"ANO?!" nanlalaki ang butas ng ilong ni Aiyanna sa sinabi ng binata.
He smirked, "I said, marry me."
Napa-awang ang bibig niya sa sinabi nitong muli. Para bang ang katagang 'Marry me' ay katulad lang ng salitang 'Itimpla mo ako ng kape'. Ano bang trip ng lalaking ito? May sapak yata ito sa ulo, masyadong seryoso sa buhay kaya nabaliw na lang. Nakakaloka!
"Are you out of your mind, Mr. Asuncion?" nanlalaking mga matang tanong niya
"I said, call me Clyde."
"Yo, Clyde!" bungad ng isang boses mula sa may pintuan ng opisina.
"Uy, may babae si Clyde."
"Ayos yan, 'tol."
Kunot-noong lumingon siya sa pinanggalingan ng mga boses na iyon. Binati siya ng dalawang lalaki na naka-ngisi at parehong naka-business suit. Magka-mukha ang mga ito at higit sa lahat, gwapo't matipuno rin ang dalawang ito kagaya ni Clyde. They have that mischievous smile on their faces habang nakatingin sa kanila. Hindi rin nagkakalayo ang height ng dalawang bagong dating kay Clyde, kaya nagmumukha na talaga siya nuno sa punso dahil nanliliit siya kapag itinatabi siya sa mga ito.
"What are you doing here?" anang baritonong boses ni Clyde
The two just smile widely at tumingin sa kanya, "Hi there, the name's Jayden." anitong hindi pinansin ang tanong ni Clyde.
"I'm Kayden, gwapo ba si Clyde?" ani naman nung isa.
"H-Huh?" nalilitong aniya
Kayden just smiled, "Sakin kasi siya kumuha ng itsura." preskong anito sabay kindat sa kanya.
"That's enough. Anong kailangan niyong dalawa, at paano kayo nakapasok dito basta basta?" kunot-noong tanong muli ni Clyde na ngayon ay naka tayo na pala mula sa pagkaka upo nito sa swivel chair.
"Wala kasi 'yung sekretarya mo sa pwesto niya, kaya pumasok na kami. Hindi naman namin alam na may rated SPG dito ngayon." ani Jayden
"Kaya pala ilang gabi ka nang di pumupunta sa Luxe ha!!"
Humalakhak ang dalawa, nawi-wierduhan siya sa mga ito. Kung ano ang ikina-seryoso ni Clyde ay ibang iba ang dalawang kaibigan nito.
"So, sino ba itong magandang dilag sa ating harapan?" tanong naman ni Kayden
"I'm Aiyanna---"
"She's my fiancee" seryosong tugon ni Clyde. Bigla namang natahimik silang tatlo sa sinabi ni Clyde. Nanlalaki ang mga mata na tumingin siya dito. Ano bang trip ng lalaking ito?!
"Dude, are you serious?!" gulat na tanong muli ni Kayden
"So kaya talaga wala ka sa Luxe because you're planning to settle down? Wow bro, we didn't know. Akala ko ba brothers tayo?! Dikit? Magkapatid?!" pinagdikit pa ni Jayden ang dalawang daliri habang naglilitanya ito.
"Feeling tuloy namin hindi mo kami mahal! Ilang taon ang pinagsamahan natin! Nakaka-sakit ka ng puso't damdamin!" ma-dramang ani ni Kayden.
"Tara na, J. Di tayo welcome dito." inakbayan nito si Kayden at niyayang lumabas na ng opisinang iyon. At nang tuluyan nang makalabas ang dalawa ay marahas niyang hinarap ang lalaking walang imik na naka-tingin lang sa sumaradong pinto. He still has the same reaction on his face, blank.
"What was that?!" nang-gagalaiting tanong niya rito
"I asked you earlier before they arrived. Sa pagkakatanda ko, sabi mo kahit ano ay gagawin mo para mabalik sainyo ang shares ng daddy mo. Then I told you to marry me. That was not a question, so I conclude that you will agree no matter what the condition is. Am I right?"
Diretso siyang tumingin sa mga mata nito, he's dead serious about what he said earlier. Hindi siya nito niloloko o pinagti-tripan. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit iyon ang kundisyon nito, hindi kaya... "Are you gay?"
"Excuse me?"
"Bakla ka ba?"
He clenched his jaw and took a step towards her. He was looking straight into her eyes, hindi rin niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito and the next thing she knew, he was claiming her lips already! Sapo nito ang kanyang dalawang pisngi, at dahil sa pagka-bigla ay nanatili siyang nanlalaki ang mga mata, habang ito ay naka-pikit at mariin siyang hinahalikan. She couldn't explain why she didn't slap him, kung ibang pagkakataon ito ay nagwala na siya at naitulak na niya ang lalaki. He was kissing her for a couple of seconds now, pero walang pagtutol na nabuo sa kanyang isipan. Gulat pero walang pagtutol. Unti-unti itong humiwalay sa kanya, he then met her eyes and caressed her cheeks.
"The next time you'll accuse me as a gay, hindi lang ito ang parusa mo." anito sa kanya bago tuluyang humiwalay at naupong muli sa silya nito.
"Ano bang problema mo, ha?! Wala pang bente kwatro oras tayong nagkaka-kilala, ganyan na ang trato mo sakin? Walanghiya!" nang-gigigil na aniya rito
"Have you forgotten already? Ilang beses na tayong nagkita. Maybe you didn't know me that time. Pero ikaw, kilalang kilala ko."
Kakaibang kabog ng dibdib ang naramdaman niya sa mga sinabi nito. Why is she having this kind of reaction to this guy? "Eh sa hindi nga kita kilala. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan mo. At tsaka, ano bang trip mo? Papakasalan kita? Loko ka ba?"
"Let's just say we'll both benefit from it. It's a win-win for us. I have to get married so I can fully claim my inheritance. I need it for my next project, at diyan papasok ang kumpanya niyo. I have a land that I need to develop and your company met my qualifications. Kaya ipagkakatiwala ko sa inyo ang project na iyon. As of now, I have the biggest share in your company kaya siguradong makikinig ang board sa akin. I will ask them to give you the project para patunayan na ikaw ang karapat-dapat na maging CEO. The project will be successful, kasi tutulungan mismo kita. Iyon ang kapalit ng pagpapakasal mo sa akin."
Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit madali lang dito ang pagsasabi ng mga katagang iyon sakanya kanina. "Bakit ako pa? Bakit di ka na lang humanap ng iba, you can pay her tutal mayaman ka naman. Hindi ako magaling umarte."
"Sa tingin mo ba ay basta-basta na lang ako kukuha ng babae? I'm a multi-billionaire, hindi ako pwede magtiwala sa kung sino-sino lang."
"Eh bakit sakin?"
"As I have said, both of us will benefit from this. I'll help you get the boards' trust and make the project successful. Sa huli, I'll make sure na sa inyo pa rin ang kumpanya ng daddy mo. And for me, I will be expanding my empire kapag nakuha ko na ang mana ko."
"Expanding your empire? Hindi pa ba sapat ang yaman mo? E ikaw na nga ang isa sa mga pinaka-mayamang tao sa bansa. Kahit nga yata internationally eh."
"There's no 'enough' in business, Michelle."
"A-ano kamo?"
"Hindi nakukuntento ang isang businessman kapag alam niyang kaya pa naman niyang mas palaguin ang negosyo niya."
"H-Hindi. Ano, yung t-tawag mo sakin.."
"Michelle?"
Bakit parang gumanda yata sa pandinig niya ang pangalan niya? Ayaw kasi niyang may tumatawag sa kanya ng 'Michelle', masyado na kasi itong common eh. Pero parang ang sosyal banggitin ng pangalan niya kapag ito ang tumatawag sakanya.
"Why? I just want to be unique from the others. Besides, I like the name 'Michelle'. "
Tumalon yata ang puso niya sa narinig, Pa-kiss nga!!!!
"S-Sige na, pag iisipan ko ang mga sinabi mo." aniya bago tatakbong lumabas sa opisina nito.