Chapter 8

1245 Words
      PAGSALAMPAK niya ng upo sa sofa ay agad siyang pumikit. Mayamaya ay inunat niya ang mga paa at tuluyan nahiga. Kadarating lang ni Lia sa opisina ng manager niya.          “You look tired, where have you been?” tanong ni Sofie.          “In my office, may mga checke lang akong pinirmahan at nag-meeting kami ng Silhouette tungkol sa third branch na bubuksan ko.”          Lia is not just a model. She’s also a businesswoman. Sa ilang taon niyang pagmo-modelo, may mga negosyo na rin siyang naitayo. Gaya ng tatlong franchise ng Silhouette store na matatagpuan sa ilang major cities sa Metro Manila. Bukod doon ay may shares din siya sa negosyo ng kanilang pamilya.          “You look tired,” puna sa kanya ni Sofie, sabay abot sa kanya ng isang bote ng mineral water.          Huminga siya ng malalim at kinuha iyon saka uminom.          “I am tired, lagpas tanghali pa lang pero pagod na ako.”          “Dahil ‘yan sa kondisyon mo,” sabi pa niya.          “I know, but it’s okay, masaya pa rin ako,” sagot ni Lia sabay hawak sa puson. “I miss the feeling of being pregnant.”          “Eh, kumusta naman kayo ni Michael?”          Nagkibit-balikat siya. “Ayos naman, so far hindi naman kami nag-aaway. He always checks on me,” sagot ulit niya, ilang sandali lang ang lumipas ay biglang tumunog ang message alert tone ng kanyang phone. Nang tingnan kung sino ang nagpadala ng mensahe ay napangiti na lang siya.          “Speaking,” aniya sabay tingin kay Sofie. “It’s him. He’s asking kung naglunch na ako at kung may gusto akong pabili sa kanya mamaya. Susunduin ka na naman n’ya?”          Nakangiting tumango siya. Binigyan si Lia ng nanudyong ngiti ng Manager.          “Naks, iba na ‘yan ah, mukhang di na lang ‘yan para sa baby,” tukso nito.          Natawa lang siya. “Stop that, huwag kang intregera,” natatawang sagot niya.          “Sa tingin ko naman walang masama kung maging okay kayo. Kaysa naman gaya dati lagi kayong nag-aaway, everyone deserves a second chance you know. Unless, if you don’t love him anymore,” sabi pa ni Sofie.          Hindi siya nakakibo. Ni hindi niya masang-ayunan ang huling sinabi nito.          “Well, tama ka, mas okay ‘yong ganito,” tanging sagot lang niya.          “Anyway, wala ka bang morning sickness?”          Umiling siya. “So far, wala naman, madali lang talaga akong mapagod,” sagot niya.          “Don’t worry, sinigurado ko naman na magaan ang mga trabaho mo sa mga susunod na linggo. Binawasan ko na rin pala ang schedule mo per day and per week. I don’t want to push you too hard, kahit alam ko na okay ka lang, baka ibitin akong patiwarik ng asawa mo.”          Natawa si Lia sa sinabi ng Manager. “Nakausap ko na rin pala si Maddieson, dapat nga magpapa-schedule ako ng meeting na kasama ka. Kaya lang kailangan niyang lumipad pabalik ng New York asap, kaya ako na nagsabi sa kanya ng tungkol sa kondisyon mo.”          “Anong reaksiyon niya?”          “She’s so happy for you, and according to her, wala naman magiging problema sa kontrata mo kung mabuntis ka. Alam din naman natin na hindi sila mahigpit sa inyong mga models kapag tungkol sa personal n’yo ng buhay.”          “That’s great, then. But I should get all my schedule done before my baby bump grows bigger.”          “Right, mahihirapan na tayo kapag lumaki na si baby sa tiyan mo.”          “Okay, let’s get everything done as soon as possible,” aniya.          “Oo nga pala, maalala ko, how about Benj? Alam na ba niya?”          Nagkibit-balikat ulit siya. “Ewan ko, hindi ko naman siya nakakausap lately dahil nagpunta siya sa Australia. Ang alam ko kagabi lang siya nakabalik.”          “Are you planning to tell him? Alam mo naman na sobrang transparent no’n sa nararamdaman para sa’yo.”          “Yeah, I think I should tell him.”          “Siguradong masasaktan ‘yon. Pero wala naman din kayong relasyon, noon pa hindi ka rin naman nagsinungaling sa kanya na kaibigan lang turing mo sa kanya. He just made a choice to pursue his feelings for you, hindi mo naman siya pinaasa. Ang problema lang, he’s crazy over you. Baka guluhin kayo ni Michael.”          “Hindi naman siguro, mabait si Benj.”          “But what if… what if things between you and Michael get better. Don’t you think it’s about time for you to cut ties with Benj? Since siya ang naging ugat ng paghihiwalay ninyong mag-asawa noon. Panahon na siguro Lia para ibaba mo ang pride mo. Aminin natin, ginamit mo si Benj noon para pasakitan si Michael. Inayunan mo ang bintang niya noon, nagsinungaling ka at sinabi mong may relasyon kayo ni Benj para gumanti sa mga ginawa niya sa’yo, at kahit naghiwalay na kayong mag-asawa ay hindi mo pa rin pinutol ang pagkakaibigan mo kay Benj. Isang dahilan kaya hanggang ngayon ay akala pa rin ni Michael ay niloko mo talaga siya. Maybe it’s high time for you to tell him the truth.”          Napaisip ng malalim si Lia. Paano nga kaya kung tuluyan silang magkaayos ni Michael? Kaya ba niyang ilagay ulit sa peligro ang relasyon nilang mag-asawa?          “One piece of advice, Lia. Alam natin na iba ang trato sa’yo ni Benj. Kung para sa iyo walang dahilan ang kabaitan pinapakita mo sa kanya. Baka para sa kanya, iba ang kahulugan niyon. Uulitin ko, may gusto sa’yo si Benj. He’s crazy over you. Ngayon buntis ka na at magsasama na ulit kayo ni Michael. Hindi na tamang ipagpatuloy mo ang pagkakaibigan n’yo ni Benj, if you can call it friendship, dahil may gusto sa’yo ‘yong tao. Iwasan mo na siya.”          Tama si Sofie. Kung may kasalanan si Lia sa paghihiwalay nila ni Michael, iyon ay nakipagtaasan siya ng pride sa asawa. Masyado siyang nasaktan sa pang-aakusa nito sa kanya na niloko niya ito. Nasaktan siya dahil madali itong naniwala sa mga larawan na pinadala ng hindi pa niya nalalaman hanggang ngayon kung sino. Sa halip na ipaglaban ang relasyon, pinanindigan niya ang pagkakaibigan nila ni Benj. Ang katwiran niya noon, wala silang ginagawang masama ni Benj, they are not guilty of anything that’s why there’s no reason for her to avoid him. But now that she think about it deeply, nagkamali siya ng pinanindigan. Dahil sa galit kay Michael, nagawa niyang talikuran ang asawa. Nang mahimasmasan sa galit, nakaramdam ng pagsisisi si Lia. Kung sana’y pinaglaban niya si Michael. Kung sana’y nanindigan siya sa katotohanan. If she didn’t turned her back on him and left, marahil ay naisalba pa ang relasyon nilang dalawa. Pero kapwa malaki ang galit nila sa isa’t isa noon at naging sarado ang kanilang mga isipan. Hanggang sa lumipas ang panahon ay tila kasamang lumilipas ang masamang nangyari sa nakaraan.          “You’re right. Kailangan ko na siyang iwasan. I’ll try to talk to him,” sabi niya.          “Yeah, you should. Hindi mo siya pinaasa pero sa tuwing sumasama ka sa kanya, you’re still giving him hope.”          Tumango siya. “Yeah. I’ll call him later, sasabihin ko na ng maaga sa kanya. And please, ask Maddieson, pakisabi baka puwedeng mag-request ako ng ibang photographer para sa mga remaining shoot ko bago ako mag-maternity leave.”                  “Sure, I’ll do that.”          Lumapit siya sa manager at niyakap ito ng mahigpit.          “Thank you, Sofie.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD