Next To You

1147 Words
MARCO'S POV  Sinadya kong ibigay kay Stracy ang isa sa pinaka mahirap na problem sa trigonometry. I really wanna see how my son would react to this whole scheme that I am plotting today. Napangisi ako nang makita kong kabadong-kabado si Stracy habang naglalakad papunta sa harapan kasunod ang anak ko na kampanteng kampante at hindi man lang kakakitaan ng kaba sa mukha. Paano nga naman s’yang kakabahan kung alam n’ya sa sarili n’ya at confident s’yang kahit anong problem ang ibigay ko ay masasagot at masasagot n’ya. Napailing ako at itinuon ang atensyon kay Stracy na parang namumutla na sa kaba nang tuluyang makalapit sa akin. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan n’ya as my student pero average lang s’ya kung ikukumpara kay Daphne at Cian. Sa una pa lang ay bumilib na ako sa talino ni Daphne. No wonder, anak talaga s’ya ni Quin. Bukod sa maganda na, matalino at may pagka suplada rin katulad ng Mommy n’ya. Ang kaso nga lang ay parati na lang na late s’ya sa klase ko, este… sa halos lahat ng subjects n’ya. At hindi naman sa tinotolerate namin ang pagiging tardy n’ya pero kahit palagi s’yang late o kaya naman ay absent, na s’yang bukod tanging namana n’ya sa Tatay n’ya, she can answer all my questions regarding our lessons. Madalas ay pakiramdam ko ay alam na n’ya ang mga lessons na ituturo ko pa lang. Kaya natutuwa ako sa tuwing nakikita ko s’yang nagpaparticipate pa rin sa discussions at nagbibigay pa nga ng insights tungkol sa mga tinuturo ko. Walang pagkakataon na hindi n’ya ako napapabilib sa talinong taglay n’ya. Kahit yata isang linggo s’yang mag-absent sa subject ko ay kayang-kaya n’yang ma-perfect ang mga exams na ibibigay ko. Kung hindi lang talaga s’ya nagmana sa katamaran at kalokohan ng Tatay n’ya sa mga babae ay magiging perfect na s’ya sa paningin ko. Pero hindi talaga biro ang talino n’ya kaya naman nakipagkasundo na ako kina Quin na tumulong para ipakita kay Daphne na hindi s’ya perpekto, katulad na lang din ng anak ko na s’yang matagal na naming pinoproblema ng asawa ko. Bumuntong hininga ako nang makitang nakatuon ang atensyon ni Daphne sa harap. Lahat ng exams n’ya sa akin ay napeperfect n’ya kahit pa nga hindi yata s’ya pumasok araw-araw ay papasa s’ya dahil sa pambihirang talino n’ya. Parehong-pareho sila ng anak kong si Cian na s’yang dahilan kaya rin ako pumayag sa gusto ni Quin na maging fake fiancé ni Daphne ang anak ko ay para mamulat si Cian sa totoong mundo. My son is very responsible and obedient. A lot of people think that he is almost perfect, when in fact, he isn’t. Well, it's a good thing, actually that people see him that way ‘because that’s an achievement for us who raised him, but as time goes by, wala na kaming nakikita sa kanya kundi iyong pagiging perfectionist na lang n’ya. And it really seems like he's trying to live up to other people's expectations. He's not living his life anymore. Ni hindi na s’ya nag eenjoy sa pagkabata n’ya. At ang mas nakakabahala sa lahat ay ‘yong halos controlled na ang emotions n’ya dahil sa image na inaalagaan n’ya. Which is really bothersome ‘coz we are afraid that he would continue living like that. And we’re afraid he won’t be able to live a normal life just because he thinks highly of himself. Pakiramdam n’ya, hindi s’ya pwedeng magkamali kaya lahat ng kilos n’ya ay kontrolado. Kahit ilang beses naming sabihin na okay lang na hindi n’ya magawa ang pinaka sa lahat ay parang hindi pwede sa kanya ang gano’n. He always thinks that he’s undefeated. Pakiramdam n’ya ay isang napakalaking failure ang matalo kahit na minsan lang. We’re afraid that he won’t be able to meet someone who would settle for that kind of behavior. Walang babae ang makikilala n’ya na tatagal sa ugali n’yang gano’n. He’s dominant and always feels superior. Kahit sa kapatid n’ya ay gano’n s’ya kaya hindi na kami nagtataka na mas close pa ang kapatid n’ya sa mga pinsan nito kesa sa sarili nitong Kuya. And whenever I see and assess Daphne’s behavior, I always think that she can be someone who can help in taming my son. I really think that he needs someone who's prim and tough to all her decisions. Iyong tipong hindi nasisindak at magpapasindak sa kahit na sino. I really think that meeting her would somehow trigger those emotions that my son was trying to suppress. Maybe Daphne can make him somehow see his flaws and can make him question himself as an individual. Na hindi s’ya perpekto dahil mayroon pang mas nakakaangat sa kanya. Na darating ang isang tao na kayang-kaya na higitan ang mga achievements na nakuha n’ya. That’s why I was even more delightful when our co-teacher Alice told me about Quin’s problem about her daughter. Na namomroblema raw si Quin sa anak n’ya dahil sa sobrang talino nito ay nagkaroon na ito ng mga signs ng pagiging isang sociopath. That's why I thought of using the situation to resolve what we agreed to do in the past. Na kapag dumating ang araw na kakailanganin ni Quin ng pabor ay pagbibigyan ko s’ya sa kahit na anong gusto n’yang mangyari. And this is the right time to pay for the mistake that I made in the past. Though this might actually help my son, too and I will gain something from it. My wife and I decided to do it. Kaya naman nang pumayag s’ya sa gusto kong tulong na ibigay ay akala ko ay gusto n’ya lang akong gantihan. Pero sa nakikita ko, alam ko na ang gustong mangyari ni Quin. This is for the better and I’m pretty sure that outcome will somehow make a difference to our children. Bahagya akong napangisi nang makita ko ang gulat na reaksyon ng anak ko matapos na sagutan ni Daphne ang problem na ibinigay ko sa loob lang ng halos dalawang minuto. I purposely picked one of the hardest problems, that even Cian needs to thoroughly think about to actually solve. Lihim na napangiti ako. The shock on his handsome face was so noticeable that he almost forgot that he’s in front of his classmates and someone might actually see that. Ayaw na ayaw pa naman ng anak ko na may pinupuri. And with that… imposibleng hindi makuha ni Daphne ang atensyon n’ya. I watched how he tried to look in my direction. Patay malisya na nagkibit ako ng balikat. Hindi n’ya siguro lubos na akalain na mayroon akong estudyante na katulad ni Daphne. I grinned when I saw him stare at Daphne way too long! And that’s it, my son. You should be aware that there’s really someone who can actually defeat you. And she’s right there… confidently sitting right next to you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD