Prologue
PROLOGUE
“Seriously, Phoebe? Are you kidding me?”
Halos pasigaw ng angil ni Daphne sa bestfriend n’ya nang sabihin nito kung sino ang makakapartner n’ya sa entourage sa mismong kasal nito. She was having a truly great time in Canada after she graduated as an English teacher in Ontario when she called to inform her that she was getting married to her only cousin Tristan.
Alam n’yang masyadong in love ang mga ito noong High School pa lang sila, kaya kahit na hindi pa ito pinapayagan noon ng Ninong Fred at Ninang Robie n’ya na mag boyfriend ay palihim itong nakipag date sa pinsan n’yang si Tristan. She was actually shocked when she found out that her cousin was dating her best friend! Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang pinsan na yata n’ya ang pinaka huling lalaki na magkakagusto sa bestfriend n’ya! Phoebe was the exact opposite of Tristan’s ideal type and vice versa. Kaya naman kulang ang salitang ‘gulat’ nang aksidente n’yang malaman na palihim na nag de date ang mga ito.
Phoebe only gave her a cute smile and blinked her eyes as if she was trying to give her a puppy eye. Tumaas ang kilay n’ya at hindi makapaniwalang nagmartsa palapit dito para tingnan ang invitation na hawak hawak nito. She saw how Phoebe bit her lower lip when she finally handed her the invitation. Nagbababalang tiningnan n’ya ito habang binubuklat ang invitation na hawak n’ya. She gasped and almost stopped breathing when she confirmed it. No way! She can’t do this to her! She immediately caught her guilty eyes and sneered at her.
“I’m flying back to Canada tomorrow,” deklara n’ya at tumalikod pero hinarap din ito para ibalik dito ang invitation na hawak n’ya. “And I am also ending our friendship today, Phoebe. Just regards my greetings to my cousin.” Pinal na deklara n’ya at taas noong humakbang palayo dito pero sa gulat n’ya ay nagsalita muli ito.
“Alright,” sagot nito at eksaheradang nag buntong hininga kaya napatigil s’ya sa paghakbang. “Leave me when I need you the most, Daph. Sanay naman na ako. You also did the same thing four years ago and left without saying anything to me. Okay lang… sanay na ako.” She sounded so sarcastically annoying! Kaya naman nakasimangot na hinarap n’ya itong muli at nakita n’yang nakatungo ito habang marahang hinahaplos ang tiyan. Tumaas ang kilay n’ya at halos mamilog na ang mga mata nang makuha ang ibig iparating nito.
“You need me the most? Bakit? I am not the only one who can be your maid of honor, Phoebe. If you want I can ask-”
“I’m pregnant, Daph.” Deklara nito habang diretsong nakatingin sa namimilog na n’yang mga mata. Literal na hindi s’ya nakapag react dahil sa pagkabigla sa sinabi nito.
“Y-you’re bluffing,” halos hindi kumukurap na komento n’ya. Umiling ito at ilang sandali pang tumitig sa kanya bago tumayo at may kinuha saglit sa drawer nito. Ilang beses na napalunok s’ya habang hindi makapaniwalang sinusundan ito ng tingin. Sumulyap pa ulit ito sa kanya bago ito dahan dahang lumapit at ipinakita sa kanya ang tatlong piraso ng pregnancy test kit na pare parehong may dalawang kulay pulang guhit! She gasped and still couldn't process everything she heard from her.
“Are these… really yours?” Hindi pa rin makapaniwalang bulalas n’ya. Tumawa si Phoebe kaya napatingin na s’ya dito. She hugged her tight on the side. Hindi s’ya makahinga habang niyayakap s’ya nito. Kaya parang doon lang tuluyang nag sink in sa utak n’ya ang mga sinabi nito.
“Ang sabi mo magtatravel pa tayo together bago tayo mag-asawa ‘di ba?!” Naghihinampong sabi n’ya habang iniirapan ito. “Tapos nagpabuntis ka pa! Saan ba ‘yang Tristan na ‘yan? Naiinis ako sa kanya!” Bulalas n’ya. Ang lakas ng tawa nito nang marinig ang sinabi n’ya. Tumatawang niyakap s’ya nito at bumulong ng kung anu-ano. “God, Phoebe! You just turned twenty! You just both graduated from college! Ni hindi mo pa na e-enjoy ang pagkadalaga mo-”
“Did you come all the way from Canada just to nag at me, bespren?” Sarkastikong tanong nito. Pinalo n’ya ito sa braso at nakairap na nag martsa palabas ng kwarto nito. Naririnig n’ya pa ang tawag nito sa kanya habang tumatawa pero hindi n’ya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pagbaba sa hagdan. They were in a newly renovated house, na mukhang sadyang pina renovate pa ng mga Tito at Tita n’ya para sa pag aasawa ng pinsan n’yang si Tristan! Napairap s’ya sa kawalan. Ilang taon din s’yang nawala at hindi umuwi kaya sobrang dami ng nagbago. Even their house has improved a lot! Muntik na nga n’yang hindi makilala ang kwarto n’ya dahil sa sobrang laki ng ipinagbabago no’n.
Oh well…
Everything has changed and that includes her. Gone was the old Daphne who was almost a sociopath. She wasn’t insensitive anymore after taking some time alone in the States. Sa kauna unahang pagkakataon ay nagawa n’yang lumayo sa poder ng mga magulang at mamuhay ng wala ang pamilya n’ya sa tabi n’ya. She was blessed to live with her Tita Paye but she never controlled her. She was letting her decide for her life. Kaya kahit na nakatira s’ya sa poder nito sa Canada ay natuto s’yang maging independent. And she couldn’t be more proud of herself for achieving one of her goals.
“Babe! I’m home!”
Boses ng pinsan n’ya ang agad na nag echo sa buong bahay. Nag-angat s’ya ng tingin at mas lalong bumilis ang mga hakbang na bumaba sa hagdan. She smirked when she saw the shock in his handsome face when he saw her. Mas lalong lumawak ang ngisi n’ya.
“Hoy! Tristan Dela Vega!” Malakas na tawag n’ya at halos doblehin na ang mga hakbang pababa para lang malapitan ito kaagad at mabatukan. Tumawa ito nang tawagin n’ya sa buong pangalan.
“Oy! Daphne Labatete!” Ganting tawag nito sa buong pangalan n’ya. Napangiwi s’ya at nanliit ang mga mata. “Welcome back, Miss Campus Queen!” Natatawang salubong nito sa kanya. Just how many times did she warn him not to call her by her whole name?
“Sinabi kong ‘wag mo akong tatawagin sa buong pangalan!” Sita n’ya dito. “And how dare you impregnate my best friend? You ungrateful, selfish wretch!” Bulalas n’ya at agad na tinalunan ito at babatukan na sana pero agad na napatigil nang makita ang lalaking kakapasok lang. She was stunned for a moment when she caught his very familiar gaze.
Halos walang pinagbago ang itsura nito, except for the very obvious changes she was seeing with the way he was looking at her. Was he mad?
At bakit naman ito magagalit sa kanya samantalang ito ang may nagawang kasalanan sa kanya noon?
“Oh! Look who was reunited here!”
Masiglang boses ni Phoebe ang narinig n’ya sa likuran n’ya pero hindi s’ya nag abalang lingunin ito at gano’n din ang lalaking nasa harapan n’ya na nananatili ang matiim na titig sa kanya.
How long has it been again? Four years?
For the past years, she had forgiven her parents but she never forgot everything. And that includes him. Marcus Cian Ayson. He was her fiancé.
The guy who was partly the reason why she decided to leave the Philippines for good.