang ang binigay ko sa kanya tsaka nilapitan si Jamaica, “Jam, are you okay?” Dahan dahan naman itong tumango, “A-ate sana h-hindi mo nalang siya pinatulan. Paano po kung balikan ka sa pamilya niya? A-ate pasensya po at nadama—” Agad kumunot ang noo ko dahil sa walang kwentang sinabi niya, “What are you talking about? Wala akong pakialam sa pamilya niya, mali ang kanilang anak kaya may karapatan akong lumaban. Binastos niya tayo kaya nararapat lang sa kanya yon, kulang pa nga yon e.” madilim kong saad tsaka huminga ng malalim. “K-kahit na po, m-mayaman sila ate, wala tayong laban. P-paano kung maulit na naman Yong dating isyu? Hindi kakayanin ng konsensya ko ate.” Huminga ako ng malalim, “Walang mangyayari sa akin, Jam. Trust me.” marahan kong saad tsaka ito tinapik sa balikat. “Sige na, magbihis ka na roon.” pagsalita ko ulit. Bumalik naman ako kila Kuya Blan, “Kuya—” “Kuya? I thought you're in a relationship?!” Pasigaw na saad ni Stephanie pero mahina lang naman. Hilaw akong ngumiti sa kanya tsaka masamang tinignan si Kuya. Kasalanan niya kasi e, hindi naman kailangan na sabihin yon. “Itanong mo nalang sa kanya Stephanie kung ano ang nakain niya.” saad ko tsaka pumunta sa counter at inumpisahan ang gawain. Matapos ang nangyari kanina ay naging tahimik ang mga customer at umupo sa kanya-kanyang upuan habang hinintay ang order. Pinagbihis ko muna si Jamaica at ang kasama ko ngayon rito ay ang dalawa na si Lolita at Jamie. Naiintindihan naman ng ibang customer na mabagal ang kanilang order dahil sa nangyari kanina. Hapon na kaya off ko na, bitbit ang bag ay nakita ko si Kuya sa kotse ko nakasandal, agad naman lumalim ang gitna ng noo ko at huminto sa kanyang harapan, “Oh akala ko umuwi ka na, Kuya?” tanong ko tsaka kinalkal ang bag para hanapin ang susi. “Pahatid ako sa bahay at meron akong kailangan na sabihin sayo.” seryoso nitong ani. Binuksan ko naman ang kotse at sumakay sa driver seat, umikot naman si Kuya sa front seat atsaka kinabit ang seatbelt. Matapos ang lahat ay tinahak na namin ang daan patungo sa kanyang bahay. “Ano ang gusto mong sabihin, Kuya?” Pagsisimula na tanong ko. “Lalabas ako ng Isla.” Gulat naman akong napatingin sa kanya, kakabalik niya lang rito tapos aalis na naman? “Bakit? Kakabalik mo lang ah.” “Work.” Simpleng sagot niya. Napatango na lang ako tsaka nag Fucos sa pagmamaneho, ilang minuto lang ang lumipas at papasok na sana ako sa subdivision ng pinatigil ni kuya ang kotse. “Bakit?” nagtataka kong tanong. “Dito na lang ako, lalakarin ko na lang ang bahay.” “Pero pwede naman kitang ihatid sa loob, Kuya.” Pag-angal ko. Marahan lang itong umiling, “Huwag na, Tria. Sige na umuwi ka na rin at mukhang uulan pa.” saad nito at tumingin sa kalangitan. Tama nga ito dahil kumulimlim na ang langit, wala na nga akong nagawa kundi ay tumango nalang tsaka mina-obra ulit ang sasakyan at tinahak naman ang daan patungo sa apartment ko. Sana bukas magiging maayos na ang takbo ng araw ko, dahil sa linggong ‘to mukhang sobrang malas ko. Una palaging sumusunod si Stephanie, pangalawa si Lennox pangatlo ang walanghiyang manyakis na ‘yon. Tsss.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD