CHAPTER 5
Pinalabas niya na nag-imbita siya ng ng iba ngunit ang totoo ay sila lang talagang dalawa. Wala ang kuya niya noon dahil nagbakasyon sa Pilipinas kaya malaya nilang naipasok ang alak. Inimbita niya si Bobby dahil sa totoo lang ay matagal na talaga niyang crush ito. Hindi lang niya alam kung paano dumiskarte dahil nauunahan siya ng kaba at hiya ngunit madalas siyang nahuhuli ni Bobby na nakatitig sa kaniya. Paniguradong alam na ni Bobby na gusto siya nito. Hindi kasi siya kagaya ng ibang babaeng conservative. Siya kasi yung tipo ng babae na kung gusto niya, gusto niya. Hindi na siya mag-iinarte, hindi magpatumpik-tumpik. b***h na kung b***h but still virgin!
Nang nakaisang bote na sila ay biglang naghubad ng jersey si Bobby dahil naiinitan daw ito kahit malakas naman ang buga ng aircon. Tatayo sana siya noon para hinaan ang aircon ngunit hinawakan siya sa braso. Inilapit ni Bobby ang bibig nito sa kaniyang mukha.
Nanginig siya.
Nanlamig.
Kinabahan sa kung ano ang susunod na mangyayari. Oo, sanay siya sa lalaki ngunit sa puntong iyon, alam niya, may ibang dating. May kuryenteng dumaloy sa kanyang sistema. Nagkakagusto na ba siya? Nagmamahal?
"Wanna have fun?" bulong iyon ni Bobby sa kaniya at naamoy niya ang kahit amoy alak ay nangibabaw pa rin ang mabango nitong hininga.
"What sort of fun?" garalgal niyang tanong.
"SEX." Malinaw at nakakalibog ang pagkasabi no'n sabay nang halos magkadampi na ang kanilang mga labi. Nag-iinit na siya noon at bumibigay na ang natitira niyang lakas para pigilan ang sarili.
Hindi na niya nagawang sumagot pa. Mainit ang naging halikan nila. Kumilos ang kanilang mga kamay para hubarin ang kanilang mga suot sa katawan ngunit kahit abala ang at nagmamadali ang kanilang mga kamay ay hindi na tumigil ang kanilang mainit na halikan. Nangyari ang isang p********k. Unang karanasan niya iyon. Oo b***h siya ngunit hindi siya nagpapagalaw. Hanggang halik lang, until that time na nangyari na lang at ganoon lang niya kabilis ibinigay. Ramdam niya yung kakaibang sarap. Sarap na malayo niyang inisip na pwede pala. Nandoon kasi yung kakaibang init. Yung buo ang loob niya at walang takot habang ginagawa iyon at nang maabot nila ni Bobby ang rurok ng pagsinta ay noon na niya nasabi ang sarili na kaya pala niyang ibigay ang p********e.
Ang minsang iyon ay naulit pa ng madalas hanggang sa nagustuhan na niya ang bagong mundo. Malaya siyang makipagkita o makipagsex kay Bobby. Walang takot na maaring makita siya ng ibang tao o kaya ng mga reporter sa TV o radio na siyang ikasisira ng pangalan ng kaniyang ama. Hanggang ang trip lang nilang s*x ay hindi na iyon ang hanap lang niya. Gusto na niyang malevel-up ang sa kanila ni Bobby. Mahal na mahal na kasi niya ito at ayaw niyang hanggang s*x na lang ang turingan nilang dalawa.
Katulad din lang niya kasi si Bobby, isang happy go lucky. Naghahanap ng mapaglilibangan. Gusto nito ang party lang, happy at no string attached. Kaya siya nasasaktan dahil alam niyang mahirap yata siyang mahalin at irespeto ng kagaya ni Bobby lalo pa’t nakilala siyang ganoon na babae. But damn it! Virgin siya nang nakuha siya nito. Patunay na hindi siya kagaya ng iniisip nito.
Hanggang sa dumating sa puntong, hinahanap na niya ang halik at galing sa pakikipagtalik ni Bobby. Unang karanasan kasi niya kaya akala niya si Bobby na ang unang magiging formal niyang karelasyon. Ang lalaking una at kung maari ay huli na niyang mamahalin. Kaya nga nang dumalaw ito sa pad niya at hubad na silang dalawa para sa isang mainit na namang p********k ay nagsabi siya ng kaniyang nararamdaman. Naisip niya kasing panahon na para malaman ni Bobby na gusto na niyang maging sila. Bahala na kung ano ang tingin sa kanya ni Bobby ngunit hindi na niya ito mahintay pa na ligawan siya nito. Ayaw na niya yung hanggang ganito na lang sila.
"I love you Bob. Sana tayo na lang?"
"Wait, what did you just say?" inilayo nito ang labi niya sa kaniya. Halatang nagulat sa narinig.
Salubong ang kilay. Kunot ang noo.
"Sabi ko, mahal kita. Kung puwede lang sana nating gawing formal na yung pagigig tayo?"
"Tayo? What the f**k Ash! Walang tayo. Hindi kailanman maging tayo. I admit, the s*x that we often had was superb but it doesn't mean anything! Hindi kita kayang mahalin at di ako puwedeng patali sa iisa. I am still enjoying my youth!" sagot nito.
Tumayo na siya mula sa pagkakadagan sa kaniya at kitang-kita pa niya ang tuluyang paglambot ng kanina ay galit na galit nitong p*********i.
“Bobby babae ako. You knew that you were my first. Kaya hindi ako maruming babae para makuntento sa ganito lang!” huminga siya ng malalim. Frustrated. “"So that's it? Kahit mahal na mahal na kita, we will just be a f*****g buddies hanggang magsawa tayo sa isa't isa? Ganoon lang ba ang gusto mong mangyari?"
"Not anymore, Ash. We are not be doing this anymore. Ayaw kong nahahaluan ng emosyon ang ginagawa nating ganito. It will spoil all that we have. I tell you, when emotion comes in in this kind of relationship, I assure you that it will complicate everything. Kaya bago pa lumala ito, dapat nang tinatapos." Mabilis nitong isinuot ang boxer short at pantalon.
"What? You can't do this to me! Kung ayaw mong maging tayo, fine, we can still be friends naman di ba?" hinawakan niya si Bobby sa braso.
"No! We need to end this now! I already had a lot of these before at alam ko na ang kalalabasan nito. We will just be hurting each other. Ayaw kong may emotional attachement sa mga ganitong pinapasok ko. I supposed you also did enjoy our s*x and that's it. Hanggang do'n na lang tayo." Mabilis nitong isinuot ang t-shirt saka na nagmamadaling umalis.
Naiwan siya noong napaluha sa sakit. Tama. Noon niya nalaman na kahit gaano kaganda, kayaman o kasikat ang isang tao ay mararanasan din pala niya ang rejection. Iyon ang nagmulat sa kaniya noon, na hindi lahat ay kaya niyang makuha. Na hindi dahil maganda siya, mayaman at galing sa kilalang angkan ay may karapatan na siyang umiwas sa mga sakit na likha ng pagkabigo.
Sinikap niyang ayusin ang lahat. Mahirap, kasi wala siyang pamilyang dadamay sa kung anong pinagdadaanan niya. At kahit kasama pa niya ang Tito at Kuya niya roon sa US ay hindi din naman niya masabi kung bakit siya nalulungkot at nasasaktan. Gusto niyang mapanatili sa isipan ng buo niyang pamilya ang pagiging independent.
Sa tuwing ipinagtatabuyan siya ni Bobby ay lalong tumitindi yung sakit na likha ng pag-ibig. Nang iniyakan niya ito ay sinabi niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi na siya muli pang magmamahal. Hindi na niya hahayaan ang sariling mahulog pa sa lalaking iresponsable at walang paninindigan. Kaya nang una, natuto siyang maglaro, makipagsabayan sa mga katulad ni Bobby. Ngunit nasa puso na niya si Bobby. Hindi siya nawawala sa kaniyang puso. Hindi lang niya alam kung hanggang kailan mananatili iyon pero alam niyang wala nang hihigit pa sa nararamdaman niya. Ilang luha din ang sinayang niya, ilang pakiusap din kay Bobby ang pinagdaanan niya. Kulang na lang ay magmakaawa siya para mahalin siya nito. Ramdam niya kasing nasaktan lang din noon si Bobby sa una din nitong karanasan sa pag-ibig at natatakot siyang magmahal muli. Natatakot itong mahalin ang kagaya niya dahil akala siguro ni Bobby ay hindi siya malinis na babae. Na dahil party goer siya ay pakawala na rin ito.
Batid niyang ang yakap at halik ni Bobby sa kaniya ay sigurado siyang totoo iyon, alam niyang mahal din siya ng lalaking pinangarap niya. Hindi lang niya batid kung kailan tuluyang palayain ni Bobby iyon sa kaniyang puso ngunit handa siyang maghintay. Hindi kasi siya kayang tiiisin din nito. Nagkikita pa din sila pagkaraan ng ilang buwan na sinabi nitong tapusin na ang kanilang ugnayan. Iyon ang pinanghahawakan niya ngayon. Hihintayin niya ang pagkakataong iyon lalo pa't nagsabi din si Bobby noong paalis siya ng US na sana makaya pa niyang maghintay. Na sana magkikita pa silang muli at kung mangyari iyon, siguro nga ay silang dalawa ang itinadhana. Kaya siya babalik muli sa US para kay Bobby. Sa mga text at tawagan nila ay alam niyang mas lumaki na ang posibilidad na magiging sila. Gagawin niya ang immersion na ito para kay Bobby, para sa muli nilang pagkikita.
Ngunit paano kung ang immersion na ito pala ang siyang tuluyang lalong magpapalayo sa kanila ni Bobby? Paano kung ang inaakala niya kaaway at hindi makakasundo ang magtuturo sa kanya sa bagong pag-uugali at magpaparamdam ng tunay na pag-ibig na hindi niya inakala. Na ang isang hamak na PSGo bodyguard lang pala ang sa kanya ay magpapatino.