First Plan

1484 Words
PIO's POV "Pre, tawag ka ng asawa mo. Mukhang lagot ka na naman." Napatigil ako sa paglinga-linga sa paligid nang tapikin ni Fred ang balikat ko. "Ano? Paanong lagot? Linawin mo, Pre! ‘Wag ganun! Alam mo namang iba magalit si Quin eh!" Reklamo ko habang lumilinga pa rin sa paligid at kumukunot ang noo. Hinahanap ko kasi ‘yong anak ng Marco na mayabang na ‘yon. Balita ko kasi ay ngayon daw dadating ‘yon at classmate pa ng anak kong si Daphne. "Mas malalagot ka kung hindi ka pa pupunta ngayon!” patuloy sa pananakot n’ya pa kaya inis na napalingon na ako. Kung makapanakot itong si Fred ay parang hindi n’ya alam kung paano magalit sa akin si Quin! Inambaan ko s’ya ng suntok para lang linawin n’ya kung ano ang sinasabi n’ya. Napakamot naman s’ya sa batok bago nagsalita ulit. “Babe, ikaw na nga magpaliwanag d’yan!” sabi n’ya at saka lumapit pa sa gawi ng asawa n’yang si Robie. “Eh kasi naman, Pio! Sa limang araw na pasok, isang beses ka lang kasing hindi na-late sa klase at Friday pa ‘yon kung kailan wala kang klase sa umaga!" mabilis na sermon naman ng asawa n’yang si Robie. Napangiwi ako at frustrated na napakamot sa ulo dahil sa sinabi nila. Kung hindi pa ako kikilos ngayon ay baka mas dumoble pa ang galit ni Quin at baka hindi lang outside the kulambo ang gawin sa akin kundi outside the house pa! "Syet naman! Mamaya ko na nga ha-huntingin ‘yong anak ni yabang!” inis na sabi ko at saka agad nang nagpaalam sa kanila. “Sige na. Pupunta muna ko kay Quin. Alam ko namang miss n’ya lang ako—" "Anong sabi mo, Procopio? May sinasabi ka ba?!" Nahigit ko ang hininga nang marinig ko ang boses na ‘yon. Halos humingi na ako ng tulong sa lahat ng Santo at Santa na kilala ko dahil sa sobrang kaba! Sunod-sunod na napalunok ako bago pumihit at harapin s’ya. Hinanda ko rin ang sobrang gwapo kong ngiti para kahit papaano ay makalimutan n’ya ang galit n’ya. Aba! S’ya ba naman ang magkaroon ng ganito ka-gwapong asawa na lalong gumagwapo kapag ngumingiti? Hindi ba naman mawawala ang galit n’ya at mapapalitan ng kung anong init ng katawan? "Hi, Mahal! Kanina ka pa d’yan?” ngiting-ngiti na bati ko at agad na nilapitan s’ya at sinuri ang kabuuan. “Whoa! Sobrang ganda at sexy talaga ng asawa ko! Sigurado ka bang tatlo na ang anak mo sa akin? Bakit paranng mukha ka pa ring virgin—Aw!" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang mabilis na umigkas ang kanang kamay n’ya at piningot ako! Nakita kong sabay na napailing sina Robie at Fred habang nakatingin sa amin. "Sumunod ka sa akin sa office ko!" Mariing utos ni Quin nang bitawan ang tenga ko bago umirap at nauna na sa paglalakad. Napahawak ako sa tenga ko na piningot n’ya. Hayyyy! Ang sarap talagang magmahal ng asawa ko! "Sa office mo?! Mahal naman! Ano na namang gagawin natin sa office mo? May kama naman tayo sa bahay. Bakit kailangang sa office mo pa? Hindi mo na ba talaga kayang pigilan ‘yan at dito mo na gustong gawin—" "Isa!" Malakas na bilang n’ya at huminto sa paglalakad para tingnan ako ng sobrang sama. Ngumiti ako at nagpa-cute sa kanya. "Sabi ko nga po susunod na eh…" nagkakamot sa batok at nakangusong sabi ko. Nakita ko pang bumaba ang tingin n’ya sa mga labi ko bago tiningnan ulit ako at umirap. Napangisi ako. Gwapong-gwapo ka na naman sa mahal mo! Ilang sandali lang ay nasa opisina na n’ya kami. Seryosong humarap s’ya sa akin kaya napaayos ako ng tayo. Mukhang importante ang pag-uusapan namin dahil seryoso ang facial expression ni Quin. "Sabi ni Marco, mukhang threaten na rin si Daph sa anak n’ya at gano’n din si Cian kay Daph," agad na sabi n’ya habang umiikot paupo sa table n’ya. Kumunot naman ang noo ko at hindi mapigilang mainis dahil sa sinabi n’ya. "Nag-usap na naman kayo ng mayabang na Marco na ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Mahal naman eh! Sasapakin ko na talaga ‘yang Marco na ‘yan kapag nilapitan ka pa ulit!" inis na bulalas ko. Tinignan n’ya lang ako ng masama at humalukipkip bago tumayo para lapitan ako. Inis na napakamot ako sa tenga ko dahil sa nararamdamang frustrations. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay selos na selos ako sa Marco na ‘yon. Siguro ay dahil mula simula ay nakita ko kung paano s’ya minahal ni Quin at kung paano nasaktan si Quin dahil sa kanya. Sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari sa nakaraan ay parang gusto kong manapak na lang agad! "Para naman ‘yon sa anak mo na manang mana sa’yo kaya ‘wag kang mag-inarte d’yan ha, Procopio? Pinakasalan na nga kita at naka tatlong anak na tayo nakuha mo pang magselos d’yan? Anong gusto mo? Maka-apat ka pa para mawala ‘yang insecurity mo kay Marco?" nakataas ang kilay at tuloy-tuloy na sabi n’ya. Napatitig ako sa kanya at saka unti-unting nginitian bago tinaasan ng kilay. "Uyy! Si Mahal! Gusto pa talagang humirit ng isa. Para-paraan ha? Maka-segway lang sa akin—” napatigil ako sa pang–aasar sa kanya nang makitang gumalaw s’ya para pumulot ng kung ano sa table. Namilog ang mga mata ko at agad na umayos ng tayo. “Oh, oh, ‘wag ‘yan, Mahal. Masakit ‘yan!” pigil ko sa kanya nang umambang ibabato n’ya sa akin ang picture frame na may kalakihan! "Puro ka kalokohan, Procopio!" napipikon na sabi n’ya. Nilapitan ko naman s’ya agad at malambing na niyakap. "Sabi ko naman kasi sa’yo, Mahal... Ako na lang ang bahalang magpatino kay Daph. Basta ‘wag na ‘wag mo nang kakausapin ‘yung Marco yabang na ‘yon! Alam mo namang—" Napatigil ako sa pagsasalita at agad na napatitig sa kanya dahil sa ginawa n’ya. "Magseselos ka pa?" tanong n’ya matapos n’ya akong bigyan ng isang mabilis na halik sa labi. Napailing na lang ako dahil sa naging epekto sa akin ng halik na ‘yon. Alam na alam talaga ni Quin kung ano ang weakness ko! Nakakaasar na rin minsan na sobrang bilis kong bumigay pagdating sa kanya! Tumikhim ako at mabilis na bumalik na sa inuupuan ko at baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at bigla ko s’yang mahatak sa kung saan! "Next week na ang start ng campaign para sa SBO officers at alam kong kakandidato na naman si Daph bilang President," nakangising sabi n’ya. Kunot ang noong napatitig ako sa kanya. Sa paraan ng pagkakangiti n’ya ay alam kong may pinaplano s’ya para sa event na ‘yon. She'll be the happiest Mom kapag may nakatalo na sa anak namin. Ayaw kasi ni Quin na nasasanay si Daph na walang nakakatalo sa kanya. Nagiging aggressive na daw kasi ito at nakakalimutan ang maging humble. "Kakandidato rin ‘yung anak ni Marco ‘di ba?" tanong ko. Ngumiti na naman s’ya at hindi ko mapigilan na mapatitig sa mukha n’ya. Ang ganda talaga ng asawa ko. Parang habang nagkaka-edad ay mas lalong gumaganda eh! Tsk! "Yup. At dahil maganda ang mood ko, hindi na kita paparusahan dahil late ka na naman kanina," nakataas ang kilay na sabi n’ya. Napakamot naman ako sa batok. "Gosh, Pio! Utang na loob naman! Tigil-tigilan mo ‘yang pagpapa-late at nahahawa sa’yo ‘yang anak mo. Pag-uumpugin ko na talaga kayo!" dagdag na sermon pa n’ya. Ngumuso ako. "Kasalanan ko bang masyadong mana sa akin si Daph? ‘Yan ang parusa sa ginawa mong pagpapahirap sa akin noong naglilihi ka sa kanya! Hindi lang ka-gwapuhan ko ang namana—" "Pati pagiging babaero mo!” pagpapatuloy n’ya sa sinasabi ko kaya natahimik tuloy ako. “Naku, naku! Tatamaan ka talaga sa akin, Procopio, kapag napariwara ‘yang anak mo dahil sa kabilaang pambababae mo noon!" banta pa n’ya. Masyado kasing mapaglaro sa mga lalaki si Daph at natatakot si Quin na baka may manamantala sa kanya. Mahirap na dahil babae pa naman s’ya. "Subukan lang nilang kantiin si Daph at makakatikim sila sa akin,” sabi ko. “Pati ‘yong anak ng hambog mong ex hindi ‘yon makakalampas sa akin. ‘Wag lang n’yang liligawan si Daph kundi..." "Kundi ano?" taas ang kilay na tanong n’ya. "Tatay n’ya ang babanatan ko…" sagot ko at dali-daling lumapit sa pinto, just in case na mabatukan ulit ako o mabato ng kung anu-ano ‘di ba? Boy Scout yata 'to! "Oh, eh ba't ka lumalayo ka sa akin?" nakataas ang kilay na tanong ni Quin. Nginitian ko lang s’ya ng sobrang tamis bago sumagot. "Bye, Mahal.. Love you. Mwahh mwahh tsup tsup. Ngasab-ngasab!" kwelang sabi ko sabay labas ng opisina n’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD