"Mom!" lakad-takbong tinungo niya ang Ina na naka-upo sa labas ng CICU. Bahagya pang napapalingon ang mga tao sakanya dahil siguradong kumakayat na ang make-up niya sa pag-iyak. Suot suot pa rin niya ang bikini and mesh top niya, it may look disturbing to others dahil nasa ospital nga naman sila. Pero wala na siyang pakialam. She just wanted to know what happened to her Father.
"Aiyanna." naluluhang tawag sa kanya ng ina.
"What happened mom?" pinigil niya ang pag-iyak, kung maaari ay ayaw niyang ipakita sa Ina na hinang-hina na rin siya, she wanted to be strong for her.
"Heart attack, anak. Mabuti na lang at nadala kaagad siya rito sa ospital, kung hindi ay baka wala na siya sa atin." mahinang tugon nito
"I thought he's healthy? Hindi ba at every 6 months ang health check-up niya? You told me both of you are healthy." aniyang naguguluhan
Dahan-dahang umiling ang kanyang ina, "Your father was diagnosed with Coronary artery disease. Ayaw niyang sabihin sa'yo dahil sabi niya ay kaya pa raw naman niya. He has his maintenance and his regular monthly check-up." Lumapit ito sa kanya at pinaupo siya sa waiting chair sa labas ng CICU.
Her mother wiped her tear away, then she held her hand. "That was the reason why I always tell you to help him. To know everything about our company, because we never know what will happen. You're a strong lady, nakikita ko iyon sa'yo anak. And I understand why you are doing these things lately. Hindi kita masisisi, at kahit ano pa mang gawin o ginagawa mo. We always support you and we are proud of you, anak." her mother wiped her tears away again and sadly smiled at her.
"Don't cry. Your father will be fine. Malakas siya, at tsaka siya na mismo ang nagsabi sa akin noon na hindi pa siya pwedeng mamatay dahil gusto pa niyang makipag-laro sa mga magiging apo niya." kahit naluluha ay bahagya siyang natawa sa sinabi ng ina. Ang akala niya ay siya ang kailangang magmukhang malakas as kanilang dalawa, pero ang sarap parin palang maging parang isang bata na umiiyak sa kanyang ina.
She hugged her tightly, "I'm sorry, Mom." naiyak pa siya lalo nang yumakap ito pabalik at hinahagod ang likod niya.
Maya-maya ay nagpaalam itong kakausapin muna ang doktor ng kanyang ama. Nanatili siyang nakaupo sa isa sa mga nakahilerang upuan sa labas ng CICU. Tahimik siyang nanalangin na sana ay maayos lang ang kanyang ama at huwag naman mas lumubha ang lagay nito. Nag-sisisi siya dahil mas inuna pa niya ang sariling kaligayahan kaysa sa intindihin ang kanyang mga magulang. Masyado siyang nagpadala sa emosyon niya at naging makasarili. She became a brat na inuuna pa ang pagbili ng kung anu-ano, pagpunta sa bar upang magsaya, makipag-landian and live her life to the fullest kaysa sa asikasuhin at maging pamilyar sa negosyo nila upang maging katuwang ng kanyang ama dito. Ilang beses pa siyang napa-buntong hininga bago lumapit sa glass window ng CICU.
Doon ay makikita niya ang amang nakaratay sa hospital bed, may naka-kabit ng oxygen, at iba pang aparato upang ma-monitor ang kundisyon nito. A tear escaped from her eyes, "Don't worry, Dad. I'll make it up to you. I promise." sambit niya habang nakatitig pa rin sa kanyang ama.
Pinahid niya ang kanyang pisngi, she has to do what is right. Dapat ay mas maging responsable na siya. This time, she'll make everything to make it up to her parents at hindi madismaya ang mga ito sakanya. Para pag gising ng kanyang ama ay hindi ito mag-aalala sa kumpanya, ang tangi na lamang nitong iintindihin ay ang pagpapagaling at pagpapalakas.
Hindi rin nagtagal ay dumating din naman ang kanyang ina mula sa pagkausap sa doktor, sa ngayon ay stable naman daw ang lagay ng kanyang ama. Kailangan lang nilang hintayin itong magising para mailipat nila sa isang private room.
Inilapag ni Aiyanna ang isang paper cup na may lamang mainit na kape sa katabing upuan ng kanyang ina, mag-uumaga na ngunit wala pa rin sakanila ang may balak umuwi para magpahinga. Pinipilit niya kanina pa ang mommy niya upang magpahinga muna ito dahil baka mamaya ay bigla na lamang sumama ang pakiramdam nito. Ngunit pilit itong tumanggi at gusto lamang bantayan ang asawa. "Have some coffee, Mom."
"Thanks, anak." anito bago dahan-dahang kinuha ang baso at uminom. Siya naman ay hawak lamang ng dalawang palad ang kape upang kumuha ng init doon. Medyo nilalamig na rin kasi siya dahil sa suot na mesh-top. Ayaw naman niyang iwan mag-isa ang ina, mamaya na lang siguro siya magpapalit. Kailangan muna niyang makasiguro na may makakasama ang ina sa pagbabantay.
"Aiyanna..." bahagya siyang napalingon sa pag-tawag nito sa kanya.
"Yes, mom?"
"I-I have to tell you something.." anito
Hindi niya alam pero muli siyang kinabahan, "What is it, mommy?"
Bumuntong hininga ito kaya lalong dumoble ang kabang nararamdaman niya. "P-Pinagbili ng Daddy mo ang halos kalahati ng shares niya sa kumpanya. And the board wants to remove him as the Executive Chairman. May kutob akong iyon ang dahilan kung bakit inatake sa puso ang daddy mo."
Nahigit niya ang hininga sa sinabi ng Ina, "What? At bakit naman pinag-benta ni Daddy?"
"He released a project that was really impossible to make. Ilang beses itong kinuwestyon ng board of directors pero mapilit ang daddy mo at sinabi nitong kaya nitong magtagumpay ang project na iyon. Malaki ang pera na nawala sa kumpanya dahil sa project na iyon at dahil hindi naman naging successful iyon. May mga investors pa na gustong mag-pull out ng shares nila dahil sa unti-unti nang nalulugi ang kumpanya. Nanatili lang ang mga ito dahil may ibang successful projects pa naman ang kumpanya. Your position as the CEO is also at stake, mukhang maliit ang tyansa na iboto ka nila bilang CEO. We don't want to lose the company anak, kaya ginagawa lahat ng daddy mo ang lahat para maisalba ito."
Nangunot ang noo ni Aiyanna, "At bakit hindi niyo sinabi sakin agad?! Humantong pa sa papalugi na pala ang kumpanya?"
"Ilang beses na kitang pinagsabihan na kusang tulungan ang daddy mo, Aiyanna. Pero ang daddy mo lang ang ayaw sabihin sa'yo ang totoo." anito sa malungkot na boses.
Naawa siya sa kanyang ama, ganito na pala kalaking stress ang hinaharap nito sa kumpanya pero hindi nito sinasabi sa kanya. At sinasabihan lang siya na gawin ang gusto niya, lalo siyang inusig ng konsensya.
"Sinong bumili ng shares niya, Mom?"
"Clyde Miguel Asuncion."
**
"Okay, Aiyanna. Kaya mo 'to. Para kay Daddy." sambit ni Aiyanna sa sarili habang naglalakad sa malawak na lobby ng kumpanya ni Mr. Asuncion. Isang napaka-taas na building ang kinaroroonan niya at balak niyang makipag-usap sa lalaki upang bilhin pabalik ang shares ng kanyang ama. She will do everything para hindi mawala sa kanila ang kumpanya. Dugo't pawis ang inilaan doon ng kanyang ama, tapos sa isang pagkakamali lang ay biglang mawawala ito sa kanila?
"Good Morning, ma'am." ngiting bati sakanya ng receptionist.
She smiled back, "I'm here for Mr. Clyde Miguel Asuncion."
"Do have an appointment, Ma'am?" tanong nito pabalik
She bit her lip, bakit nga ba hindi siya nagpa-set ng appointment sa sekretarya ng ama? Biglaan kasi niyang napag-desisyunan ang ginagawa ngayon. She sighed, "No, But I would like to set an appointment with him."
"Alright, ma'am. Let me just call his secretary. May I know your name, ma'am?"
"Aiyanna Michelle Miller"
"Just a moment, ma'am"
Tinanguan niya ang babae bago naupo sa kalapit na couch. Makaraan ng ilang minuto ay muli siya nitong tinawag.
"I'm sorry ma'am, puno raw po ang schedule ni Mr. Asuncion ngayong araw. And you cannot set an appointment with him until Thursday because he'll be out of the country."
Lunes ngayon, ibig sabihin ay maghihintay pa siya ng ilang araw? Nanlulumong tumango siya sa babae, kasabay niyon ay ang bahagyang pagtakbo ng mga lalaking nakasuot ng puting polo barong, itim na slacks at itim din na sapatos. May mga hawak din na two-way radio ang mga ito, ang iba naman ay may earpiece sa tenga. Patungo ang mga ito sa may entrance ng kumpanya.
And then a man wearing a black suit and tie entered the building, halata mong mamahalin ang suot nito, mismong ang binata ay mukhang mamahalin. Parang halos lahat ng tao sa lobby tumigil sa mga kanya-kanyang ginagawa at hinabol ng tingin ang lalaki. May mga buma-bati pa rito ng 'Good Morning' o di kaya'y 'Hi, Sir.' Kasunod nito ang isang babae na may inililista sa isang notebook habang naglalakad at nakikinig sa naunang lalaki.
Nang malapit na ito sa pwesto nila ay nanlaki ang mga mata niya nang namukhaan niya ang lalaki, it was the guy from the coffee shop and the club! Nangunot ang noo niya, ito ba si Clyde Miguel Asuncion? Kung ganon, ito rin ang naka-usap ng kanyang ama nang minsang nagkasama silang mag-lunch. At ito rin ang may dahilan kung bakit siya nasamid!
"Good morning, Mr. Asuncion." bati ng receptionist sa lalaki.
Parang napako ang mga paa niya sa sahig dahil hindi siya makagalaw. Ngayon lang niya naalala ang ilang beses nilang pagkikita na hindi man sila nagkaron ng tsansa na magka-usap. Parang biglang bumagal ang pag-inog ng mundo at parang sila na lang ang tao sa lugar na iyon. Nakita niyang muli ang gwapo nitong mukha, those piercing blue eyes, his nose and jaw. And those attractive lips that makes her want to kiss him. She unconsciously bit her lower lip.
Natauhan siya nang may bumangga sa likuran niya, isang babae na maraming dalang folder, sa tantsa niya ay kaedaran niya ito. At dahil nabangga siya nito ay bumagsak ang mga hawak nitong folder sa sahig at naglikha iyon ng may kalakasang tunog kaya nabaling sa kanila ang atensyon ng karamihan.
"Naku, sorry" aniya bago tumingkayad at tinulungan ang babae na limutin ang mga gamit.
"P-Pasensya na, Miss. M-Medyo masama lang kasi ang pakiramdam ko, di kita kaagad napansin." anang babae, medyo paos ang boses nito. Napansin din niyang medyo maputla ito at pinagpapawisan kahit malamig naman sa gusaling iyon.
Inilibot niya ang paningin at nahagip niyon ang isa sa mga bodyguard ni Mr. Asuncion. "Kuya! Paki-tulong naman, oh. Masama pakiramdam niya, baka bigla na lang siyang himatayin." and as if on cue, bigla ngang nawalan ng malay ang babaeng kausap niya. Tuluyan na itong natumba sa sahig.
Hindi kaagad nakaibo ang lalaking tinawag niya. Tumaas ang kilay niya, "Hello? Ang dami natin dito, di niyo man lang madala sa clinic itong babae? Kung kaya ko lang siyang buhatin ay ako na lang sana." nakakunot noong aniya sa mga tao roon.
"Balmes, please assist her. Paki-dala sa clinic, kapag in-advise na dalhin sa ospital ay dalhin niyo kaagad." ani Mr. Asuncion na nandoon pa pala at nakamasid sa kanila. Nang kumilos ang mga tauhan nito ay napunta sa kanya ang titig ng lalaki. He just stared at her for a couple of seconds. Nang akmang maglalakad na ito palayo ay siya namang pag-tayo niya.
"S-Sandali." aniya rito. "Mr. Asuncion.."
Lalapit sana siya rito nang harangan siya ng isa sa mga tauhan nito. Langya naman, daig pa nito ang Presidente ng Pilipinas sa dami ng escort!
"It's okay." sambit ng lalaki sa mga tauhan. Kaya umalis kaagad ang mga tauhan nito sa harap niya.
"I-I'm Aiyanna Michelle Miller, and I want to talk to you, Mr. Asuncion."
Kita niya ang bahagyang pag-taas ng kilay nito bago siya tinitigan. "Well then, Miss Miller. Let's talk inside my office." iyon lang at naglakad na ito patungo sa elevator.
Medyo nagulat siya sa pangyayari, hindi kasi niya inaasahan na papayag agad itong makipag usap siya dito. Humabol siya sa mga ito at sumabay sa elevator. Katabi niya ang binata samantalang nasa likuran nila ang assistant nito at ang dalawang security.
Naalala niya ang eksena nila sa Club Deluxe. May pag-punas pa ito ng mga luha niya! Nag-init ang pisngi niya sa naalala. She bit her lower lip para pigilan ang nararamdaman.
Nasa top floor ang opisina ng lalaki at nang makapasok siya doon ay napa-nganga siya sa sobrang laki at gara ng opisina nito. Nang maka-upo ito sa swivel chair ay isinenyas nito ang upuan sa harap ng table nito.
"So, Miss Miller. What brought you here? Balita ko ay nasa ospital ang daddy mo. Please send my regards to your mother." kaswal na anito
Ganito na ba ito ka-close sa ama niya? Tumikhim siya, "Mr. Asuncion.."
"Clyde."
"H-huh?"
"Clyde. You can call me, Clyde."
"C-Clyde." she cleared her throat. "I want you to give back my father's share in the company." matapang niyang pahayag sa lalaki.
For a moment there was a hint of amusement in his eyes, pero kaagad ding nawala iyon at napalitan ng isang blankong ekspresyon. "Give back? As far as I remember, I bought it from him. At maayos ang naging negosasyon namin." anito
"Then, I want to buy your shares." pinilit niyang patapangin ang boses kahit ang totoo ay apektado siya sa mga mata nitong nakatigtig sa kanya.
"Why would you like to buy it? Here I thought you're not interested in running your father's business." usisa nito
Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito, how did he know? She shrugged, baka nabanggit ng kanyang ama dito noon. Kunsabagay, mukha namang close ang mga ito. Dahil na rin sa pagkikita nila doon sa restaurant noon. At kung tama ang pagkaka-alala niya ito pa ang unang bumati sa ama niya bago siya pinag-tripan. Napa-nguso siya sa naalala.
"Sabi mo nga kanina, nasa ospital ang daddy ko. At ayaw kong pag-gising niya ay wala na ang kumpanya na pinaghirapan niya. I want to make him proud and I want to take over the company. Marami siyang ginawa na kailangan kong ipag-patuloy, at mas gawing successful iyon. There will be a board meeting next week at sigurado akong tatalakayin ang posisyon ni daddy. And if he sold half of his share, baka mag-decide sila na alisin ang daddy ko sa posisyon niya bilang Executive Chairman. They won't even vote me to be the CEO." aniya sa kausap.
Desidido na siya sa gagawin. Tutal matagal-tagal na rin ang panahong sinayang niya, it's high time for her to be responsible and take over the company. Tiningnan niya ang kaharap, at nahigit niya ang kanyang hininga nang makita na titig na titig ito sa kanya habang animo'y nag-iisp at sinusuri siya.
"Okay. I will let you get his shares back." seryosong anito
Sumilay ang malapad na ngiti niya, at kung hindi pa niya napigilan ang sarili ay baka nagtatalon na siya doon. Mabuti na lang pala at mabilis at maayos pala itong kausap. Akala niya ay wala siyang pag-asa at susungitan lang siya nito. Bali-balita kasi ay napaka-sungit nito at hindi man lang yata marunong ngumiti. Nag uumapaw din kasi ang pagka-boss nito. Kumbaga kung nasa iisang lugar kayo ay alam mong mas nakakataas ito kaysa sa'yo. Charisma yata ang tawag dun eh. At tsaka halata naman kanina, papasok pa lang siya ay biglang nagsi-tigilan ang mga empleyado sa ginagawa at bumati lang dito. Para itong hari na pumasok sa sariling kaharian.
"In one condition.."
Nawala ang pag-mumuni niya nang marinig ang sinabi nito. "Kahit ano! Just tell it to me at gagawin ko." malakas at naka-ngiti niyang sabi. Siguro naman ay may kung ano lang itong iuutos sakanya.
"Marry me."