"Hello! Earth to Aiyanna Michelle!" nawala sa seryosong pag-iisip si Aiyanna dahil sa babaeng ipinitik-pitik pa ang daliri sa harap ng mukha niya. "Anong sabi mo?" nagtatakang tanong niya dito. It was her cousin, Klawdette. Nakakunot-noo na ito sa harap niya habang ngumunguya ng tuna sandwich na ginawa rin nito. Matapos kasi ang pag-uusap nila ni Clyde noong isang araw ay hindi na siya mapakali. At dahil ayaw din naman siyang pagbantayin ng kanyang mommy sa ospital ay wala siyang nagawa kundi puntahan na lang ang pinsan niya, para naman hindi siya mabaliw sa ka-iisip sa mga pinagsasabi ni Clyde. Her cousin took another bite on her sandwich while leaning forward in the kitchen counter. "Bakit kako bigla kang naligaw dito?" "Bakit? Masama bang maglambig sa pinsan kong busy sa love life?"