THE PRESIDENT’S PRINCESS
Phenomenal Bromance Novel by: Joemar Ancheta
CHAPTER 4
Pabagsak na isinara ni Airish ang pinto ng kaniyang kuwarto. Wala siyang pakialam kung ikinagulat iyon ng ilang PSG na noon ay nakatayo sa pasilyo. Kumukulo ang dugo niya sa Mr. Sandoval na iyon. “Ang yabang-yabang ng tingin niya. Akala mo kanina kung sino!”
Humiga siya sa kaniyang kama na hindi nagpapalit ng damit o kahit nagtanggal man lang sana ng sapatos. Pumikit siya. Hinilot niya ang kumikirot niyang sintido kasunod ng pagpapakawala niya ng malalim na hininga.
Madaling araw na kasi siya nakauwi mula sa gimik nilang magbabarkada. Hindi pa nga siya nakakatulog ng mahaba-haba nang maaga siyang ginising ng Mommy niya para i-remind siyang kailangan niyang pumunta sa office ng Daddy niya tungkol sa naging usapan nila nang nakaraang araw. Pakiramdam nga niya hindi pa tuluyang nawawala ang pagkalasing niya. Ngayon lang naniningil ang alak sa pagpapakasasa niya dito kagabi. Pagbukas niya ng kaniyang mga mata ay kaagad niyang nakita ang litrato ng Presidente ng Pilipinas niyang ama. Naglakbay ang kaniyang diwa sa nakaraan. Kasabay iyon ng muli niyang pagpikit ng kaniyang mga mata.
Hindi niya alam kung kanino siya maiinis at magagalit kasi napakalaki na ng ipingabago ng buhay niya, ng buhay nilang pamilya. May tinuturing nga siyang Daddy ngunit pakiramdam niya, nakikihati lang siya ng katiting na oras nito sa malaking porsiyentong panahon nito sa buong bansa. Magpasalamat na siya kung matapunan niya sila ng kakarampot nitong oras. Hindi niya alam kung paano natanggap ng dalawang kapatid at ng Mommy nila ang ganoong set up ng kanilang buhay.
Maaring kinaiinggitan siya ng karamihan dahil galing siya sa kilalang angkan ng mga pulitiko. Oo nga't hindi niya naranasang dumaan sa kahit anong hirap ng buhay. Nang ipinanganak siya ay para na siyang Prinsesa dahil lahat ng kakailanganin niya o kahit mga ka-pritso lang ay madali sa kaniyang makamit. Ngunit hindi nila alam na hindi lang naman material na bagay ang nagpapasaya at nagpapakumpleto sa buhay ng isang tao. Higit niyang hinangad ang simple lang at sana ay anng madalas sanang buong pamilya. Simple lang naman din kung tutuusin ang kailangan niya bilang isang normal na bata, iyon ay ang maibalik ang kinasanayan niyang atensiyon at panahon ng kaniyang ama. Bata pa kasi siya nang huling nakasama niya ang Daddy niya tuwing may school activities. Musmos pa siya nang nakakasabay niya ang Daddy niya sa pamamasyal, paglalaro at kahit simpleng panonood lang ng TV. Sinanay siyang naroon lagi ang Daddy niya ngunit nagbago ang lahat nang naisipan nitong maglingkod sa bayan. Doon na nagsimulang nawala sa kanila ang dati ay buong oras at pagmamahal ng kaniyang Daddy. Nagkaroon nga ng tapat, responsable at mahusay na tagapaglingkod at Pangulo ang Pilipinas ngunit kapalit naman no'n ang pagkawala ng kaniyang ama sa kanilang pamilya.
Bumangon siya at umupo siya sa gilid ng kaniyang kama. Binuksan niya ang drawer at nakita niya doon ang kumpul-kumpol niyang mga medalya noong Elementary at High School siya. Huminga siya ng malalim. Isa-isa niya iyong pinagmasdan. Ni isa yata sa mga medalyang hawak niya ay hindi nagawang isabit ng Daddy niya sa kanya. Maraming mga pangakong napako. Maraming mga araw na umasa siyang darating ito, maraming beses na napako ang mga pangako at hindi na niya narinig pa ang katagang, “proud na proud ako sa mga karangalang nakakamit mo anak.”
Yung madalas nitong sinasabi na “hahabol ako”, “pupunta ako” o “mahihindian ko ba naman ang Prinsesa ko?” Lahat ng mga katagang iyon ay puro paasa. Walang Daddy na dumadating. Ang laging idinadahilan? “Busy sa office”, “May biglaang meeting”, “Marami an gang nangangailangan ng tulong,” o “kailangan kong unahin ang taong-bayan.” Inagaw na ng Pilipinas ang Daddy niya sa kanya. Salat na salat na siya ng pagmamahal at ang pag-ibig na lang sa bayan ang pinakamahalaga sa isip at puso ng Daddy niya. Muli niyang kinumpol ang mga medalya at ibinalik sa lagayan nito.
Hinubad niya ang sapatos niya at itinabi iyon sa nakahilera pa niyang mga sapatos. Kumuha siya ng tuwalya ngunit napansin niya ang naka-frame na picture nilang pamilya sa taas ng kaniyang maliit na aparador. Hinawakan niya iyon at nag-init ang paligid ng kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang litrato.
Noong Congresman at Senator pa lang ang Daddy niya, kahit papaano ay nakakabakasyon pa sila ngunit madalas na siyang hindi napapansin. Hinahanap niya kasi yung samahan nilang mag-anak noong simple at payak pa ang kanilang buhay. Naging consistent honor student siya noon ngunit Mommy lang niya at mga kapatid ang nakapansin sa kaniyang katalinuhan, ang daddy niya madalas tulog na siya kung umuuwi ito at paggising niya sa umaga ay nagmamadali ring aalis dahil sa out of town engagements nito o kaya kung may mga sakuna at maraming kailangang tulungang tao. Daig pa nga yata ng Daddy niya ang pinagsama-samang sina Superman, Spiderman at Batman kung magligtas ng kababayan ngunit sarili niyang mag-isang babaeng anak ay napababayaan. Kulang na nga lang yata na tumira siya sa Senado.
Dahil mukhang wala namang mangyayari kung magiging ordinary intelligent student lang siya ay naisipan niyang sumama sa agos ng buhay ng ibang mga kabataan. Nagsasawa na kasi siya sa pagiging mabuting anak. Naboboring na siya sa buhay na school at bahay lang na madalas wala naman ang Mommy o Daddy niya na naabutan niya sa bahay dahil nga abala silang pagsilbihan ang bayan at hindi ang mismong pamilya nila.
Ang resulta, noong High School na siya, napadalas ang pagsama-sama niya sa mga barkada. Kasabay ng pagtaas ng posisyon ng kaniyang ama ang pagkalihis naman ng kaniyang landas. Mabuti pa nga ang mga barkada niya dahil sa tuwing nagtetext o tumatawag siya na kailangan niya ng makakasama at mangako silang darating sila ay lagi silang naroon ngunit ang mismong Daddy at Mommy niya, kailangan pa yata niya ng appointment para harapin siya. Hanggang sa wala na siyang ganang pumasok pa sa school. Natuto na rin siyang manigarilyo, uminom ng alak sa mga bar at umabot din sa sukdulang gumagamit na din sila ng droga. Noon lang siya napansin ng kaniyang Daddy. Noon lang niya nakuha ang atensiyon nito ngunit akala niya, daddy niya ang mag-aadjust para sa kaniya. Mabibigyan na siguro siya ng sapat na panahon para patinuin. Sana magigising ang Daddy niya sa katotohanang, paano niya mapapatakbo ang bansa kung ang mismong anak niya ay hindi kayang patinuin?
Inilibot niya ang paningin sa kuwarto. Nakita niya ang mga isang malaking travelling bag. Naempake na pala nila ang mga damit niya para sa kaniyang immersion. Pagbibigyan niya ang Daddy niya kapalit ng muli niyang kalayaan. Wala namang bago, heto at para lang siyang tuyong dahon na sasama kung saan ang buga ng hangin. Hinaplos niya ang travelling bag. Muli siyang napaisip.
Nagkamali siya sa akala niya na kung malaman ng Daddy niya na napapasama na siya sa maling barkada ay muli na niyang makukuha ang atensiyon nito. Hindi niya akalain na mas lalala lang pala ang sitwasyon. Tuluyan siyang inilayo sa kanyang Daddy at Mommy. Isinabay siya ng kuya niya na mag-aral sa US. Doon na raw rin siya mag-aaral. Nangyari iyon dalawang taon bago tatakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas ang kaniyang ama. Labag man sa kalooban niya ay wala rin siyang nagawa. Pakiramdam niya ay inilayo siya dahil ayaw ng Daddy niya na madungisan ang pangalan niya dahil sa pagkakaroon niya ng anak na katulad niya. Pinag-aral siya sa US at pagkaraan ng ilang taon din, nang kasalukuyan na itong Pangulo ay saka siya pinabalik sa Pilipinas. Kung kailan siya nasanay sa bansang iyon ay saka naman siya ngayon pinababalik na parang ganoon lang sa kanilang diktahan ang buhay niya. Mahirap na sa kaniyang iwan ang US dahil doon na kasi niya naranasang maging malaya. Dahil walang nakakakilala sa kaniyang anak ng Pangulo ng Pilipinas maliban sa malalapit na kamag-anak at kaibigan ay nagagawa niyang maranasan ang mga bagay na malayong magawa niya sa bansang kinalakhan. Sa US, hindi din niya kailangang sumama sa Daddy niya at magmukhang anghel sa harap ng mga taong naghahanap ng ihuhusga o kapintasan sa kanilang pamilya.
Hinubad niya ang suot niyang white dress. Tanging undies na lang ang iniwan niya sa kaniyang katawan. Tinungo niya ang banyo. Kailangan niyang maligo sa maligamgam na tubig. Hinubad na niya ang lahat. Wala siyang iniwang kahit anong saplot sa katawan. Napakislot siya dahil malamig na tubig ang unang tumama sa hubad niyang katawan ngunit dahan-dahan ding uminit ang ibinubuga ng shower. Habang sinasabon niya ang hubad na katawan ay naisip niyang hindi na siya karapat-dapat pang bahagi ng iginagalang na first family. Lalo lang kasi siyang nalugmok sa kasalanan kung maituturing nga bang kasalanan ang pakikipaghalikan sa iba’t ibang lalaking nagugustuhan. Hanggang halikan lang naman iyon. Minsan hinahawakan siya sa maseselan niyang bahagi n katawan ngunit hanggang doon lang iyon noon. Hindi niya pa kayang makipagtalik lalo na kung hindi naman talaga niya gusto at mahal ang lalaki. Ngunit kahit ganoon pakiramdam niya napakarumi pa rin niyang babae. Pinagmasdan niya ang katawan sa salamin.
Maganda pa rin naman siya, makinis, maputi, seksi at mukhang anghel. Isa pa, galing siya sa kilala at respetadong pamilya. Hindi mahirap para sa kaniya ang magpalit ng boyfriend. Ilan na bang lalaki ang sinagot niya para lang takasan lang ang hindi niya mawaring kakulangan at kalungkutan sa kanyang pagkatao. Dala ng pagiging mabarkada niya noon ay hindi na nga yata niya mabilang ang mga lalaking nakahalikan at kapag hindi na niya gusto o kapag ramdam niyang p********e lang niya ang habol ng mga ito, hinihiwalayan na niya agad. Hindi siya tanga para ibigay na lang niya basta-basta ang kanyang virginity. Oo nagrerebelde siya pero hindi siya b***h. Ngunit nagmumukha siyang ganoon dahil sa papalit-palit siya ng boyfriend. Umaasa n asana may isang magpapatino sa kanya, na sana may magpapasaya at magpapabago sa kanyang outlook sa buhay, pero wala. Walang dumating. Wala siyang naramdamang pagmamamahal. Pakiramdam niya gusto lang ng mga ito ang maka-score kaya’t hindi niya naramdaman ni minsan ang sinasabing pag-ibig.
Sa kabila ng halos gabi-gabi niyang pagsama sa mga barkada, naroon pa din kasi ang lungkot at at atensiyon na hindi niya makuha. Nagumon na siya sa gawaing ganoon. Hinahanap na ng kanyang sistema. Hindi na siya mapakali kung nakukulong lang siya sa loob ng kuwarto. Gusto niyang uminom. Gusto niyang magwala. Kaya nga noong nasa US na siya ay nagkaroon na siya ng pagkakataong subukang pagbigyan ang hilig ng katawan. Lahat ginawa niya maliban sa s*x. Gusto niyang magpakasasa, magpakabaliw sa saya sa mga parties.
Hindi na siya isang Prinsesa ng Daddy niya. Isa na siyang pakawalang nagrerebeldeng anak ng Presidente. Hanggang sa may isang lalaking dumating sa buhay niya. Kaklase niya noong college na siya sa US si Bobby. Isang guwapo at marunong sa Tagalog na Filipino-American Citizen. Matangkad, malaki ang katawan at varisty sa kanilang school. Sikat ito sa buong campus dahil sa pagiging gwapo nito. Dahil walang magawa, niyaya niya ito ng inuman sa kaniyang kuwarto. Pinalabas niya na nag-imbita siya ng ng iba ngunit ang totoo ay sila lang talagang dalawa. Wala ang kuya niya noon dahil nagbakasyon sa Pilipinas kaya malaya nilang naipasok ang alak. Inimbita niya si Bobby dahil sa totoo lang ay matagal na talaga niyang crush ito. Hindi lang niya alam kung paano dumiskarte dahil nauunahan siya ng kaba at hiya ngunit madalas siyang nahuhuli ni Bobby na nakatitig sa kaniya. Paniguradong alam na ni Bobby na gusto siya nito. Hindi kasi siya kagaya ng ibang babaeng conservative. Siya kasi yung tipo ng babae na kung gusto niya, gusto niya. Hindi na siya mag-iinarte, hindi magpatumpik-tumpik. b***h na kung b***h but still virgin!
Nang nakaisang bote na sila ay biglang naghubad ng jersey si Bobby dahil naiinitan daw ito kahit malakas naman ang buga ng aircon. Tatayo sana siya noon para hinaan ang aircon ngunit hinawakan siya sa braso. Inilapit ni Bobby ang bibig nito sa kaniyang mukha.
Nanginig siya.
Nanlamig.
Kinabahan sa kung ano ang susunod na mangyayari. Oo, sanay siya sa lalaki ngunit sa puntong iyon, alam niya, may ibang dating. May kuryenteng dumaloy sa kanyang sistema. Nagkakagusto na ba siya? Nagmamahal?