Chapter 1

1081 Words
"Aiyanna! Kailan ka ba talaga mag-seseryoso sa buhay?! Anong oras ka na naka-uwi kagabi? Nag-bar ka na naman kasama ang mga kaibigan mo."    Naka-kunot ang noo ni Aiyanna habang naka-pikit pa rin, pilit  niyang iminulat ang isang mata upang tingnan kung anong oras na. It's 9 am for goodness sake! Parang siyang naghead bang buong gabi dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman niya ngayon. She went to the club last night with some of her friends. Matanda na siya para magpaalam pa sa mga magulang niya, at tsaka atleast umuuwi pa siya ng bahay, hindi 'yung kung saan-saan pa siya nakakarating.    "Mom, it's still early!" aniyang nakapikit pa rin.   "Anong early?! Aiyanna Michelle, alas nueve na at tanghali na! Kung hindi ka lumabas kagabi edi sana hindi sasakit ang ulo mo nang ganyan! Hay naku bata ka, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo." anito habang pilit inaalis ang unan na nakatakip sa mukha niya.   "Mommy, 27 years old na ako. Why won't you let me do the things I want? Wala naman ho akong ginagawang masama, I'm just enjoying my single life."    "Aiyanna, kung tumutulong ka sa kumpanya, hinding-hindi kita pipigilan kung gusto mong mag-party gabi-gabi. You're dad is not getting any younger. Dapat ay alam mo na ang pasikut-sikot sa negosyo natin, anak."    Here she goes again.  Araw-araw na yata nitong sinasabi na tulungan niya ang daddy niya sa opisina. Pero kapag kinakausap naman niya ang kanyang ama ay lagi nitong sinasabi na kaya na nito at gawin lang niya ang mga gusto niyang gawin sa buhay. She's a daddy's girl kaya naman sinunod niya ang sinabi nito. She's enjoying her life. Hindi ba at para sa kanya ang pagta-trabaho ng kanyang mga magulang? So she could do whatever she wants to do.    Inalis niya ang unan na nakatakip sa mukha niya at umupo sa kama, she looked at her mother who's now eyeing her. "Okay, fine. I'll go up. And then? What do you want me to do?"      Nagliwanag naman ang mukha ng kanyang ina sa sinabi niya. "I want you to go to your dad's office at tulungan siya sa mga trabaho niya. You have to learn a lot, ikaw ang nag-iisang tagapag-mana ng kumpanya natin kaya naman anak, please. You should know everything by now." umupo pa ito at hinawakan ang kanyang kamay. Alam naman niyang nag-aalala lang ito para sa daddy niya. And she's right, hindi naman na nga bumabata ang kanyang ama. Kaya bibisitahin narin niya ang daddy niya, tutal wala naman siyang gagawin ngayong maghapon.   The moment her mother left her room, she stood up and went to the bathroom to take her morning rituals and had a nice hot shower para naman mawala ang sakit ng ulo niya kahit papano. Iinom na rin siguro siya ng gamot mamaya bago umalis. After taking a long bath, she wore a pink belted dress, pinatuyo lang niya ang buhok gamit ang blow dryer at inilugay lang iyon. Her hair is naturally soft and wavy kaya ayos lang kahit basta na niya ilugay iyon. She just did her brows and wore a red lipstick and she's done.  Bumaba na siya para kumain ng agahan nang makainom siya ng gamot sa hangover niya. "Make sure to help your dad with his work, okay?" paalala ng kanyang ina habang kumakain sila ng agahan.  She nodded, "Yes mom. Takot ko na lang sa'yo eh." ngumisi pa siya sa ina. He mother just rolled her eyes and finished eating. Nang matapos na rin siya ay kaagad na sumakay siya sa kanyang Black BMW x6, she decided to buy a coffee before heading to the office. May nai-spot-an siyang parking space pero bago pa siya maka-abante ay inunahan siya ng isang sasakyan.   "What the f**k?" inis na sambit niya, she stepped on the gas para tumapat sa sasakyan bago ibinaba ang kanyang bintana. "Parking spot stealer!" impit na hiyaw niya.    Walanghiya! Madapa ka sana!  Wala siyang choice kundi humanap ng ibang space, ilang minuto siyang mabagal na nagda-drive bago pa makahanap ng empty spot. At sa pagkakataong iyon ay wala namang nagtangkang agawan siya ng pwesto. Makaka-sapak na yata siya kapag may umagaw pa. Nang maka-pasok sa coffee shop ay medyo nabawasan naman ang inis niya dahil sa amoy ng kape. Coffee always calmed her nerves.    "Good morning, Aiyanna!" bati sa kanya ng barista na si Krisha. Madalas kasi siya sa cafe na iyon kaya kilala na rin siya ng mga staff. Kumaway siya dito bago lumapit upang maibigay ang order niya.   "O, bakit ka naman nakabusangot diyan?" tanong nitong natatawa sa hitsura niya.   She pouted, "Eh kasi! May walanghiya na nang-agaw ng parking space ko d'yan sa labas!" Bumalik na naman ang inis niya sa hinayupak na 'yon.    Tuluyan nang natawa ito sa kanya, "Hay naku, kumalma ka sizzz. Sayang ang ganda. O, ano na bang order mo? Usual ba?" Iced Caramel Macchiato with extra pump of caramel kasi ang usual order niya.    She nodded, "Tsaka isang iced cafe Amerikano. Samahan mo na rin ng dalawang bagel. For take away." aniya rito sa nagpa-punch na kausap. Ibinigay niya ang bayad bago nagpunta sa kabilang side para hintaying ang order niya. May dalawa pang naghihintay ng mga oder nila, isang babaeng antok na antok kaya nakayukyok ito doon sa may counter. At isang lalaki na naka-suot ng suit and tie. At infairness, ang bango ng mamang ito ha. Nanunuot sa ilong niya ang amoy nito, very manly. Malaki rin ang pangangatawan nito mukhang may abs ito. Matangkad din ito, 6 footer siguro kaya nagmukha siyang duwende dahil hanggang kili-kili lang siya nito. Nang mapadako ang tingin niya sa mukha ng lalaki ay natulala na siya.    He was looking at her intently, those blue eyes with long eyelashes, mukhang may lahi pa yata ito. That perfect nose and jawline. Damn, and that kissable lips. Parang ang sarap sarap halikan. She unconsciously bit her lower lip when she saw him gulp, nakatitig lang siya sa adams apple nito na tumaas baba.  Bumalik ang tingin niya sa mga mata nito na nakatingin pa rin sakanya, napa-atras pa siya nang lumapit ito sa kanya. He took another step forward. And another. He leaned closer to her without breaking their eye contact, bahagya pa siyang napapapikit nang ga-hibla na lang ang layo nila sa isa't-isa. At nang nagmulat siya ng mga mata niya ay wala na ang lalaki sa harap niya. Tanging tunog na lang ng door chimes ang narinig niya, hudyat ng paglabas nito sa gusaling iyon. Her heart was beating so fast she even forgot how to breathe. What the heck was that?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD