MALDITA

2241 Words
CHAPTER 3   Bago mailapat ni Justine ang kaniyang panyo sa puting dress ng maputi, maganda, sopistikada at seksing first daughter ay mabilis nitong tinabig ang kamay niya. Tuluyan nang binuksan ng First Daughter ang bahagyang bukas na take-out cup na kape na hawak niya saka niya mabilis na isinaboy din sa damit ni Justine. Nagulat siya sa sumunod na nangyaring iyon. Tumulo ang mainit na kape hanggang sa kaniyang pantalon at halos mapaso siya sa init ng kape na dumikit sa kaniyang katawan. Napakagat labi siya sa poot ngunit ano nga bang magagawa niya kundi pigilan ang sariling magalit. Alam niyang palaban at may kagaspangan ang ugali ng laki sa layaw na anak ng Presidente ngunit hindi niya lang napaghandaan na kaya niyang gawin iyon ng harap-harapan sa mismong office ng nirerespeto ng lahat na Daddy niya. "Okey, that's it. Paano patas na?" nakataas ang kilay ng First Daughter. "Hindi ko ho sinadya yung pagkabangga ko sa inyo, ma’am." "Ma’am? Mukha ba akong titser mo? "Yes, Miss. Sorry Ma’am ay Miss pala,” halatang nauutal pa siya. “Sorry po.” “Sorry? But just the same, natapunan mo pa rin ang damit ko, right? So what’s the difference if you say sorry?" “Hindi ko ho kasi sadya yung sa nangyari Miss. Sa inyo kasi…” "In that case, I just can't accept a simple sorry, kaya para patas, dapat maramdaman mo rin yung naramdaman kong natapunan ng kape ang damit." sarkastik niyang tinanggal ang salamin nito. Lalong lumabas ang kagandahan ng mukhang inosente ngunit halimaw na ugali ng First Daughter. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ng nagulat na si Justine. Napalunok si Justine. Huli na para ilayo sana niya ang kaniyang mukha dahil narinig niya ang bulong nito. "Kung may reklamo ka, you can just hit me. Okey lang, pero hindi ako basta-basta di gaganti. Hihigitan ko ang lahat ng gagawin mo sa akin. And you will be fired for sure." maldita nitong bulong. Naamoy ni Justine ang amoy-alak na hininga ng babae na kung titignan ay aakalain ng lahat na isa itong napakabait at santang dalaga.” "Hindi talaga pwedeng pagkatiwalaan ang ganda ng isang tao," naisip ni Justine, "Hindi Miss. Hindi ako gano'n. Hindi ako nanakit. Kung gano'n kayo, iba ako." sagot ni Justine sa ibinulong sa kaniya kanina ng First Daughter. "Marunong akong rumespeto ng tao. Mas mataas man o mas mababa sa akin. Nirerespeto ko ho kayo Miss, hindi dahil mas mataas kayo sa akin kundi bilang isang disente at sa tingin ko ay may pinag-aralang tao. Ngunit Miss, tulad ng pasensiya, nauubos rin ang respeto. Kaya kung gusto niyang manatili ang respeto ng iba sa inyo, sana kahit katiting magkaroon rin kayo no'n sa mga taong mas malayong mababa ang estado ng buhay sa inyo. Tao pa rin ho kayo, kagaya namin." Makahulugan niya iyong tinuran. Yumuko siya at pinagmasdan ang basa sa kape na kasuotan. Hindi sumagot ang anak ng Presidente ngunit ngumiti ng nakakainis, binangga siya sa balikat sabay lingon nang may kasabay na nakakapikon at sarkastik na, “Opps sorry.” Huminga siya ng malalim, kailangan niyang pigilan ang kanina pa ay nagpupuyos niyang damdamin. "May tissue kayo Ma'am?" tanong niya sa staff ng President. "Here.” Inabot ng staff ang isnag box ng tissue. “Hindi pa naman tapos ang Presidente sa kausap niya kaya doon ka na lang sa CR maglinis ng katawan. Pasensiyahan mo na ang anak ng Presidente. Sakit ng ulo talaga 'yan sa pamilya at hindi na nila alam kung paano nila 'yan mapapatino." "Okey lang ho 'yun. Ilang taon na rin akong nagsisilbi sa Pangulo bilang PSG kaya hindi na bago sa akin na ganoon nga talaga ang ugali nu'n." sagot niya. "Sige ho, bibilisan ko na lang na punasan at kahit patuyuin ng bahagya ang suot ko sa CR." Nakita niya ang isang PSG sa labas ng CR ng mga babae. Paniguradong naroon sa loob ang anak ng Presidente. Ngunit hindi siya umiiwas kailanman sa anak ng President. Wala sa ugali niya ang umatras dahil sa hiya o takot.  Pagkapasok niya sa CR ay nagpalit na lang siya agad. Titiisin niya muna ang kamalditahan ng anak ng Presidente. May oras din ito. Siya rin ang luluhod sa kanya. Konting panahon na lamang, siya na rin ang boss. “Tignan lang natin kung sino ang luluhod sa ating dalawa,” bulong niya sa kanyang sarili.   Sa edad ng First Daugher na dalawampu, masasabing isa ito sa pinakamaganda sa buong Pilipinas. Hilera ang mga Network Company at mga brands para mag-offer ng acting contract at mga brand para i-promote niya noong di pa lumalabas ang tunay niyang ugali ngunit nang nalaman ng midya ang kamalditahan at kasupladahan nito ay biglang nag-atrasan. Malakas na panghila nito ang maamo at maganda nitong mukha, ang parang nililok na kaseksihan at ang maputi at makinis na kutis ngunit kung magsalita na ito at kumilos, swertehan na lang kung hindi ka mamalditahan. Dahil nasa labas ng toilet ang salamin at faucet ay nagpang-abot sila doon habang pinapatuyo nito ang katiting na natapunan ng kape sa dulo ng dress niya samantalang nang pagmasdan ni Justine ang natapong kape sa suot niya ay halos kalahati na nito ang kulay lupa na naikalat sa putim-puti niyang longsleeve. "Sinusundan mo ba ako?" maangas na tanong ng anak ng Presidente habang hinuhubad ni Justine ang kaniyang puting longsleeve para patuyuin din sana. Minabuti niyang hindi na lang sagutin ang walang kuwentang tanong ng First Daughter. Itinapat niya sa faucet ang bahaging natapunan ng kape na longsleeve niya at sinubukan niyang kuskusin. Nagulat na lang siya nang maramdaman niya ang mainit-init na braso ng First Daughter na nakalapat sa braso niya. Mukhang nang-iinis. Dahil nahihiya siya ay siya na ang umiwas. Kung bakit kasi walang faucet at salamin sa loob ng CR ng mga lalaki at kahit sa CR ng mga babae kaya tuloy nagpang-abot pa sila. Nahuli pa ni Justine ang kunot na noo at diretsuhang pagkakatitig sa kaniya ng mukhang nang-aasar na anak ng Pangulo ngunit kibit-balikat lang siyang tumalikod na lang muna. Kahit ano pa ang ipakita at maririnig niyang sasabihin nito ay hindi niya ito papatulan hanggang hindi magiging malinaw kung anong papel niya sa bagong trabahong iniaalok sa kaniya ng Presidente. Sa dinami-dami ng puwedeng aalukin, bakit kaya siya? May kinalaman kaya rito ang hilaw niyang father in law na General? Sana wala, kasi ayaw niyang gamitin ang connection para umangat. Sana nakita nila ang kaniyang mga achievements at iyon ang basehan kaya sa kaniya ibinibigay ang tungkuling ito. Humarap siya sa salamin. Inisip niyang baka tapos na ang First Daughter. Hindi siya maaring mahuli sa appointment niya sa President. Ngunit pagharap niya ay nakatingin na ang First Daughter sa kanya sa salamin. Naasiwa siya sa titig ng anak ng Presidente sa kaniyang mukha ngunit hindi na siya nagpatalo. “Babae ka lang, lalaki ako.” Naisip niya. Hindi siya yung tipong nauunang nagbababa ng tingin. Wala pang tumatalo sa kaniya sa ganoon dahil kapag siya ang unang nagbaba ng tingin, ibig sabihin kasi no'n sa kaniya, siya yung napapasuko. Inihahalintulad ni Justine ito sa totoong buhay, kung sino ang unang sumuko, madalas iyon ang talo. “Guwapo sa malapitan itong gagong ito.” Naisip ni Airish. Kung di lang PSG ito, paniguradong pasok siya sa gusto niya sa lalaki. Ngunit hindi. Hindi siya kailanman papatol sa isang PSG lang. Wala sa kanya yung papatol sa kung sinu-sinong guwapo lang. “Maganda ka lang pero napakasama ng ugali mo! Bulok!” bulong ni Justine sa sarili habang di niya iniiwas ang tingin niya kay Airish. Kung di lang maldita si Airish, paniguradong malapit sana siya sa puso ng mga Pilipino. Madalas kasing ikinokonekta ng mga Pilipino sa hitsura ang kagandahan ng ugali. Pasok na pasok sana siya kung di lang umaalingasaw ang sama ng ugali. At tama si Justine, ilang saglit lang ay anak ng Presidente ang unang yumuko habang matagal siyang nakipagtitigan dito. Hindi lang yumuko, tuluyan na rin siyang tinalikuran. Isinuot na ni Justine ang natuyong longsleeve habang nakatalikod kay Airish. "I think you like me kaya ganyan ka makatingin ano?" banat uli ng First Daughter sa kaniya habang inaayos niya ang kanyang dress. Lumingon siya sa guard nito. Natawa kasi siya sa tinurang iyon ng First Daughter. Siya? Magkakagusto sa babaeng ito? Di lang pala ugali ang sira kundi pati ang ulo nito. “Hindi ako magkakagusto sa may ganyang ugali!” bulong ni Justine sa sarili habang siya ay nakangiti. Kilala siya ng PSG na naroon at nagbabantay sa First Daughter kaya naman sila ay pasikretong napangisi na lang. Kinamot niya ng ulo niya sabay ng pag-iling, pagkatapos ay walang imik na pinatuyo niya ang nabasa nitong damit. Isinusuot na niya ang kahit papaano ay natuyo na nang bahagya niyang longsleeve nang dumaan muli sa tabi niya ang anak ng Presidente at pasadya muli sana siyang bungguin sa balikat ngunit sa pagkakataong iyon, ginamit na niya ang talas ng kaniyang mata at pakiramdam kaya nang buong lakas sanang bungguin siya ay nakaiwas siya agad. Tuluyang nawalang ng panimbang ang First daughter at halos mapasubsob ito sa sahig. Hindi niya napigilan ang sarili na tumawa. Mabilis na tumayo ang First Daughter at nilapitan niya si Justine sabay ang paghablot nito sa kaniyang kuwelyo. " Are you laughing at me ha?" singhal niya at nakita niyang inambaan siya ng sampal. Kalma lang si Justine. Nakangiti pa nga siyang tumitig sa anak ng Presidente. Pang-asar lang iyon lalo. Ngising lalong magpagalit sa prinsesa ng presidente. Padadapuin na sana ng First Daughter ang kanyang palad ngunit maagap na lumapit ang PSG para pigilan siya. "Don't touch me!" singhal nito. "And you!" Itinuro niya si Justine "Magkikita rin tayo sa labas at I'll make sure you'll regret hitting me!" "Ingat na lang next time po Miss." Namumula niyang pinigilan ang sarili para hindi humagalpak ng tawa. Kahit papaano ay alam niyang nakaganti na rin siya. Paglabas niya sa CR ay agad na siyang sinamahan ng Staff ng Pangulo sa loob dahil siya na lang daw ang hinihintay. Nang pumasok siya ay agad niyang nabungaran ang Pangulo at ang anak niyang nakaupo patalikod sa kaniya at nakaharap sa Daddy niya. "Good morning Sir President." Magiliw at masayahin niyang bati. "Good morning too, Mr. Sandoval." Hindi na binanggit ng Presidente ang kaniyang rank sa AFP at PSG dahil may usapan na sila tungkol doon ng Deputy Group Commander and Chief of Staff of the Presidential Security Group. Malinaw ang instruction sa kaniya at iyon lang ang dapat niyang sundin. Hindi rin siya sumaludo sa kanilang Commander in Chief para maiwasan ang pagdududa ng kaniyang anak. Nakipagkamay siya sa pangulo. "Mr. Sandoval, this is my only daughter, Airish. Airish anak, this is Mr. Sandoval. He'll be in charge of you." "Ikaw?" galit na singhal nito. Itinaas ni Justine ang kaniyang palad para kamayan si Airish ngunit hindi ito tinanggap ng huli. "Dad! Is this a sort of joke?" "What joke? Mr. Sandoval here will supervise you in your immersion. We talked about this the other day. He wil be in charged of you and when the immersion is done, puwede mo nang gawin lahat ang gusto mong gawin." "But Dad, dito talaga sa taong ito? Siya ang magiging kasama ko sa kung saang lupalop ng Pilipinas ninyo ako ipapatapon?"   "Look, when you asked me na walang PSG na bubuntot-buntot sa'yo sa immersion mo, pumayag naman ako. Kaya nga, pinakiusapan ko si Mr. Sandoval na samahan ka at tulungan sa immersion mo. Kung ano ang magiging final evaluation niya sa'yo, that's the only acceptable assessment that I would consider para maging free ka na. Kaya kung ano ang ipagagawa niya ay kailangan mong gawin pero kung susuway ka, lalong hahaba ang immersion. Airish, hanggang hindi mo nagawang maayos ang pakikitungo mo sa ibang tao at tulungan sila sa mga pang-araw araw nilang gawain, then you will stay there. Remember, nakadepende kay Mr. Sandoval at mga magsasakang makakahalu-bilo mo ang freedom na hinihingi mo sa akin. Kung sakaling magiging positive ang result nito, you can stay in the US as long as you want." "Dad, not to him.” "Why not?" “Hindi ko kayang pakisamahan ang katulad niya! Are you okey that, that man might even take advantage of me. Mukha kayang manyak ‘yan. " tumaas ang boses nito. “Kung hindi siya sino? Anong ayaw mo kay Mr. Sandoval?” "Basta!" "Basta? You know that I am not considering "basta" as a good justification. Bakit ba parang galit ka kay Mr. Sandoval?" "Sir, excuse me. Ako na lang ho ang magsasabi." Paghingi ni Justine ng pagkakataong magpaliwanag. "Yes, Mr. Sandoval. Anong bang nangyari?" "We had a short encounter outside at may kaunting bagay hong sa tingin ko ay kinainisan niya sa akin. But I assure you Sir President that she will be in a good hands po. Pangako ko ho 'yan Sir." "Then, I think that would be all! Everything is now settled. Okey my princess, mamayang gabi na ang alis ninyo. You can go ahead kasi may pag-uusapan pa kami ni Mr. Sandoval." Mahina ngunit makapangyarihang tugon ng Presidente. Tumayo si Airish. Nagngingit siya sa inis. Kung nakakasugat ang tingin ay kanina pa duguan si Justine. Kung alam lang sana ng Daddy niya kung bakit siya tumatanggi na si Justine ang makakasama niya. Kung sana alam lang niya ang kaniyang lihim na pinagdadaanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD