CHAPTER 44 "I'm sorry? I’m sorry uli? Paulit-ulit na lang na I’m sorry? Yun lang ba ang kaya mong sabihin? I'm sorry? Para ano? Para lagi kitang patawarin at lagi mo din akong sasaktan? Ano ba ako sa'yo ha? Sabihin mo sa akin nang di ako nagmumukhang tanga!" "Hindi ko alam!" umupo si Justine sa harap niya. Nakikiusap ang kaniyang mga mata. "Kung hindi mo pa rin alam. Lumayo ka sa akin! Doon ka na! Please lang! Iwanan mo na ako! Pabayaan mo na ako!" tinulak niya ng itinulak si Justine habang nakaupo sila. Napapaluhod na siya at si Justine ay napasalampak sa lupa. Tumayo siya at tatakbo na sana para lumayong muli ngunit hinawakan siya ni Justine sa kamay. Nakaluhod ito. "Airish, mahal na kita! Mahalaga ka na sa akin kaya please lang!" may kalakasang tinuran ni Justine iyon. Nanlaki