Chapter 3

1452 Words
HABANG nagluluto si Trina ay hindi niya maiwasan ang isipin si Gillan. Sa dalawang buwan nilang relasyon ay masasabi niyang mabait naman ito sa kanya at nararamdaman din niyang mahal siya nito, pero nung isang araw lang ay naabutan niya itong may katalik na babae sa condo unit nito. Dalawang linggo lang siyang hindi nagpakita ay nagtaksil na agad ito sa kanya, kaya naman lubos siyang nasaktan. At ngayon ay narito siya bahay ng kaibigan nito, ni hindi niya alam kung tama bang tumira siya sa bahay nito. Pero kahit papaano ay makakatipid siya kung makikitira siya pansamantala, lalo na't wala siyang trabaho sa ngayon. May pera din naman siya pero kinakailangan niyang tipirin hangga't wala pa siyang nahahanap na trabaho. Dalawang araw na rin siyang nakikitira sa bahay ni Daryll. Nang matapos siyang maghain ng pagkain sa mesa ay hindi pa rin bumababa si Daryll. Naisipan niyang tawagan muna ang kanyang nag-iisa kaibigan at dating partner sa lahat ng misyon. Kailangan niyang humanap ng trabaho, dahil hindi naman pwedeng habambuhay na lang siyang makikitira. Unang ring pa lang ay sinagot na agad ng kabilang linya. "Trina, where are you?" bungad nito. "It doesn't matter where I am now. Tumawag ako sa iyo dahil kailangan ko ng trabaho, Klea." "What job do you want? Alam mo naman na magkapareho lang ang trabaho natin 'di ba? Just accept your mission, Trina." Trina sighed. "I already resigned as an agent, remember? And I don't want to fight anymore." "Why? Until now you still can't accept your defeat in RG?" Pakiramdan ni Trina ay nanginig ang buo niyang katawan nang marinig ang salitang RG. "Isa 'yan sa mga rason ko, that's why I don't want to fight anymore." May panginginig sa kanyang boses. "Because next time I might die completely if I keep fighting." Rinig niya ang pagbuntong hininga ng kaibigan sa kabilang linya. "Akala ko pa naman matapang ka. You only lost once, but you're already giving up? You are one of the good agents when it comes to fighting!" Trina sighed again. Okay lang sana kung natalo siya, she would still accept it. But she was raped repeatedly, and she did nothing but cry, because she couldn't fight. "Sige, salamat na lang sa'yo. Hahanap na lang ako ng ibang trabaho." Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kabilang linya at binabaan niya na ito. Siguro ay kailangan na niyang humanap ng ibang trabaho, dahil kahit kailan ay ayaw niya nang bumalik pa sa pagiging secret agent. Baka mas lalo lang siyang mapahamak kapag bumalik pa siya. "Goodmorning!" Napalingon siya nang marinig ang boses ni Daryll. "Goodmorning too!" She greeted back to Daryll who was smiling while getting closer to her. "You look pale, are you okay?" Daryll asked worriedly. "I'm okay. Let's eat. Baka ma-late ka pa sa trabaho mo." Agad naman itong naupo at dinampot ang kubyertos. "Mukhang masarap ang luto mo ngayon, ah?" nakangiti nitong sabi bago sumubo ng pagkain. "Hmm.. Delicious." Napatango-tango ito at nag-thumps up pa sa kanya. Napangiti naman si Trina at naupo na rin bago naglagay ng pagkain sa kaniyang plato. Unang subo pa lang niya ng fried rice nang pakiramdam niya ay parang masusuka siya. Mabilis siyang tumayo at nagmamadaling tumakbo papunta sa loob ng CR. Habang nagsusuka siya ay naramdaman na lang niya ang marahan na paghaplos sa kanyang likod. And she knows it was Daryll, dahil silang dalawa lang naman ang taong nasa loob ng bahay na iyon. Matapos sumuka ay agad siyang nagmugmog at pinunasan ang kanyang labi gamit ang tissue. Nitong nakaraang mga araw ay napapansin niya na palagi na lang siyang nasusuka bigla, at kadalasan ay pagkagising sa umaga. Pero impossible naman na magsuka siya sa kanyang sariling luto tulad ngayon. "Am I sick?" tanong niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. "That's normal," Daryll answered. Muntik niyang makalimutan na nasa likuran niya lang pala ito. "How did it become normal?" nagtataka niyang tanong. "Normal na magsuka lang nang magsuka tuwing kakain sa umaga?" Napakamot naman sa batok si Daryll. "That's how pregnancy is, Trina." "Anong sabi mo? B-Buntis? Ako?" tanong niya at tinuro ang sarili. Napakunot noo naman si Daryll. "You didn't know?" Hindi mapigilan ni Trina ang pagak na matawa. No way! Hindi maaari! "P-Papaano mo naman nasabi na buntis ako?" kinakabahan niyang tanong. Parang bigla tuloy pinagpawisan ang kanyang mga palad. "The doctor who checked, nung araw na nawalan ka ng malay sa penthouse ni Gillan." Parang natulos si Trina sa kanyang kinatatayuan dahil sa narinig. "H-Hindi.. H-Hindi pwede! Hindi ako pwedeng mabuntis!" nanginginig niyang wika at muntik pang matumba sa kanyang kinatatayuan kundi lang siya nahawan ng lalaking katabi. "Ano bang nangyayari sa'yo, Trina? You make me worried," ani Daryll na may pag-aalala na sa boses. "Ayoko! Ayokong mabuntis! Ayoko!" She started crying. Hindi siya pwedeng mabuntis ng rapist na 'yun. Hindi pwede! Nataranta naman si Daryll. "Oh Trina!" Agad siya nitong binuhat at dinala sa kuwarto. "Why did you get pregnant if you don't want to?" tanong ni Daryll sa kanya nang maihiga na siya nito sa kama. "H-Hindi ako nagpabuntis! Hindi! Hindi!" She screamed like she wasn't in herself. Hindi niya kayang tanggapin na nabuntis siya ng isang rapist. She just stopped screaming when Daryll suddenly gave her a hug. "Stop crying Trina, please.." Hinaplos-haplos nito ang likod niya na para bang isa siyang bata na pinapatahan sa pag-iyak. Kaya pakiramdam ni Trina ay parang nabawasan ng konti ang bigat ng nararamdaman niya. "I don't want to get p-pregnant, Daryll. Please h-help me,” humihikbi niyang wika. Isang malalim na buntong hininga naman ang kumawala kay Daryll bago ito nakuhang sumagot. "Okay I'll help you," nahihirapan nitong sabi. "But please, don't cry again." Marahan siyang tumango sa lalaki habang yakap-yakap pa rin nito. "A-Ano bang dapat kong gawin?" nanginginig niyang tanong. Bumitaw ng yakap sa kanya si Daryll at tiningnan siya nito. "Hahanap ako ng pweding mag-abort, but now rest first." Mabilis naman siyang umiling. "I don't want to rest anymore! I'm fine. I want to have an abortion right now, Daryll. Please!" Daryll sighed. "Okay, I'll just call my doctor friend. Para pagdating natin ng hospital ay alam na niyang magpapa-abort tayo." Mabilis niya itong pinigilan sa braso nang akmang aalis na. "No, don't call your friend anymore. I don't want to have an abortion in the hospital, baka may makaalam pa. I don't want to go to jail." "Hindi ka naman makukulong dahil wala namang makakaalam. The doctor is my friend, Trina." Daryll answered. "Is your friend a man?" Daryll nodded to her question. "Ayoko ng lalaki, at lalong ayoko sa hospital!" Daryll sighed again. "Kung ayaw mo sa hospital, then I'll just find someone else to abort. I will come back to you in five minutes." Pagkalabas ni Daryll ay mabilis na nagbihis si Trina. White long-sleeved at black jeans lang ang kanyang napiling suotin para hindi kita ang mga pasa niya sa braso. Tulad ng sinabi ni Daryll ay bumalik agad ito in five minutes. "May nahanap na ako sa internet, secretly aborting a child." Agad na tumayo si Trina. "Sige pupunta na tayo ngayon." She hurriedly got out of the room. Muntik pa siyang matumba dahil sa panghihina, buti na lang ay nahawakan siya agad ni Daryll. "Slow down, Trina." Daryll assisted her walking, until she got inside the car. "Did Gillan get mad when he found out?" hindi niya mapigilang tanong habang nasa biyahe sila. "Yes." Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa kanya. Kahit naman dalawang buwan pa lang sila ni Gillan ay napamahal na siya dito. Pero sa isang iglap lang ay nawasak agad ang relasyon nila. "May I know who's the father?" tanong ni Daryll habang nagmamaneho, saglit pa siya nitong tinapunan ng tingin. "Hindi ka man lang ba niya kayang panagutan at talagang kailangan mo pang ipalaglag ang bata?" Napalunok siya sa tanong nito. "It's.. It's a long story," nanginginig niyang sagot. "Your body is shaking. Natatakot ka ba sa lalaking nakabuntis sa'yo?” Hindi na siya sumagot at nagpanggap na lang na walang narinig. Yes, natatakot pa rin siya tuwing naaalala ang walang awang paghasa sa kanya ng rapist na iyon. Hindi niya pa rin nakakalimutan kung paano siya nito binugbog muna bago walang awang ginahasa, kaya puro na pasa ang kanyang katawan. Tapos ngayon ay malalaman na lang niya na nabuntis siya ng lalaking lumapastangan sa kanya? Talagang hindi katanggap-tanggap! It's been a month since she got raped, but until now she still has nightmares every night. Palagi niya na lang napapanaginipan ang walang awang pag-gahasa sa kanya ng lalaking nakapulang maskara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD