CHAPTER 4

2549 Words
LENNOX POV; [HER NAME IS VEINNA AUSTRIA] Nagulat ako ng makita ko, kung paano sinampal ang kaibigan ni Rhoda. Nalaman ko rin na Vienna pala ang kanyang pangalan ng tinawag siya ni Eric kani-kanina lang. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit ng nakita ko siyang sinampal, a feeling that was unfamiliar yet compelling. Napataas bahagya ang kilay ko ng hindi ito lumaban sa babae. Sa halip ay tahimik lang nitong hinaplos ang sariling pisngi. Vienna seemed calm, almost resigned, as if she was used to such treatment. Tatayo na sana ako para awatin ang mga ito ng biglang sumulpot si Tita Zel. Shawn step-mother and Rhoda's Mother. Her presence commanded attention, her eyes scanning the group with a sharp intelligence. Natawa nalang ako ng biglang sinampal ni Tita ang babae na sumampal kay Vienna, mukhang ipinagtanggol ni Tita si Veinna mula sa babaeng nanampal kanina. I felt a surge of relief, knowing that Vienna was safe from further harm from that woman. “Dude, long lost sister mo ba si Vienna?” Eric's voice was laced with amusement, his eyes twinkling with mischief. Napataas naman agad ang isang kilay ko sa sinabi ni Eric. I couldn't help but wonder kung ano ang ibig-sabihin ng kaibigan ko. “Dahil tulad mo ngayon, nakatitig rin si Vienna sayo kanina ng papunta ka rito. Hindi ko din natanong ang isang yon.” dismayado nitong saad. He seemed genuinely curious, his gaze fixed on me, waiting for an explanation. I couldn't help but smile secretly dahil sa nalaman mula sa kaibigan kong si Eric. So tinitigan niya pala ako, habang papunta ako rito kanina. Ngayon palang ay napahanga niya na ako sa kanya. I felt a flutter of excitement, a sense of curiosity about her na mukhang nakapansin sa akin. Tahimik lang akong uminom ng mawala sa paningin ko si Tita Zel at Vienna. Baka gagamutin ni Tita ang pamumula ng pisngi nito mukha pa namang malakas ang natanggap nitong sampal kanina. I felt a pang of concern for Vienna, hoping that she was okay. “Dude, are you listening to what I'm saying?” Eric's voice brought me back to reality. I immediately turned towards Eric, who was still speaking, He looked slightly annoyed, his eyes narrowed in amusement.“What did you say? Can you repeat it.” I asked. Dahil hindi ko narinig ang unang sinabi nito dahil na distract ako sa dalawang babae. “I said, how's Tita? And about Marian?... Matutuloy ba ang engagement party? Sigurado ka bang susundin mo ang kagustuhan ni Tito?” sunod sunod na tanong ni Eric. Isa pa ito sa problema ko ngayon, dahil mukhang napilitan si papa na pumayag sa alok ng kumpare nito. I really don't understand bakit kailangan na merong arrange marriage sa larangan ng negosyo. Pwede namang mag invest na walang kasal na mangyayari. At dapat tinitimbang din nila ang kanilang anak, paano pala kung hindi nito gustong ma kasal sa pamamagitan ng negosyo? Di'ba? I sighed, feeling a weight of responsibility settle on my shoulders. This arranged marriage was a nightmare for me. “Okay lang naman si Mama, pero tungkol kay Marian..... I don't know how to deal with her.” problemado kong saad. My voice was laced with a mixture of frustration. Hindi ko siya gusto sa totoo lang at hindi ko siya magawang magustuhan kahit sa anong paraan. Hindi ko lang talaga siguro ma appreciate ang beauty niya. Dahil wala naman talaga siyang beauty para sa’kin. My opinion of her was brutally honest, a reflection of my own feelings about the situation and that's the truth. “Why? I think Marian is okay, and dude her body is curvy...” natatawang ani ni Eric. His voice was filled with a casual amusement, as if this was just a normal conversation about a girl. Nang-iinsulto yata ang isang 'to. “Really, Eric? You find her beautiful? Don't worry I'll surely recommend you to her.” Nanunuya kong saad. I couldn't help but be sarcastic. Agad naman napangiwi ang kaibigan kong si Eric matapos marinig ang sinabi ko. “Nah...Thank you, but I don't like her either.” natatawa na saad nito. Ayaw nga niya, paano nalang kaya ako? Napailing nalang ako dahil sa pagtanggi niya. Hindi ako dito matutulog ngayon dahil maaga ang flight ko paalis bukas. Kailangan ko ng bumalik sa Maynila dahil tumatawag na ang sekretarya ko, may importanteng meeting akong dadaluhan. Uuwi ako ngayon sa Motel kung saan ako nakapag-booked ng room. Malapit rin kasi ang lokasyon ng Motel patungo sa airport. Inisang lagok ko ang alak sa can beer, ito na ang huling beer ko dahil kailangan ko pang mag drive. Tatayo na sana ako upang makapag banyo ng biglang sumulpot si Shawn na masama ang mukha. “Dude.” Tawag pansin ko kay Shawn. Lumingon naman ito sa’kin pero malalim parin ang gitna ng noo nito, “What’s wrong?” nag-alalang tanong ko. Alam ko naman na may kanya-kanya kaming personal na problema hindi lang nasasabi. Marahan lang itong umiling, simula noong nag-asawa ulit ang ama nito ay napapadalas itong wala sa mood. Minsan nga napaisip ako kung totoong magkasundo ba talaga ito sa anak ni Tita Zel. I couldn't help but wonder if Shawn was truly happy with his family situation, pero wala naman siyang nasabi sa amin tungkol sa problema ng pamilya nila kaya imposible din na hindi nito kasundo ang bagong pamilya. “Nothing.” tipid na sagot nito. His voice was strained, holding back a torrent of emotions. Hindi na ako nag-usisa pa at agad na tumahimik, kailangan ko pang magpaalam rito dahil anong oras na at kailangan ko pang bumyahe pauwi sa motel. “Shawn, hindi na ako magtatagal at kailangan ko pang bumyahe ngayon, remember bukas ang alis ko.” I said. Hindi ito tumingin sa'kin pero tumango naman, “Ingat ka.” His voice was flat. Mukhang may problema nga ang Isang 'to dahil nagtitipid ng salita. Tumayo na ako at tinignan ang ibang kaibigan na mukhang lasing na. “Mauuna na ako sa inyo.” panimula ko. Si Eric lang ang pumansin sa'kin. “To where? Akala ko dito tayo matutulog ngayong gabi?” He looked surprised at lumaki pa ang kanyang mata. Masapak nga ang isang 'to, kinalimutan ang sinabi ko kahapon. “Remember bukas ang alis ko pabalik ng Maynila.” I gave him a withering look, my voice laced with sarcasm. Tumango-tango naman ito, “Oh, right. Ingat ka dude.” He grinned, his eyes twinkling with mischief. Napailing nalang ako at agad naglakad papasok ng mansyon para makapag paalam naman ako kay Tita at Tito. Ramdam ko din ang malagkit na titig ng iilang mga kababaihan. Magkahalong inis at galit ang naramdaman ko, ang mga titig nila ay palaging nagpapaalala sa posisyon ko sa mundong ito. Pagpasok ko sa loob ay namataan ko agad si Tita na masayang nakikipag-usap sa isang babae na hindi ko kilala. “Tita, sorry to interrupt your conversation, but I'm here to bid you goodbye," pagsisimula ko, my voice was polite. Tita Zel quickly turned towards me with a smile on her lips. "You're leaving so early, Hijo. Oh siya hindi na kita pipigilan pa at baka may importante ka pang pupuntahan o gagawin.” she said, her voice filled with warmth. Natawa naman ako ng mahina, “Maaga po kasi ang flight ko bukas pabalik ng Maynila kaya't hindi na'po ako magtatagal rito.“ Rason ko kahit hindi naman tinanong ni Tita Zel. Para ko na ding ina si Tita Zel, simula kasi noong nagpakasal ito kay Tito ay sobra ang pag-alaga niya sa amin kahit na kaibigan lang kami ni Shawn. Tumango naman ito pero ng dumapo ang mukha nito sa kausap ay agad itong napangiti, “Hijo, si Vienna pala kaibigan ni Rhoda.” Agad naman akong napabaling sa kausap nito, so si Vienna pala ito hindi ko man lang nakilala. Naka tali na kasi ang mahaba nitong buhok. “Hi I'm Lennox nice to meet you.” pakilala ko sa kanya. Marahan naman itong bumaling sakin, “Vienna, nice to meet you too.” Mariin nitong saad na may kaunting ngiti. Mukhang hindi napansin ni Tita ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Pagkatanggap niya kasi sa kamay kong nakalahad ay agad niya itong pinisil, kung siguro babae lang ako. Paniguradong sumigaw na ako dahil sa sakit. “Alis na'po ako Tita. Pasabi nalang po kay Tito na umalis na'po ako, salamat po sa pagkain.” paalam ko. Tumango naman ito, “Hindi na kita pipigilan, Hijo. Gumagabi na'rin ba-byahe kapa.” Hindi na nga ako nagtagal pa at agad nag lakad palabas ng bahay nila. alas dyes na ng gabi at halos dalawang oras pa ang kailangan kong i-byahe. Pagdating ko sa parking area ay agad kong pinuntahan ang kotse ko, kailangan ko'pa itong idaan sa transportasyon shipment para madala ko sa Maynila. Pagkasakay ko ay namataan ko si Vienna na naglalakad palabas ng gate. Mukhang uuwi na siguro, mabilis ko namang binuhay ang kotse at agad nag maneho. Nang malapit na ako sa gate ay bumusina ako sa guwardiya para mabuksan ito, binaba ko din ang bintana para maka-usap si Vienna. “Vienna! Get inside I'll give you a ride.” pag-alok ko. Gabi na rin kasi at babae ito, paano kung makatagpo ito ng masamang tao? Iba pa naman ang karamihan ng tao ngayon. Ang taas ng killing numbers at raped case ngayon, mahirap na. Nakakunot ang noo nitong bumaling sa’kin. “Nah, thank you but no thanks. Kaya ko ang sarili k—” Hindi na ako nag sayang ng oras at agad na lumabas ng kotse at binuhat ito papasok sa kotse. Ayoko sa lahat yong nagmagandang loob na nga ang tao tapos magmukha pa akong desperado. “Hey! Ano ba! Ibaba mo nga ako!” Reklamo nito. Her voice was laced with anger and indignation. Pero hindi ko ito pinansin sa halip ay pabagsak ko siyang binaba sa upuan at agad sinuotan ng seatbelt. “Stay still or else....” “Or what?” malaki ang matang usal nito. “I'll kiss you.” Banta ko. Agad naman itong tumahimik kaya't napa-ngisi ako. Hindi na siya nag reklamo at tahimik lang na umupo, “Saan ang daan patungo sa inyo?” pagtatanong ko ng makalabas sa gate. Hindi ito umimik pero tinuro ang daan patungong dulo, so iisang street lang pala sila ni Rhoda. Ilang bahay ang nadaanan namin at hinihintay ko lang ang kanyang sinyas. “Stop, dito na lang ako.” wika nito at tinanggal ang seatbelt. Napakunot-noo naman ako ng kakahuyan ang nakikita ko, “Kakahuyan ito, saan ang sa inyo?” kuryuso kong saad. Bumaling ito sa’kin habang lumalim ang gitna ng noo nito, “Bakit andami mong tanong? Sinabi ko bang ihatid mo ako?” inis na wika nito. Mahina nalang akong natawa, “Bakit ka galit sa’kin? Dapat nga magpapasalamat ka dahil inalok kitang ihatid.” “Bakit sinabi ko bang magpahatid ako?....Ikaw 'tong basta bata nalang nambubuhat eh.” may halong galit na wika nito. Itinaas ko nalang ang dalawang kamay ko para sumurender, wala akong laban sa kanya. Ang talas talaga ng dila eh. “Okay, okay, mag-ingat ka nalang sa daan patungo sa inyo.” Agad itong umalis ni hindi manlang nag pasalamat sa’kin. Napapailing nalang ako dahil sa kanyang inasal. She's weird, right? Nang hindi ko na makita si Vienna ay umalis na ako sa lugar na iyon at binaybay ang daan patungo sa transportasyon shipment para sa kotse ko at meron ng taxi ang naghihintay doon sa’kin. Lahat naka plano para walang aberya na mangyayari. Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe ay biglang tumunog ang selpon ko na nakakunikta sa kotse ko, touchscreen na ito kaya kailangan mo lang siyang e, slide para masagot ang tawag. Nakita ko naman ang register name kaya agad ko itong sinagot, “Ma.” “Hijo, kailan ang balik mo? I miss you.” si Mama. Her voice was filled with warmth and affection, a reminder of the love and care she showered upon me. I smiled, even though I was just their adopted child, they never lacked in providing for me. They gave me what I needed and loved me as if I were their own son. They fulfilled the role of being parents better than my biological parents. I felt an overwhelming sense of gratitude for their unwavering love and support. “Bukas ang flight ko pabalik ng Maynila Ma, pero hindi muna ako dederetso sa mansyon dahil kailangan kong dumalo sa importanteng meeting bukas.” I explained, trying to sound casual. Rinig ko naman ang buntong hininga nitong dismayado, “Ganon ba? Sayang naman meron pa naman akong bisita bukas at gusto ko sanang ipakilala ka.” Alam ko kung ano ang ibig-sabihin nito, "Ma, malaki na ako hindi muna kailangan pang maghanap ng babaeng para sa'kin kaya ko po ang sarili ko pagdating sa babae.” I tried to sound confident, matagal ng pinagpipilitan ni Mama na i-try kong i-date ang mga nireto niya. “Alam ko naman anak, pero hindi ko naman maiwasang mag-alala lalo na pataas ng pataas ang edad mo.” Her voice was filled with concern, a reflection of her maternal instincts. Ngumiti naman ako, “Ma, hindi muna po kailangan pang gumawa ng ganyan. Promise mamimili ako ng babaeng pasok sa panlasa mo.” I tried to sound reassuring. "Kailan pa, Hijo? Yong naka wheelchair na ako?” may himig na pagtatampong wika ni Mama. Her voice was laced with a touch of humor, but I knew there was a grain of truth in her words. Hindi na nga ako nakapag pigil pa at napahalakhak nalang dahil sa sinabi ni Mama. “Ma hindi naman siguro aabot sa ganyang setwasyon ang paghihintay mo. Malapit na Ma.” “Tse! Tsaka na ako maniniwala sayo kung meron ka ng maipakita sakin....Oh siya, mag-ingat ka sa byahe. I love you nak.” “Love you too, Ma. Sent my regards to Papa.” “I will.” Matapos ang tawag ay tsaka ko lang binilisan ang pagmamaneho upang makarating na ako dahil nakaramdam na ako ng antok. Ilang minuto nga ang lumipas ng papasok na ako sa transportasyon shipment. Pagkaparada ko ay agad akong nilapitan ng isang trabahador, “Boss, ikaw po 'ba si Mr.Schumacher?” tanong nito. Tumango naman agad ako, "Yes, ako nga.... Isasakay niyo na ba ang kotse?” I asked. Tumingin ito sa isang barko na busy ang mga tao sa pagpasok sa ibang kargamento. “Oo boss, malapit na kasing mapuno ang car parking.” Napatango naman ako, “Kailan kayo makakarating sa Maynila?” “Limang araw ang lawig namin boss, tatawagan ka namin kapag dudunggo na kami sa Maynila.” wika nito habang tinanggal ang suot na gloves. “Good, see you there.” Ibinigay ko ang susi at kinuha ko muna ang importante kong gamit sa loob ng kotse bago dumeretso sa parking area kung saan ang taxi na naghihintay sa’kin. “Manong.” tawag pansin ko sa isang matandang lalaki na naninigarilyo sa hindi kalayuan. “Sir, ikaw po ‘ba si Mr.Schumacher?” nakakunot noo nitong tanong. Marahan naman akong tumango, “Yes manong, tara na ‘po.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD