DAPHNE's POV
Kasalukuyan kaming nandito sa star section ng first year para sa campaign ng SBO election. We were instructed to start the campaign in the lower years. May mga kinuha rin akong representatives sa mga lower year para sa partido namin. Sa totoo lang ay mas madaling turuan at mabilis mapasunod ang mga nasa lower year kaya halos mga bata ang nasa partido ko. Ilan lang kaming Senior sa napili kong grupo at para sa akin ay mas maayos ang line up namin kahit halos sa grupo ni Cian ay mas lamang ang mga seniors.
Matapos ipakilala ni Cian ang mga ka-partido n’ya ay isa-isa silang nagsalita. Kanina pa tumataas ang kilay ko dahil ang napili n’yang secretary ay walang iba kundi si Stracy. I wonder if she even knew what her responsibilities would be? Ni hindi ko nga s’ya nakitang nag-take down ng sariling notes sa klase dahil palagi s’yang mayroong tagasulat para sa kanya. What a disaster! SBO would be in complete distress if she wins this election. That’s for sure!
Walang kakandidatong vice president ngayon dahil kung sino ang matatalo sa aming dalawa, that will automatically be the vice president.
Narinig kong tumawa ng mahina si Phoebe kaya napalingon ako sa kanya. She will be my secretary and she’s really good at this. Aside from being the second to the most intelligent in our batch, she’s really hard working and deserving for the position. Hindi ko nga alam kung bakit palagi n’yang tinatanggihan na maging vice president ko kahit na wala namang ibang deserving kung hindi s’ya. I crossed my arms and looked at the speaker in front.
Stracy is currently in front and trying to introduce herself. My nose crinkled at the sight of her. Abot ang hawi n’ya sa bangs n’ya habang nagpapakilala at paulit-ulit ang mga sinasabi. I heaved a sigh and rolled my eyes while looking at Cian’s side.
Geez! Pagpili pa nga lang ng members, sablay na! Duh?! Paanong magiging matinong leader ‘yan?
“Akala yata ni Stracy muse ang posisyon na tinatakbuhan n’ya,” Phoebe commented again. “Tsaka mabuti na lang hindi nauubos ang pangalan nina Ma'am Mel at Sir Jessie, ‘no? Palagi kasing ginagamit ni Stracy eh!” natatawang habol pa n’ya habang pinapanood ang nagsasalitang si Stracy. I shook my head and smirked.
Seriously? Anak ba talaga s’ya ng isang English teacher at isang Physics teacher? Saang banda kaya napunta lahat ng talino ng mga magulang n’ya? Tsk!
Natapos ang pagpapakilala ni Stracy na halos wala naman s’yang nasabi at wala akong naintindihan sa kahit anong sinabi n’yang plataporma ng grupo nila. Tsk! What a mess! Nawala ang tingin ko sa kanya nang magpalakpakan ang mga estudyante nang pumunta sa harapan si Cian. Umayos ako ng tayo at umangat ng todo ang kilay nang makita kong ngumiti s’ya sa mga estudyante.
What the hell is this? Is he trying to use his looks to get the students' attention, especially girls? Whoa!
Confident na confident s’yang nagpakilala at never n’yang binanggit na anak s’ya ng teacher na lalong nagpataas ng mga kilay ko.
The guts of this guy, huh?
And in fairness to him, magaling s’yang magsalita. Kahit nga si Zeth na hindi naman mahilig makinig sa mga ganyan ay nakita kong matamang nakikinig sa kanya. He is consistent with his words and his platforms are clear. Mukhang alam na alam din n’ya at pinlano ang mga plataporma n’ya para sa school kaya hindi ko maiwang mamangha kung paano s’ya nakapag observe sa loob lang ng isang linggo.
This guy is really something.
Nagulat na lang ako nang hatakin ako ni Phoebe kaya napatingin ako sa kanya at sa harapan na wala ng tao. Tapos na pala s’yang magsalita at kasalukuyan nang nagpapalakpakan ang mga estudyante. I shook my head and tried to focus on what I was about to say.
“Ang galing n’ya ‘no?” narinig kong bulong ni Phoebe. Kumunot ang noo ko. “Kahit ikaw napatunganga d’yan eh!” nakangising bulong n’ya sa akin habang abot tenga ang ngiti. Lumabas na ang grupo nila Cian at kami naman ang sumunod na pumasok. Nakita kong nakangisi sa akin si Stracy.
The guts of this good for nothing biach!
Inirapan ko lang s’ya at nakakalokong binulungan pa nang mapatapat s’ya sa akin.
“How could you smile like that when you sucked at your speech and didn't even help your group to earn good impressions from the students?” I whispered and smirked at her.
Kitang-kita ko ang pagkapawi ng ngiti n’ya at pag-iiba ng kulay ng mukha n’ya. I grinned as I confidently walk inside the classroom.
My group was almost done with the campaign when I decided to excuse myself to go to the bathroom. Kanina pa tapos ang grupo nila Cian at mukhang hindi na sila bumalik sa classroom dahil malapit na rin naman ang lunch break.
I was walking along the hallway when I overheard someone talking. Napatigil ako sa gagawing pagliko papunta sa bathroom. Medyo gumilid ako ng konti sa pader para hindi na sana maka-istorbo sa mga nag-uusap.
“Anong naisip mo at sumali ka sa SBO election, Strace?!” narinig kong tanong ni Ma'am Melissa. I immediately stopped walking.
So, she's talking to her b*tchy daughter, huh? And she's against her daughter joining the SBO election? Dapat lang dahil hindi naman s’ya bagay sa position na ‘yon! Even her Mom knows that fact.
“Because I want to, Mom! Aren't you at least proud of me? Magiging secretary na ako ng SBO at-”
“And then what, Strace?! Para malaman ng lahat ang mga weaknesses mo at mapahiya kami ng Daddy mo? Is that what you really want? To disgrace us?!” galit na sumbat n’ya sa anak. Tumaas ang kilay ko sa iritasyon na naririnig mula sa Mommy n’ya. “And one more thing, Strace! Hindi ka mananalo sa anak nina Robie, tandaan mo ‘yan. Ano ka lang ba kung ikukumpara sa kanya? She’s always second to Daphne! Hindi pa ‘yon active sa extra curricular activities. Academics pa lang ay kaya na n’yang pumangalawa kay Daph. So, anong laban mo kay Phoebe?” dagdag pa n’ya.
Well, she's right though! Hindi lang pang secretary si Phoebe dahil kaya rin n’yang mag-act as President ng Student council. She's my best friend and I know her abilities.
“But, Mom! Mapapahiya na naman ako sa Daphne na ‘yon kapag nag-back out ako! Makikita n’ya! Gagawin ko ang lahat para hindi na s’ya manalo ngayong taon!” sigaw pa ni Stracy at biglang tumakbo palayo sa Mommy n’ya.
Narinig ko na lang nang tawagin pa s’ya ni Ma'am Mel pero hindi na 'to nagpatinag at tuloy-tuloy lang sa pagtakbo palayo.
Nagkibit-balikat lang ako at tumaas ang kilay.
As if naman na kaya nila akong talunin. Dream on, b*tchy Stracy!