C-19

1326 Words
Alas singko pa lang ng umaga ay busy na akong umiikot sa loob ng apartment ko, Sabado ngayon at half-day lang ang trabaho ko. Mamayang alas-dose ang pasok ko kaya ang gagawin ko ngayon ay mag general cleaning ng buong apartment. Marami pa pala akong kailangan bilhin na mga kailangan, pero hindi ko magawa-gawa dahil sa busy ako at minsan sinusumpong ng katamaran. Suot ang maikling cycling shorts at Oversized shirt ay abala ako sa paglilinis ng sala, pinupunasan ko ang mga rehas ng bintana ko at salamin nito. Pilit ko rin inaabot ang mga kabweb sa pader. Pinalitan ko rin ang kurtina ko at mga punda ng pillow na nag disenyo sa sofa. Alas singko pa lang ay marami na akong nagagawa, dahil mamayang alas-otso ay mag grocery ako sa All mart. Ang disenyo niya ay parang bodega pero ang laman ay mga grocery product. Alas sais ng matapos akong maglinis sa sala kaya pumunta naman ako sa likuran ng apartment kung saan ang laundry area ko. I have automatic washing machine, pero kahit meron ako niyan ay kinukusot ko parin ang mga damit na hindi pwedeng ma washing. Kung kaya ko naman kasi ay hindi na ako gumagamit ng washing, sayang lang ang kuryente at dagdag bayarin lang yon. Inuna ko ang mga de-color na damit na isalang sa washing, matapos ay bumalik ulit ako sa loob at sa kusina naman ako, nagsaing ako ng kanin, tsaka hinanda ang mga lulutuin kong ulam. Mag-init na sana ako ng tubig ng biglang may nag doorbell. Agad nalukot ang noo ko ng wala naman akong bisita, ngayon ang alis ni Kuya para sa misyon niya siguro. Hindi din ako naka tanggap ng text mula kay Stephanie. Kaya imposibleng May pupunta na bisita. Pinunasan ko ang kamay ko, bago naglakad patungo sa pintuan, “Sandali lang!” Sigaw ko mula sa loob dahil tumunog ulit ang bell. Pagbukas ko ay ang mukha ni Stephanie ang nakita ko. Kunot-noo akong nakamasid sa kanya, “What are you doing here? Akala ko hindi ka pupunta hindi ka kasi nag text.” wika ko tsaka nilakihan ng buka ang pinto. “Wala si Blanco—” “What?! Magkasama kayo?” Gulat kong tanong. Walang sinabi si Kuya na nasa iisang bahay sila, ang sabi lang ay misyon niya si Stephanie. Dahan dahan naman itong napatango habang nakangiwi ang expression ng mukha. “Hindi niya ba sinabi sayo? Di ba girlfriend ka niya?” Natawa naman ako sa sinabi niya, mukhang napaniwala nga sila ni Kuya. “He's not my boyfriend, Stephanie.” wika ko tsaka tumalikod para bumalik sa kusina. “What?! Tria dene-deny mo siya!” Hindi makapaniwala na saad niya sa akin. Hindi ko na mapigilan ang halakhak ko. “Huwag ka ngang tumawa, hindi nakakatuwa na dene-deny mo siy—” “Hindi ko naman siya dene-deny, Step. Dahil hindi ko naman talaga siya nobyo, he's my cousin.” wika ko tsaka pinindot ang on button ng kettle. “W-wait…..What! M-mag pinsan kayo?!” Marahan naman akong tumango, “Bakit ba paniwalang-paniwala ka?” tanong ko habang inabot ang kape. “Because Blanco said it? Maybe?” hindi sigurado na sagot nito. Napapailing na lang ako dahil sa walang kasiguraduhan na sagot ng kaibigan ko. “Kumusta ang bawat araw mong kasama ang kuya ko?” tanong ko. Hindi kasi sinasagot ni Kuya ang mga naging tanong ko tungkol sa dalawa, I want to know how they meet or bakit naging misyon niya si Stephanie. “Ang lamig niya magkapatid yata sila ng yelo, ang kapal naman niyang kidnap—” “Kinidnap ka niya?!” Gulat kong tanong. Agad naman itong umiling, “I know he has a reason, it's probably for the best, Tria. I'd rather be with him than with my family who treats me like I'm just a passing breeze.” may lungkot na saad nito. Kumunot naman ang noo ko dahil bakit mas okay sa kanya na nakidnap. “May tiwala ka kay kuya?” Mabilis naman itong tumango, “Yes, because if I stay with my family, you can't trust them. And they said I'm the adopted daughter." It said, with indifference. “Alam mo kung sino ang totoo mong mga magulang?” Na intriga kong tanong. Umiling naman ito, “Hindi,” Tumango naman ako at ipinagpatuloy ang ginagawa, “Coffee?” alok ko sa kanya at itinaas ang mug. Tumango naman agad ito kaya kumuha ako ng isa pang mug tsaka nag timpla na para sa kanya. “Tria, bakit nagpanggap si Blanco na nobyo mo sa harapan ng anak ni Madame Lennie?” tanong nito. “Don’t get me wrong, Tria. Naalala ko lang yon.” Natawa naman ako sa kanya, “I’m Vienna Austria Morales Quintana, I just want to avoid him. Ayokong may makakilala sa akin galing sa past ko.” marahan kong saad at ngumiti ng kaunti. “Why? Di ba mas maganda yon? Kasi meron kang nakilala rito na kilala muna sa past mo? And pansin ko na may gusto ang lalaking yon sayo.” tumatango na saad nito. Napailing naman ako, “Iba ang case ko, Step. And besides bakit pa kailangan na malaman na ako yong kakilala niya?” “K-katulad ka rin sa akin? Magulo ang buhay?” malungkot na tanong nito sa akin. Ayaw ko man aminin ay totoo naman, sobrang gulo ng takbo ng buhay ko. Kailangan kong iwasan ang mga taong alam kong ipapahamak ko. Marahan akong tumango, “I can't tell you.” pilit ngiting saad ko. “It's okay, by the way I'm Lunaria Agoncillo.” pakilala nito tsaka inilahad ang kamay para makipag kamay sa akin. Mahina naman akong natawa dahil sa pakikipagkilala niya sa akin, “Ano ‘to aminan ng totoong pangalan?” natatawa kong saad. Matapos ang pag-uusap namin ni Stephanie ay agad akong nagluto ng umagahan, isang luncheon meat at sunny side up egg lang ang niluto ko at fried rice ito kasi ang nakaugalian kong lutuin tuwing agahan “Okay lang ba sayo ang ganitong pagkain tuwing agahan?” tanong ko bago umupo sa harapan niya. Mahina naman itong natawa, “Of course, hinahayaan nga lang ako ng Kuya mo sa bahay kung ano ang kainin ko. Minsan mag imbak pa ng gulay.” natatawa nitong saad. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ng kuya ko, like duh! Marami siyang pera tapos ang ipapakain niya sa kasamang babae puro gulay? I mean healthy naman ang gulay pero huwag naman puro gulay. Nakaka-umay kaya yon. Dahil wala namang gagawin si Step O Lunaria ay magkasama kaming pumunta sa All Mart. Para mag grocery, may bibilhin rin daw itong kulang para sa kusina at kwarto nito. Suot ang kulay itim na pantalon at brown na Oversized shirt at sneakers ay tulak tulak ko ang cart na konti pa lang ang laman. I always buy the important stuff, ayokong magsasayang ng pera dahil kang may allowance ako kay Kuya at sweldo ko sa trabaho ay pwede na akong mag-aksaya ng pera. “Tria, marunong kang magluto ng pasta?” Kaagad akong napatingin kay Stephanie ng magtanong ito habang nakatingin rin sa Pasta area. Marahan naman akong tumango, “Yes, bakit?” “P-pwede pa turo?” Nag-alangan niyang tanong. Lumiit naman ang mata ko, hmmm something fishy to this girl. “W-wag na lang pala.” wika nito tsaka tinanggal ang tingin sa pasta at mabilis na naglakad palayo. “I know how to cook, Stephanie. Pwede kitang turuan.” Anita ko. Agad naman lumiwanag ang kanyang mukha, “Talaga? Tuturuan mo ako?!” “Ayaw mo? Sige Wag na lang.” pagbawi ko. “Gusto ko, Tria.” Nasa bandang chichirya ako at naghahanap ng magandang pwedeng kainin. Aabutin ko na sana ang isang chichirya ng— “Hija? Is that you?” Mabilis akong napabaling sa likuran at huminto ang mata ko sa isang anyo. Isang anyong kilalang kilala ko. Lennox.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD