BABY

1992 Words
CHAPTER 6 Kumuha siya ng putting tuwalya na maayos na nakasalansan. Pinunasan niya ang basang katawan saka lumabas ng banyo. Kinuha ang kanyang robe at saka niya tinungo at binuksan ang ref sa kaniyang kuwarto. Kumuha siya ng isang softdrink at tinungga niya iyon. Pinulot niya ang nakakalat niyang cellphone sa kaniyang kama. Dumiretso siya sa bintana at doon ay tanaw niya ang hindi magkamayaw na mga tao sa kani-kanilang mga trabaho. Bumunot siya ng malalim na hininga. Tumunog ang cellphone na hawak niya. Si Dave ang nagtext. Nagtatanong kung magkikita pa ba sila bago siya bumiyahe mamayang gabi. Nag-isip muna siya. "I'll let you know baby." Tipid niyang reply. Hindi kasi niya alam kung ano ang plano ng Daddy niya. Kahit kasi gusto niyang kumontra pa sa kahilingan ng Daddy niya ay minabuti na lang niyang sundin ang gusto nito para matapos na at malaya na muli siyang makabalik sa US. Namimiss na kasi niya si Bobby. Isa pa, hinding-hindi niya kasi dito magagawa ang mga nagagawa niya roon at kung tatagal pa siya sa Pilipinas ay maaring darating ang araw na puputok ang balita tungkol sa itinatago paglalasing at pagwawala sa mga parties. Mag-aanim na buwan na rin niyang girlfriend si Dave. Dahil ayaw niya sa mga pamilya ng pulitiko ay si Dave na anak ng kilalang businessman ang pinili niya. Tumagal sila ni Dave dahil kailangan niya ng lalaking kasamang lumabas at maglasing sa bar para makaiwas siya sa tukso ng laman. Alam niya kasing responsible ang dati niyang kaklase ito at kahit maglasing siya ng maglasing ay mag-uuwi sa kanya ng safe. Ibig sabihin, sinagot niya si Dave hindi dahil mahal niya kagaya ng pagmamahal niya kay Bobby. Kailangan lang niya ang kagaya ni Dave sa kanyang paglabas-labas. Ngayon na nasa Pilipinas siya, nagpipigil siya para hindi na madagdagan pa ang kahihiyang ibibigay niya sa kanilang pamilya. Mahirap para sa kanya ang itago ang kanyang kinahiligan ng bisyo, mahirap supilin ang talagang gusto ngunit kung para iyon sa pamilya niya ay kaya sana niyang tiisin ngunit ang tanong hanggang kailan? Adik na siya sa alak at sa ingay ng bar. Hindi na siya makampanteng nasa kuwarto lang siya. Okey na muna siya kay Dave. Guwapo, mabait, respponsable at gusto ng mga magulang niya para sa kanya. Masaktan kung masaktan ito kapag aalis na siya. Umiiwas na rin naman siyang magmahal ng lalaki dito sa Pilipinas kahit alam niya sa sarili niyang kaya niyang turuan ang puso na mahalin si Dave. Ewan ba niya, sa sobrang kabaitan ni Dave ay parang di na siya naniniwala kung tao ba ito. Isa pa, iniwan na niya ang puso niya sa US. Si Bobby lang ang gusto at dapat niyang mahalin dahil sa naibigay na niya ang sarili niya sa lalaking ito. May mga barkada rin siyang mga anak ng pulitiko rito sa Pilipinas ngunit paminsan-minsan lang silang lumalabas. Mga pa-sweet kasi ang mga ito. Mga kape-kape at chikahan tungkol sa bags and shoes ang laging pinag-uusapan nila. Mga current events na nakakaantok. Ahh! Hindi siya makaka-relate sa mga ganoong trip nila. Tumayo siya at bumalik sa kama. Inaantok pa kasi siya at mamayang gabi pa naman ang biyahe niya papunta sa kung saan muna siya ipapatapon. Mahaba pa ang oras para makapagpahinga siya. Sasamantalahin na muna niya iyon. Pumikit siya. Nakatulog siyang si Bobby ang naglalaro sa kaniyang isipan.   Kinagabihan ay dumating na si Justine para sunduin si Airish. "Hindi puwede yung suot mo ma’am. Baka puwede kang magpalit ng mas simple, mas mainam kung may sombrero kayo para hindi kayo makilala." Puna agad ni Justine nang tumambad sa kaniya si Airish na naka-dress pa at todo make up. "Wow! Really? Pati isusuot ko kailangan mong pakialaman? Dad, if he wants me to treat him well, he should minimize his intrusion." Mabigat na tinuran ni Airish sa Daddy niya na katabi ang Mommy nito.   "Do whatever he asked you to do. Sinabi ko na sa'yo, siya ang dapat mong pakisamahan, hindi siya ang dapat makisama sa'yo. Siya ng kailangan masunod at hindi ikaw ang dapat niyang paglingkuran." "What? Dad naman, hin-…” “I’ve said it. You should obey him.” Huminga siya ng malalim. “Sige, bigyan mo ako ng isang mabigat na dahilan Mr. Sandoval kung bakit hindi puwede ang suot ko." Huminga rin si Justine ng malalim. “Mukhang may katigasan talaga ng ulo ang isang ito.” Naisip niya. Ngunit kailangan niya manatili sa kung saan lang siya. Dapat manaig ang respeto sa anak ng Presidente. "For security reason, hindi puwedeng makikilala ho kayo. Hindi rin po tayo pupunta sa isang dinner party lalo na sa awards night Miss Airish. Bibiyahe po tayo. Mas simple, mas hindi ka pag-iisipang anak ng Presidente. Wala tayong kasamang PSG Miss na magliligtas sa’yo kung may magtatangka sa buhay mo. Tayong dalawa lang ho ang magkasama. Hindi po sosyalang pagtitipon ang pupuntahan natin kundi probinsiya at baryong malayo sa kabihasnan. Okey na ho yung simpleng t-shirt, jeans at jacket para hindi kayo mamaya giginawin. I suggest pong maong na pantalon na babagayan ninyo ng sumbrero at rubber shoes." "So, ibig sabihin pati ang mga susuotin ko ngayon ay kailangang ikaw na rin ang magdedesisyon?" umiiling si Airish at halatang hindi kumbinsido sa pinagagawa sa kaniya. Tumingin sa Daddy at Mommy niya, umaasa siya ng kanilang suporta ngunit, tigang. Wala siyang napala. "Anak, mas magandang sundin mo na lang ang gusto ni Mr. Sandoval," pakiusap ng Mommy niya. Hihirit pa sana siya ngunit iba na ang tingin ng Daddy niya sa kaniya. Ibinagsak niya ang hawak niyang bag saka siya tumalikod. Pumasok siya sa kaniyang kuwarto at nagpalit. Sinunod niya ang gusto ni Justine na isusuot niya ngunit hindi ang jacket. Sinong sira-ulong magdadala ng jacket sa summer? "Hindi ninyo ako ihahatid?" tanong ni Airish nang niyakap siya ng Mommy at Daddy niya. Nasa ibang bansa ang dalawang kuya niya para tapusin ang kanilang master degree. "No, anak. Paglabas mo ng Malakanyang. Isa ka nang ganap na ordinaryong mamamayan.” “What?” “Yes. Gusto naming matuto kasa buhay ng mga nasa laylayan. Hindi puwedeng makakuha tayo ng public attention para sa kaligtasan mo. Wala kang kasamang PSG na magbabantay sa'yo kaya dapat magiging lihim lang ang immersion mong ito. Kung sana pumayag ka sa usapang magkaroon ng tatlong sasamang PSG sa'yo, sana puwede ka pa naming samahan ng Mommy mo pero dahil tinanggihan mo iyon ay kailangan nating mag-ingat anak." paliwanag ng Daddy niya. "I just can't understand why I really have to do this!" naiirita niyang sagot sa sinabi ng Daddy niya. Pakiramdam niya kasi pinaparusahan siya kaya ipinapatapon sa kung saan. Ngayon lang niya mararanasan ang buhay probinsiya. Ni wala siyang idea kung paano mabuhay malayo sa nakasanayan niyang marangya at magarbong pamumuhay. Sumakay sila ng taxi papuntang Cubao at hindi pa din naaalis ang kaniyang pagsisimangot. Nang mga sandaling iyon ay sadyang malayo ang tinatakbo ng kaniyang isip. Siguradong mahihirapan siya ngunit wala siyang balak magtagal doon sa probinsiya. She can fake it. Kapag makita ng ulupong na ito na kaya na niya, she’ll be released for sure. Pwede rin niyang gamitin ang karisma niya, kung mawala ang inis niya. Muling pumasok sa isip niya ang sinabi ng Daddy niya, si Justine at ang mga magsasakang dadatnan nila ang magbibigay sa kaniya ng final assessment report. Kung ganoon, kailangan niyang pakisamahan si Justine. Kailangan niyang kaibiganin ito para mas mapabilis ang pamamalagi niya roon. Kung kinakailangang landiin niya ito, bakit hindi para sa pagkikita nila ni Bobby. Tama. Bakit nga ba hindi niya iyon naisip? Nilingon niya si Justine na noon ay panay ang tingin sa paligid. Mula pagsakay nila ay hindi na ito mapakali na para bang lahat ng tumatabing sasakyan sa kanila o kaya mga sumusunod sa kanilang mga sasakyan ay hindi nakakaligtas sa kaniyang paningin. Kinutuban siya, hindi kaya PSG din itong ipinasama sa kaniya ng Daddy niya? Kung nagkataon na hindi tumupad ang Daddy niya sa usapan, maaring mapawalang bisa ang lahat ng ito at uuwi siya sa Malakanyang. Malaya na siyang makapupunta sa lahat ng gusto niyang puntahan. Iyon ngayon ang isa pa niyang dapat alamin. No Presidential Security Group involved in this immersion. Nakaupo siya sa kanang bahagi ni Justine at nang tumingin ito sa kanang bintana at sinadya nitong titigan pero nakakainnis na parang hindi man lang siya nito nakita o napansin. Tumagos ang mga tingin nito sa kaniya kahit pa pinilit niyang ngumiti para mabuo na niya ang pekeng pakikipagkaibigan na magreresulta sa simpleng paglalandi. Makuha lang niya ang gusto, tapos na din ang palabas niya dito. Ngunit sa ginawa niyang pagtitig sa nakaharap sa kaniyang si Justine ay siya ang may napansin. Malakas din pala ang dating ng mukha ng isang ito. May kung anong appeal siyang... hindi... malayong magkakagusto siya sa presko at akala mo kung sinong nagmamarunong na isang ito. Sa dami ng nakilala niya at nakarelasyon na mas guwapo, mas maganda ang pangangatawan at ma-appeal ay hindi siya dapat mahulog sa isang ito na utusan lang ng Daddy niya. Kay Bobby lang siya at hindi na siya muli pang magmamahal. Inapuhap niya ang kanyang bag. Naglabas siya ng mamahaling chocolate saka niya unang inalok ang palinga-lingang si Justine. "Okey lang ako Miss. Salamat na lang ho." "Tinatanggihan mo e, chocolate lang ito?" Hindi siya sanay na tinatanggihan kapag may inaalok. Walang puwedeng tumanggi sa kaniya maliban kay Bobby. Sinamahan na niya iyon ng isang matamis na ngiti. "Salamat na lang talaga, Miss. Ayos lang ho ako." seryoso pa din nitong pagtanggi. Mahihirapan nga yata siyang makaibigan o malandi ang may kaartehang lalaking ito. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang handbag. Binunot niya iyon. Si Dave ang tumatawag. Nakalimutan nga pala niyang itext ito. "Hello Dave baby, malapit na kami sa Cubao and from there baby, sasakay na kami ng Bus papuntang probinsiya. I'm sorry I forgot to inform you baby." Nilakasan nito ang pagpaparinig sa salitang BABY. Gusto niyang ipaalam sa Justine na ito na may boyfriend din naman siya ngunit parang wala lang itong narinig. "So, hindi man lang kita makikita bago ka ipatapon sa probinsiya?" tanong ni Dave. "I am afraid so. Malapit na kami sa Cubao baby, e. That means, mukhang malabo na nga but don't worry, sandali lang ang isang buwan, ikaw ang una kong kikitain pagbalik ko rito sa Manila baby. And I tell you, I will be free. We will be finally free." "Okey then, promise me that when you get there, tawagan mo ako o i-text mo ako ng madalas ha?" "Promise baby!" "Asahan ko 'yan. I love you baby. Ngayon palang namimiss na kita. Bye." Tumawa siya ng walang nakakatawa saka siya tumingin kay Justine. "I love you too baby and I miss you too baby. Bye baby." Nilakasan niyang sinabi iyon baka mapansin na din siya ni Justine.  Bato ba ang lalaking ito? Hindi man lang siya tinignan kahit nilalakasan na niya ang boses niyang kausap niya si Dave? Nakita niya ang pagsilay ng ngiti ni Justine ngunit iniharap niya sa kaliwang bintana ang kaniyang mukha. "Nine." Pabulong iyon sabay ng pasimpleng pagtakip ni Justine sa kaniyang bibig. "Nine? What nine? At bakit ka ba natatawa?" "Paborito ba ninyong sabihin ang salitang baby Miss? Nine times kasi ninyong binanggit iyon saka bingi ba talaga ang boyfriend ninyo? Halos sumisigaw na kayo e, kung hindi ko lang kayo kilala baka isipin kong nagyayabang kayong kausap ninyo ang boyfriend ninyo." Natigilan siya. Siya yung napangiti. Matalino nga talaga ang isang ito. Ngayon alam na niya kung bakit siya ang pinili ng Daddy niya na ipasama sa kaniya. Mukhang mali yata siya sa first impression niya dito. Paano kaya niya ito mauutakan kapag nasa probinsiya na sila. Ano kaya ang kahinaan niya? Ano ang puwedeng magpalambot sa kaniyang puso para kahit two weeks pa lang sila roon ay maipasa na niya ang evaluation sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD