CHAPTER 43 "Puwede kayang maging isa kayo sa mga abay sa kasal namin ni honey, Ma’am?" Napalunok siya. Hindi sa pagiging abay kundi sa narinig niyang kasal. "You don't need to agree kung ayaw ho ninyo o kung sa tingin ninyo magiging busy kayo." Pinilit niyang magpakatao kahit sobrang sakit ang narinig niyang iyon. "Give me your number and I'll call you para makita ko kung hindi ako busy sa araw ng kasal ninyo." iniabot ni Airish ang cellphone niyang walang signal para doon i-save ni Janna ang number nito. "Okey Ma’am. Eto yung number ko." masayang in-enter ni Janna ang number niya sa cellphone ni Airish. Nagsimulang magkantahan ang lahat. Ngunit wala si Airish sa sarili niya. Para kasing binagsakan siya ng langit sa narinig niya mula kay Janna na kukunin siyang abay ng kanilang kasa