"Hi, dad!" masiglang bati ni Aiyanna sa kanyang ama nang makapasok siya sa opisina nito. Gulat na napa-angat ang tingin ng kanyang ama mula sa mga papeles na kaharap nito.
Her father is obviously old, makikita na sa mukha nito ang stress at pagod. Naawa siya sa ama dahil wala itong katuwang sa pag aasikaso sa negosyo nila. "Aiyanna, what are you doing here?" bati nito sa kanya.
She pouted, "Don't you want me here, dad? Binibisita lang po kita." aniyang kunwa'y nagtatampo.
Bahagyang humalakhak ang kanyang ama bago ito tumayo upang yakapin siya. Nagtaka pa nga siya nang medyo napahawak ito sa dibdib habang tumatayo. "Are you okay, Daddy?" nag-aalalang tanong niya.
Natigilan ito saglit bago mabilis inalis ang kamay sa dibdib at naka-ngiting humarap sakanya. "I'm okay, anak. Bakit naman hindi?" ngumisi pa ito sakanya. Napanatag naman ang loob niya kaya humalik siya sa pisngi nito.
"Don't stress yourself too much, Dad. Okay? Anyways, I'm here kasi ginising ako ni Mommy ng super aga! I should help you with your work daw, dad." she said giving emphasis to word 'super'.
Natawa itong muli bago bahagyang sumandal sa dulo ng office table nito, "Ang mommy mo talaga, masyadong praning. I'm totally fine, anak. Saka mo na ako tulungan kapag desidido ka nang hawakan ang kumpanya natin. I don't want you to be bored at mawalan ng social life. You can do anything you want." anito
Kaya mahal na mahal niya ang kanyang ama dahil alam nito ang gusto niya, kailan man ay di siya nito pinag bawalan sa kung ano man. That's why she made sure to graduate college first bago siya magwalwal. Noong makatapos naman siya ng college, nagdecide siya na mag-trabaho sa ibang kumpanya bago niya i-take over ang kumpanya nila. She was really matured and responsible way back then. She was also deeply inlove kaya pinilit niyang magpaka-independent at responsable para maging handa na siya kapag nagpakasal sila ng boyfriend niya. But he cheated on her. Kaya nang mangyari 'yun, kung saan saan na siya nakarating. Travel dito, party doon. That's her life. Na naiintindihan naman ng kanyang ama, ang mommy lang yata niya ang may reklamo sa mga pinaggagawa niya sa buhay eh.
She smiled sadly nang maalala na naman iyon, it's been three long years pero naninikip pa rin ang dibdib niya kapag naalala ang mga nangyari. He was her boyfriend since college. Akala nga niya sobrang tibay na ng pundasyon ng relasyon nila, pero hindi pa rin pala.
"Aiyanna?" napukaw ang atensyon niya sa pagtawag ng kanyang ama.
"Y-Yes dad?"
"Is that for me?" anitong tinutukoy ang dala niyang kape. Hindi pa pala niya iyon naiaabot dito, she smiled before handing him the coffee and the bagel.
"You can rest on the couch, Aiyanna. Sabay tayong mag-lunch mamaya. I just have to finish these papers." sabi nito bago naupo na ulit sa swivel chair at pinagpatuloy ang ginagawa. Siya naman ay naupo na sa couch at kinutingting na lang ang sariling cellphone. She took a selfie and posted it on her i********:, 'Just chillin' in my Dad's office.'
Matapos iyon ay kung anu-ano nang pwesto ang ginawa niya sa couch ngunit nabuburyong pa rin talaga siya. Mabuti na lang at maya-maya'y nagyaya na rin ang Daddy niya na kumain ng lunch. Siya na ang nagpresinta na magmaneho para hindi na mapagod pa ang kanyang ama, naka-leave raw kasi ang driver nito.
"Siya nga pala, saan ka ba nag punta kagabi anak? Umaga palang kasi ay kung anu-ano na ang nginangawa ng mommy mo." natatawang tanong nito sakanya habang kumakain sila.
Sumubo muna siya ng isang malaking piraso ng steak at nginuya iyon bago nagsalita, "We went to Zharine's birthday celebration, Dad. Sa isang luxury bar 'yun sa BGC." aniya rito.
Tumango-tango naman ito sa kanya, marami pa silang napag kwentuhan habang kumakain. She missed her dad even though they live in the same house. Hindi rin naman kasi sila palaging nagkikita. Maaga itong umaalis patungo sa opisina, samantalang siya naman ay sa gabi umaalis at tanghali na nagigising kaya palaging sermon ng nanay niya ang almusal at tanghalian niya.
She was finishing her steak when someone greeted her Dad, "Mr. Miller, fancy meeting you here."
Her dad stood up and shook his hands with the guy. Hindi niya ito makita dahil bahagya siyang nakatalikod at nginangata pa ang huling piraso ng steak niya. "Ah! Mr. Asuncion, I'm having lunch with my daughter here." anito sa kausap habang iniinom naman niya ang kanyang wine.
"I see. I bet your daughter is starving. Kawawa naman iyong steak." nasamid siya dahil sa sinabi ng lalaki kaya dinalahik siya ng ubo. Naluluha na rin siya dahil parang napunta sa ilong niya ang iniinom. Someone handed her a handkerchief kaya kinuha na rin niya 'yun bago mabilis na pumunta sa restroom. Umubo siya ng malakas bago isininga ang laman ng ilong. Kadiri
Hayop na lalaking iyon. Sino ba 'yun?! Close ba kami? Bwisit! Sisinghot singhot siyang bumalik sa pwesto nilang mag-ama, akala niya ay nandun pa rin ang kausap nito ngunit mag-isa na lang ang ama niya na prenteng nakaupo sa upuan at umiinom ng red wine.
Ngumisi ang ama niya nang makita siyang papalapit na. "Are you okay, now?"
"Sino ba 'yun, Dad? Close ba kami?"
Natawa na ang ama niya, "That's Miguel Asuncion. You'll meet him soon enough." makahulugang anito.
Kumunot naman ang noo niya bago itinaas ang panyo na ginamit niya kanina, "Thanks for this, dad. Ibalik ko na lang kapag nalabhan ko na."
"Oh, that's not mine. Kay Miguel 'yan. Hindi mo ba alam na siya ang nagbigay niyan?" nagtatakang tanong nito.
"Dad, mamamatay na ako dahil sa hinayupak na 'yun tapos aalamin ko pa kung sino nag-abot sakin nito?" she even pouted after speaking kaya natawa na naman ang kanyang ama.
**
"Hello, I'm on my way." ani Aiyanna sa tumawag sa kanya.
"Hay naku, girl. Kanina pa 'yang on my way na yan. Asan ka na ba talaga?" halata na sa boses ni Zharine ang pagkairita. Napa-ngisi siya.
"On the way na talaga. Maaga pa, abot pa ako sa party." Papunta ulit kasi siya sa Club Deluxe para i-meet ang mga kaibigan niya.
Hindi rin naman nagtagal ay narating din niya ang club. Alas Diyes na ng gabi kaya hype na hype na ang mga tao doon. May mga nagyo-yosi sa labas, kita rin niya na mahaba pa ang pila para maka-pasok sa loob. Luckily, lagi silang may reserved table para hindi na sila pipila pa. Kilala na rin naman sila ng mga staff doon dahil madalas silang magpunta sa naturang club. Aaminin niyang iba ang Club Deluxe sa mga bar na napuntahan na niya. At mahahalata mo rin na hindi lang simpleng tao ang mga pumupunta doon. Kabi-kabila ang mga celebrity at iba pang mga personalidad na naroroon.
"Hoy K, nagpunta sakin si Janine kanina. Nakipag-break ka raw sa kanya." rinig ni Aiyanna ang pag-uusap ng dalawang lalaki na nag yoyosi sa may parking lot ng club.
"The f**k, J. Ayaw ko na nga kamo sa kanya. We're over." anito sa kausap at initsa basta sa kung saan ang upos ng sigarilyo.
She rolled her eyes, mga lalaki nga naman. Basta magsawa sa babae, basta na lang itatapon na parang mga laruan. Sarap nilang saktan down there! Hindi na niya pinansin ang dalawang iyon at nagpatuloy na siya sa paglalakad papasok sa bar. Nang makapasok ay nakita niya kaagad sina Zharine at Ria sa dance floor, halatang nakainom na ang dalawa dahil todo sayaw na sila.
She decided to take a seat and order a drink in the bar counter. "Isang margarita, please." ngumiti sa kanya ang bartender bago nag-mix ng kanyang order. After a few minutes ay kaagad ding na-serve iyon sa kanya. Her eyes roamed around the club, may kalakihan ang club na iyon, malawak ang dance floor at sunod sunod din ang mga tables and chairs na nakahilera sa bawat sulok ng gusali. Ang mismong bar counter ay malaki rin at napansin din niyang hindi biro ang quality ng mga furnitures sa club na iyon. Even the lights and chandeliers were obviously high quality. Malaki rin ang DJ Booth sa kabilang panig ng dance floor, at sa likod niyon ay ang malapad na LED wall. Iba-iba rin ang nagiging DJ sa bawat gabi, kung minsan pa ay sikat na DJ ang nandoon. Mayroong mga sikat dito sa bansa, at mayroon sikat mula sa ibang bansa. Kaya palaging puno ang Club Deluxe, whoever the owner is, he or she surely is lucky to have this kind of business.
She ordered another shot of margarita, hinanap ng mga mata niya ang mga kaibigan at nandun parin ang mga ito sa gitna at nagsasayaw. May mga lalaki na ngang nakikipagsayaw sa mga kaibigan niya eh. Napa-ngisi siya, iba talaga ang dalawang iyon.
Nang mapatingin siya sa itaas ay saka lang niya napansin na may mga tinted glass panel pala roon. She guess those are private rooms for the VIPs, pero natuon ang atensyon niya sa glass panel na nasa gitna. Wala naman siyang makita dahil heavily tinted ang glass panel na iyon ngunit hindi maalis ang tingin niya doon. Tumagal ng ilang segundo ang tingin niya doon bago inisang lagok ang inumin niya. After gulping her drink, she stood up and went to the dance floor to join the party. Nahilig siya sa pagsasayaw noong College kaya hindi naman siya mukhang nakakahiya roon sa gitna. She swayed her hips and banged her head sexily, she look sexy in her black bikini under a mesh top and a high-waisted jeans.
"Goodness, Aiyanna Michelle! Kanina pa kami rito! Ngayon ka lang dumating!" ani Ria nang makita siya ng mga ito sa dancefloor.
She smiled sheepishly, "Kanina pa ako, naupo lang ako run sa bar counter habang pinapanood kayo. Hype na hype kayong dalawa eh. Ilan na ba ang nabihag ng kamandag niyo?" natatawang niyang sabi.
"Tatlo pa lang." naka-ngising ani ni Zharine.
"Bakla, ang gu-gwapo ng mga nandito. Kaya love ko ang Club Deluxe eh. Walang tapon sa mga lalaki." ani naman ni Ria.
And as if on cue, may mga lalaking lumapit sa kanilang tatlo. Lahat gwapo, at halatang lasing na rin. The guy held her waist while dancing, "Hey gorgeous, I'm Carl. Kanina pa ako nakatingin sa'yo. You're so hot on the dance floor." he said huskily.
Pinapungay niya ang mga mata bago ngumiti sa lalaki, "Really?" she leaned forward and whispered on his ear. "Let's dance, then." she said and winked at him. Carl bit his lips and gladly danced with her. As usual, buong gabi sila uminom at sumayaw. Hindi na rin siya nilubayan ng lalaking nagpakilalang Carl. He's not her type, hindi na lang niya sinita ang pagsama nito sakanya para wala nang ibang lalaki na lumapit pa sakanya. And she's sure that he is expecting more after that. At hindi naman siya papayag, she's not that kind of girl. Party girl siya pero hindi siya f**k girl.
Bandang ala dos na nang makatakas siya kay Carl, bantay sarado talaga ito sakanya. She went to the powder room to freshen up, gusto na rin niyang umuwi dahil kapag inumaga pa siya sa pag-uwi ay buong maghapon lang siyang sesermunan ng nanay niya.
She fished her mobile phone from her Gucci marmont bag, at nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ang dami ng missed call ng kanyang ina. She immediately called her mother back. "Mom! Why are you calling? Ikaw talaga hindi ka na ho nasanay sakin, of course I'm out tonight." bungad niya sa ina nang sagutin nito ang tawag.
"Aiyanna.." her brows furrowed when she heard her mother's sobs.
"What's wrong, mommy?" kinakabahang tanong niya.
"Aiyanna, sinugod sa ospital ang daddy mo. He's in the Coronary Intensive Care Unit right now. Please go here, anak.." anito habang umiiyak.
Bigla siyang nanghina, parang nawala ang liyo niya dala ng mga nainom na alak. She hold onto the sink to support her weight dahil baka bigla na lang siyang bumulagta sa panghihinang nararamdaman niya. Noong isang araw lang ay magkasama sila ng daddy niya, masaya pa sila at healthy naman ito diba? He's healthy... Bigla niyang naalala ang paminsan-minsang paghawak nito sa dibdib nito. No..
She breathe harshly, bago dali-daling lumabas sa restroom. Wala na siyang pakialam sa mga nasasagi niya, kahit naririnig niyang may mga tumatawag sakanya ay hindi siya lumingon. A tear escaped from her eye, inis na pinahid niya ang luhang iyon. Patuloy ang paghinga niya ng malalim para hindi siya mahagulhol sa isang sulok. Patakbo niyang tinungo ang exit area nang mabangga siya sa isang solidong bagay.. O tao? Ngunit bago pa siya mapabagsak ay may sumambot sa kanya. She felt warm inside those arms, parang gusto nalang niyang yumakap at umiyak sa mga brasong iyon. Her eyes gazed up to the owner of those arms. At nagulat pa siya dahil iyon ang lalaking nakita niya sa coffee shop noong isang araw.
She felt his thumb on her cheek, hindi niya namalayang patuloy pala ang pag-agos ng mga luha niya sa kanyang mata. She remembered her father so she stood up, "Excuse me." and she ran to her car.