"WE'RE HERE." Napatingin si Trina sa labas. Agad niyang nakita ang isang maliit na kubo kung saan pumasok ang tatlong estudyanteng suot pa ang kanilang school uniform. "Diyan ba sa maliit na kubo?" kunot-noo niyang tanong kay Daryll. "Yeah, diyan nga sa maliit na kubo na 'yan ang naglalag ng bata," sagot nito sa kanya bago ito bumaba ng sasakyan. Kaya bumaba na rin siya nang pagbuksan siya nito. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Daryll asked while supporting her walking. "I can walk by myself, you don't need to support me!" aniya sa lalaki na kinabitaw nito sa paghawak sa braso niya at kinatikhim. Pagtapat nila sa pinto ng nakasarang kubo ay agad na kumatok si Daryll. Mga ilang segundo ang lumipas nang bumukas ang pinto ng maliit na kubo at lumabas ang isang bading. "Anong pon