Chapter 2

2212 Words
Nang mabuksan ni Daryll ang gate ay agad niyang nakita ang babaeng nakasuot ng black denim jacket. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha. Summer ngayon pero naka-jacket ka, ang Init kaya! Napailing na lang siya sa naisip. "Are you Trina?" tanong niya sa nakatalikod na babae. The girl slowly turned her back and confronted him. "Where's Gillan?" the girl asked. Napatulala si Daryll nang makita ang mukha ng babae, bahagya pang napaawang ang kanyang labi. "Tinatanong kita kung nasaan si Gillan?" "Ano ba? Nasaan si Gillan? Hindi ba ikaw ang tumawag sa akin kanina?" Napakurap-kurap naman siya at parang natauhan. Napatikhim siya at mabilis na iniwas ang tingin babae. "Y-Yeah ako nga ang tumawag sa iyo," pautal niyang sagot at naglahad ng kamay. "I... I'm D-Daryll Zandiego, Gillan's best friend.” Shit! Kailan pa siya nautal? Imbes na tanggapin ng babae ang kamay niya ay agad itong naglakad papasok ng gate, ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang kanyang nakalahad na kamay. Napailing na lang siya at sumunod sa babae. Pansin niya ang pamumutla ng maganda nitong mukha. "Are you okay?" Pumantay na siya sa paglalakad nito. Pero imbes na sagutin ng babae ang kanyang tanong ay huminto at agad na napahawak ito sa sariling ulo kasabay ng pagsimangot nito. “What's wrong?” "P-Parang nahihilo ako…" Hindi na nito natuloy ang dapat sabihin at tuluyan nang bumagsak. "s**t!" Napamura naman si Daryll at mabilis na sinalo ang katawan ng babae, buti na lang at mabilis ang mga braso niya sa pagsalo. Agad niya itong binuhat at napatitig sa mukha nito. Hindi niya maiwasan ang pagmasdan ang magandang mukha ng babae habang nasa bisig niya ito at walang malay. Putlang-putla na ang mukha nito pero napakaganda pa rin. Ang matangos na ilong nito, ang mahahabang pilik mata, at ang mapupulang labi na talaga namang kaakit-akit. She's like an angel. Napailing na lang siya at mabilis na umiwas ng tingin sa babae. Pakiramdam niya ay parang biglang bumibilis ang t***k ng kanyang puso habang pinagmamasdan ang mala-anghel nitong mukha. "This is not good," naiiling niyang sambit at dinala na papasok ng bahay ang babae. Agad namang napatayo ang dalawa niyang kaibigan nang makita siyang buhat-buhat ang babaeng walang malay. "What happened?" tanong ni Gillan na parang biglang nawala ang pagkalasing. "Nawalan siya ng malay." Inihiga na niya ang babae sa couch. Agad namang lumapit si Gillan at hinaplos ang mukha ng walang malay na babae. "I'm sorry, Love. I'm sorry. I'm really sorry," paulit-ulit nitong sambit na tila sising-sisi. "Call a female doctor now!" Napaasik naman si Jhonrec. "Tsk. Bakit kailangan pang babae? I'm a doctor remember?" Tiningnan naman ito ng masama ni Gillan. "Ayokong mahawakan mo ni dulo ng daliri ng girlfriend ko!" "Huwag ka nang umarte, Gillan, titingnan lang naman niya kung anong lagay ng Ex-girlfriend mo." "Yeah, Daryll is right. Wala naman akong gagawin sa EX mo! Susuriin ko lang naman kung anong lagay niya!" Gillan stood up. "Huwag na. Tatawagan ko na lang si Misty. And she's not my Ex, she's my girlfriend," inis nitong sabi bago kinuha ang phone na nakalagay sa kabilang couch. "May kakilala ka naman pala, pinatagal mo pa!" Jhonrec rolled his eyes. Nakatingin lang si Daryll sa babaeng nakahiga sa couch na putlang-putla at wala pa ring malay. Hindi niya mapigilan ang hindi mapatitig sa mukha nito. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang babaeng doctor. "Dadalhin ko na lang siya sa kuwarto at doon mo na lang suriin kung anong lagay niya," ani Gillan at binuhat ang babae. Napatango naman ang doctor at agad na sumunod kay Gillan. Naiwan si Daryll at ng kaibigang si Jhonrec sa baba. "Ikaw Daryll, when are you going to have a girlfriend?" tanong ni Jhonrec nang silang dalawa na lang. Napaasik siya sa tanong nito. "Tsk. I do not like girlfriends!" Napatango-tango naman si Jhonrec. "Oh, really? Eh paano kung kasing ganda ni Trina? Aayaw ka pa rin ba?" Ngumisi pa ito sa kanya. "Anong klaseng tanong ba 'yan?" Inis siyang napairap sa kaibigan. Ano ba ang gusto nitong palabasin? "Kakaiba kasi ang binibigay mong tingin sa kanya kanina,'yun bang parang alalang-alala ka kahit hindi mo naman siya girlfriend. Ngayon lang kita nakitang pinagmamasdan ng matagal ang isang babae, Daryll." "I'm just worried because she's Gillan's girlfriend, that's all. Huwag mong bigyan agad ng kahulugan!" Muli siyang lumagok ng alak sa kanyang kopita. Napatigil lang sila sa pagsasalita nang makitang bumaba na ang babaeng doctor kasunod ni Gillan na parang tulala habang pababa ng hagdan. "So how's Trina?" tanong ni Jhonrec pagkaalis ng doctor. "She's pregnant," tiim bagang na sagot ni Gillan. "Oh, iyon naman pala. Eh bakit parang hindi ka masaya?" Napatingin sa kanya si Gillan. "Happy? How can I be happy if someone else impregnates the girl I love!" Mapait itong tumawa. "How can I get her pregnant if I didn't even f****d her! Siya pala ang taksil sa amin dalawa at hindi naman pala ako! This is bullshit!" Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa kanilang dalawa ni Jhonrec habang nakatingin kay Gillan na tinungga na ng inom ang isang bote ng alak. "So, what's your decision now? Will you accept her?" Jhonrec asked curiously. Marahas na umiling si Gillan na parang inis na inis. "No way! Hinding-hindi ko siya matatanggap! Kayo na ang bahala sa kanya! Gusto ko pagbalik ko dito ay wala na dito ang babaeng 'yan! I don't wanna see her face anymore!" Naiwan silang dalawa ni Jhonrec habang nakatingin sa likod ni Gillan na mabilis na lumabas ng bahay. "Bullshit!" Tumingin sa kanya si Jhonrec. "Ano na ang gagawin natin sa girlfriend niya?" "I don't know." He shrugged. Jhonrec smirked. "Okay then, ikaw na lang ang bahala sa kanya, Daryll. May importante pa nga pala akong pupuntahan." Bago pa siya makasagot ay tumakbo na palabas ng bahay si Jhonrec. Naiwan siyang mag-isang nakaupo sa couch. Ilang minuto pa siyang nakatingin sa kawalan hanggang sa napabuntong hininga na lang siya at tumayo na. Umakyat na siya sa kuwarto kung saan naroon ang babae. Pagbukas ni Daryll ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang babaeng nakahiga sa kama na wala pa ring malay. Lumapit siya rito at naupo sa gilid ng kamang kinahihigaan niyo. Ilang minuto siyang nakatitig sa maamong mukha ng babae bago niya na napagdesisyonan na ito'y buhatin na lang. "Bakit ko ba ito ginagawa? This is not me!" he whispered to himself while carrying the unconscious woman. Sinakay niya ang babae sa kanyang kotse at nilagyan ng seatbelt. Hindi niya alam kung saan ba ang bahay ng niyo kaya hindi niya alam kung saan niya ito ihahatid, hanggang sa napagdesisyonan na lang niya na dalhin ito sa kanyang bahay. While driving, Daryll couldn't avoid looking at the woman's face, hanggang sa napadpad ang kanyang tingin sa leeg nito kung saan makikita ang mga pasa. He immediately stopped his car on the side of the road. Dahan-dahan niyang hinawi ang buhok ng babae para makita ang leeg nito. "What the f**k! What kind of hickey is that?" tiim-bagang niyang bulalas nang makita ang leeg ng babae na puno ng kiss mark. He doesn't know if it can still be called kiss mark, mukha kasi itong pasa dahil kulay ube na talaga. Damn! Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang number ni Gillan. Nakailang ring bago nito sinagot. "Ano Daryll? Napaalis niyo na ba si Trina sa bahay ko?" Napakuyom siya ng kamao dahil sa tanong nito. "Paano mo ba itrato si Trina? Ganyan ka ba sa babaeng mahal mo?" Pagak naman natawa ang nasa kabilang linya. "Tinatanong mo kung paano ko siya itrato? Puwes parang isang prinsesa ang turing ko sa kanya!" Hindi niya alam kong matatawa ba siya sa sinabi nito o maiinis. "Really? Like a princess? Kaya ba puno ng kiss mark na mukhang pasa ang kanyang leeg?" Napahigpit ang hawak ni Daryll sa kanyang cellphone. Mapakla namang tumawa ang nasa kabilang linya. "Kiss mark? Damn! Hindi ako ang may gawa niyan!" "At sino naman ang may gawa kundi ikaw?" "Probably, the one who got her pregnant!" sigaw ni Gillan bago siya nito binabaan. Isang malakas na buntong hininga ang kumawala kay Daryll. Napasulyap muna siya babae bago muling pinatakbo ang sasakyan. Pagkarating sa kanyang bahay ay agad niyang inalis ang kanyang seatbelt. Akmang aalisin na rin niya ang seatbelt ng babae nang bigla itong gumalaw, hanggang sa tuluyan na nitong iminulat ang mga mata. "Nasaan ako?" nanghihina nitong tanong. "You're in my car." Napakunot naman ang noo ng babae na parang nagtataka. "Bakit ako nasa kotse mo? At sino ka?" "I'm Daryll Zandiego, and I'm the best friend of your Ex-boyfriend." Napabuntong hininga siya at sumandal sa upuan. "You're in my car dahil nawalan ka ng malay kanina, and Gillan doesn't want to see you anymore. So I was about to take you to your house but I don't know where it is." Napakla namang tumawa ang babae na kinatingin niya dito. "Anong sabi mo? Ayaw akong makita ng kaibigan mo?" tanong nito na kinatango niya. "Ang kapal naman ng mukha ng kaibigan mo at siya pa talaga ang may ganang magalit pagkatapos ng ginawa niyang pagtataksil!" Napakunot ang noo niya. "‘Di ba pareho naman kayong nagtaksil?" Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya ang babae. "At kailan naman ako nagtaksil sa kanya?" Napakamot na lang siya sa batok dahil sa tanong nito. "‘Yan ang hindi ko alam." Lihim siyang napamura. Damn it! Nagmamaang-maangan ba ito at hindi alam kong kailan nagtaksil? Eh buntis na nga! "Uuwi na ako sa bahay!" Akmang baba na ito ng kotse nang mabilis niyang pigilan sa braso. "Ihahatid na lang kita sa bahay mo, baka kung ano pa ang mangyari sa'yo dahil nawalan ka ng malay kanina." Mabilis niyang binitiwan ang braso nito dahil pakiramdam niya ay para siyang nakukuryente. Akmang lalabas ulit ito nang mabilis niyang ini-lock ang pinto ng kanyang kotse. "Ano ba! Buksan mo! Kaya ko namang maglakad!" Nagtataka siyang napatingin dito. "Maglalakad ka? Saan ba ang bahay mo?" Natigilan naman ang babae, at imbes na sumagot ito sa kanyang tanong ay sinabi na lang nito ang address ng bahay. Lihim namang napangiti si Daryll at napailing. Bibigay ka rin pala pinatagal mo pa! Habang nasa biyahe sila ay wala pa rin kibo ang babae kaya hindi na siya nakatiis. "You haven't introduced me yet." Napatikhim siya. "Can I know your name?" Shit! You already know her name, kaya bakit ka nagtatanong pa? It's Trina! "Trina," maiksi nitong sagot. "Trina lang talaga?" "Trina Nicodemus." Lihim siyang napangiti kasabay ng pagtibok ng puso niya na lihim niyang kinamura. "This is not good, damn it! Kailangan ko na sigurong magpa-check up," mahina niyang bulong sa sarili. "May sakit ka?" Trina looked at him, parang narinig yata ang kanyang sinabi. "H-huh?" Napatikhim siya. "H-Hindi naman sa gano'n." Napakamot sa siya batok at mahinang napatawa. "Pakiramdam ko lang kasi may sakit ako sa puso." Nagkibit-balikat lang si Trina sa kanyang sinabi. Makalipas ang mahabang biyahe ay huminto na ang kanilang sasakyan sa isang apartment. "Dito ka ba nakatira?" tanong niya kay Trina na agad naman nitong kinatango. "Sige, salamat na lang sa paghatid." He smiled. "You're welcome." Napabuntong hininga na lang si Daryll habang nakatingin sa likod ng papalayong babae. "You're beautiful, Trina..." he whispered. Akmang paandarin niya na ang kanyang kotse nang mapatingin siya sa pinto ng apartment ni Trina. Napakunot noo siya habang tinitingnan ang isang matabang babae na parang may tinatapon na mga gamit. Nang mapatingin siya kay Trina ay pinupulot naman nito ang mga pinagtapon ng matabang babae. He couldn't take it anymore and got out of his car. "Lumayas ka na rito! Ilang buwan ka nang hindi nakakabayad ng upa!" Fat lady shouts while getting stuff inside the apartment and throwing it out. "Lumayas ka! Hindi ko pinapatirahan ito nang libre!" Walang lumabas ni isang salita mula kay Trina at tahimik lang nitong pinupulot ang lahat ng mga tinapon ng matabang babae. Daryll couldn't stand it anymore. Mabilis siyang lumapit at tinulungan ito sa pagpulot ng mga nagkalat na gamit. "Bakit hindi ka pa umalis?" tanong ni Trina na parang nagulat pa nang makita siya. Malalim naman siyang bumuntong hininga bago sumagot sa babae. "Doon ka na lang muna tumira sa bahay ko." "Huwag na. Umalis ka na." Napailing-iling siya. "Tsk. Don't be hard headed anymore. Wala naman akong gagawing masama sa'yo. You're safe with me." "Huwag na nga sabi. Nakakahiya naman sa'yo," tanggi pa nito habang iniipon ang mga nagkalat na damit. Lihim na napangiti si Daryll. "Don't be shy anymore. Ituring mo na lang akong knight in shining armour mo," nakangiti niyang sabi kay Trina at hinawakan ang isang maleta, pero agad nitong pinigilan ang braso niya. "Ayoko magkaroon ng utang na loob kaya hindi ako titira sa bahay mo," walang emosyon nitong sagot. Akmang aagawin na nito ang hawak niyang maleta pero agad niyang iniwas. "If you don't want to owe me anything, then you can be my chef to pay for the living. I'm sure you're good at cooking," nakangiti niyang sagot bago binuhat ang maleta para ipasok sa kanyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD