“BILLY, kumusta?” tanong agad ni Michael pagdating sa restaurant kung saan pinagkasunduan nilang magkita.
Billy Lopez is his cousin. Magkapatid ang mga nanay nila pero hindi sila masyadong malapit nito, pero minsan ay nagkikita ang dalawa para pag-usapan ang negosyo, since he’s handling one of the company nder Lopez Group of Companies na pinamamahalaan niya. Nag-high five pa silang magpinsan bago naupo. Sa kanilang dalawa, si Billy ang masasabi nilang matalino. He’s studious and always the bright and a straight honor student. Palagi itong napupuri ng mga kamag-anak nila. Samantalang siya ay noon ay puro kalokohan ang ginagawa kaya may mga pagkakataon na palagi silang nakokompara noon.
Pero College na sila nang magloko sa pag-aaral si Billy. Bumagsak ang mga grades nito at naging sakit ng ulo ng mga magulang. Samantalang siya ay nagseseryoso na ng mga panahon na iyon. Mas matalino man si Billy, mas matiyaga at madiskarte si Michael. Kahit nahihirapan ay pinag-aralan nito ang pasikot-sikot sa negosyo. When Lia and him got married, kakaumpisa pa lang nitong magtrabaho sa sariling kompanya ng Lola nila. He started as a regular employee, he worked hard and made his way up, sa kabila ng maagang responsibilidad nito bilang asawa at ama.
Ang Daddy ni Billy ang dating may hawak ng buong Lopez Group of Companies. But after he died due to cardiac arrest. Inasahan ni Billy na sa kanya ipapasa ng ama ang pamamahala ng kompanya. Kaya laking gulat na lang ni Michael dahil sa kanya binigay ang posisyon. Ayon sa abogado ng Tiyuhin, iyon ay dahil daw napatunayan nito at ni Lola Martha na mas kaya niyang patakbuhin ang kompanya.
Natatandaan ni Michael na sumama ang loob noon ni Billy. Matagal itong nawala at hindi nagpakita sa kanila. Hanggang sa makalipas ang ilang taon ay bumalik ito. Tumulong ito sa pagpapatakbo ng Farm. At kalaunan, dahil pamilya naman sila, binigyan niya ito ng pagkakataon. Si Billy ang pinahawak niya ng Manufacturing Business nila.
“I’m good. How about you?”
“Same.”
Mayamaya ay lumapit ang waiter at binigyan sila menu. Matapos umorder ay muli siyang tumingin sa pinsan.
“Congratulations, I heard from Lola that Lia is pregnant, nagkabalikan na pala kayo.”
Natawa si Michael. “Thanks, but we’re not yet back together.”
“Really? Paano nangyari ‘yon?”
Napailing siya. “That’s another story, next time na natin pag-usapan.”
“Sure. Pero bakit mo nga pala ako gustong makausap?” tanong pa ni Billy.
“Wala, gusto lang kitang kumustahin.”
“I’m okay. Bihira na akong nakakauwi sa farm, masyado akong abala sa kompanya dito sa Manila.”
Huminga ng malalim si Michael at pinuno ng lakas ng loob ang dibdib. Ang totoo, iba ang pakay niya kaya siya nagyaya na kitain ang pinsan.
“Okay, I’ll be honest. Pinapunta kita dito dahil may mga nakakarating sa akin mga report, Billy.”
Kumunot ang noo nito.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Complains about you are flooding in. Nirereklamo ng mga tauhan mo, delayed ang sweldo nila, hindi nila natatanggap pati ang benefits nila, overworked, unpaid overtime. May mga reklamo pa kaming natanggap na pumapasok ka daw ng lasing at minsan nagwawala ka doon. The board wants you out of the company.”
Sumeryoso ang mukha ni Billy.
“Huwag kang maniwala sa kanila, Mike. Sinisiraan lang nila ako. Walang problema sa kompanya, trust me.”
Bumuntong-hininga si Michael.
“Of course, I trust you. Hindi ko naman ibibigay sa’yo ang pamamahala ng kompanya kung wala akong tiwala sa’yo. That’s why I came here, hindi bilang boss mo kung hindi bilang pamilya dahil ayokong malaman mo sa iba. And I’m also here to offer you some help, kung may kailangan ka o kung may maibibigay akong tulong para maayos ang problema sa kompanya, just tell me.”
Nahalata niya na tila pilit ang ngiti nito. Bukod doon ay nanginginig ang kamay nito at pinagpapawisan ng butil-butil sa noo. Hindi agad ito nakakibo. Napakunot noo si Michael dahil para siyang namalikmata dahil nahuli niyang masama ang tingin sa kanya ni Billy nang iangat ang tingin.
“Hey, are you okay?” untag niya.
Doon kumurap si Billy at ngumiti.
“Huh? Yes… yeah, don’t worry. I heard you. Tatawagan kita kung may kailangan ako,” sagot nito.
Eksaktong kadarating ng pagkain nila.
“Let’s eat, my treat, dahil magkakaanak ka na ulit,” nakangiting sa sabi sa kanya ng pinsan.
“Thank you.”
PAGDATING kanina sa venue kung saan gaganapin ang fashion show. Nagpahinga lang sandali si Lia bago sinuot ang kanyang high heeled shoes. Pagkatapos ay sumabak na siya sa rehearsal. They first rehearse their walk on the runway. Then, they rehearse again, this time wearing the huge wings on their back. And last, they rehearse in full make-up with costume. Para makita sa camera ang rehistro ng mukha nila para malaman kung tama lang ang make-up nila o kailangan bawasan o dagdagan. Sa isang linggo na kasi ang fashion show kaya puspusan na ang rehearsal nila.
Lumipas ang oras nang hindi namamalayan ni Lia. Lumakad lang naman siya maghapon sa runway pero daig pa niya ang nag-work out maghapon. She was so tired and her feet hurts from walking in heels. Gusto na niyang umuwi at matulog. Nasa parking lot na sila ni Sofie nang bigla siyang matigilan nang maabutan kung sino ang naghihintay sa kanya doon. Nakasandal ito sa pader habang abala sa kakapindot sa cellphone.
“Michael?”
Agad siyang sinalubong nito ng ngiti nang umangat ang mukha.
“Hi!”
“Anong ginagawa mo dito?”
“Wala lang. Gusto lang sana kitang imbitahan para mag-dinner.”
Nagkatinginan sila ni Sofie. Ngumiti ito at tinapik siya sa likod.
“You should go. Kailangan mo mag-unwind para maalis ang stress mo. Alam ko pagod ka.”
Tumikhim si Michael. “It seems like I came at the right time. So, let’s go?”
“Joy, ikaw na ang bahala sa gamit ko,” bilin niya sa Personal Assistant na nag-aasikaso palagi ng kanyang gamit.
“Okay po.”
“Idadaan na lang namin ‘to sa inyo,” sabi pa ni Sofie.
“Thank you!” sagot niya.
Pagsakay pa lang ng kotse ay agad siyang sumandal at pumikit.
“Kumusta ka na?”
“Pagod ako, at nagugutom ako.”
“Don’t push yourself too hard, baka mapaano kayo ng baby natin.”
“Huwag kang mag-alala, rehearsal lang naman ang ginawa ko maghapon. It’s just that, madali lang akong mapagod talaga ngayon. Eh, saan pala tayo pupunta?” tanong pa niya.
“To have dinner, at my house.”
Doon siya dumilat at may pagdududang tumingin dito.
“What?” natatawang tanong nito nang makitang nakatingin siya.
“Huwag kang gagawa ng kalokohan, sinasabi ko sa’yo,” banta niya.
“Masyado kang tamang hinala. Just close your eyes and sleep, I know you’re tired.”
Hindi na niya pinansin ito hanggang sa hindi namalayan ni Lia na nakatulog na nga siya. Nang dumilat ay naroon na siya sa isang estrangherong bakuran at kakaparada lang ng kotseng sinasakyan doon.
“Nasaan tayo?” tanong pa niya bago nag-inat.
“Sa bahay ko.”
Sumilip siya sa labas ng bintana at tiningnan ang malaking bahay nito.
“You got a nice house, huh?” puri pa niya.
“Thanks. Let’s go.”
Pagbaba niya ng kotse ay hinubad ni Lia ang suot na sapatos.
“Bakit ka nagpaa?” nagtatakang tanong ni Michael.
“I hope you don’t mind. Masakit na paa ko dahil kaninang tanghali pa ako nakasuot ng heels,” sagot niya saka dumiretso sa loob ng bahay na para bang doon siya nakatira.
Natigilan si Lia nang bumungad sa kanya ang malaking painting ng isang batang babae. Agad nangilid ang luha niya at tulala na nilapitan iyon.
“She’s beautiful,” narinig niyang sabi ni Michael.
Umangat ang kamay niya at maingat na hinawakan ang painting.
“She looks so alive.”
“I missed her.”
“Avery,” she whispered.
Muling bumalik ang lungkot sa kanyang puso. Ang sakit na dulot ng mga pangyayari limang taon na ang nakakalipas. Mayamaya ay biglang inalis ni Lia ang tingin sa painting at pasimpleng pinunasan ang luha.
“Sino ang kasama mo dito? Your girlfriend?”
“Wala akong girlfriend.”
Nang tumalikod ay naglakad siya papunta sa kusina. For some reason, she doesn’t feel awkward in that house. Kahit may galit sa dating asawa, hindi pa rin nawawala ang pagiging kampante niya dito. Like today, she walks around his house as if it’s also hers. Pagkatapos ay lumingon siya at binigyan ito ng nagdududang tingin.
“I don’t believe you.”
Tumawa lang ito.
“Bahala ka kung ayaw mo maniwala. I had date before but I didn’t date anyone officially.”
Tumango-tango ito. “Tama pala ang nababalitaan ko noon. I have acquiantances who told me that they dated you,” sabi niya.
“And? Anong sabi mo sa kanila?”
Nagkibit-balikat siya. “Wala. Saka bakit ko sasabihin hindi naman nila alam na asawa kita.”
Marahan itong natawa. “Hindi ko alam na interesado ka pala sa personal na buhay ko.”
“Not really, nagkataon lang na isa kang kilalang businessman at nabalitaan ko sa TV ang tungkol sa inyo. All the ladies’s eyes are on you because they believed you’re an illegible bachelor. Ang mga kasama kong models ay mga may gusto rin sa’yo. That’s why I know.”
“How about you? Si Benj, hindi ka masyadong nagku-kuwento tungkol sa kanya.”
Natigilan si Lia. Iyon na ba ang panahon para sabihin niya ang totoo kay Michael? Na wala naman talaga silang relasyon ni Benj. Pero paano kung gaya ng nangyari dati ay hindi na naman ito maniwala at mauwi na naman sa away ang pagkikita nila ngayon?
Tumikhim siya at ngumiti.
“Huwag natin pag-usapan ang taong wala dito,” paiwas na sagot niya.
“Can I use your bathroom? Maghuhugas lang ako ng paa,” mayamaya ay tanong niya.
“Sure. Sa second floor, the last room down the hallway,” sagot ni Michael.
“Salamat.”
Pinuntahan ni Lia ang silid na tinuro nito, pagpasok niya sa loob ay muli na naman siyang natigilan. Naka-display doon sa ibabaw ng bedside table nito ang family picture nila. May kung anong mainit na damdamin ang humaplos sa kanyang puso. Pero agad din iyon tinaboy ni Lia at pumasok na sa banyo.
Hinugasan niya lang ang mga paa pagkatapos ay tinitigan ang sarili sa salamin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na makalipas ang limang taon,
heto na naman siya at kasama ang dating asawa.
“Lia, are you done? Food is ready,” narinig niyang tanong ni Michael mula sa labas ng banyo.
“Oo, lalabas na.”
Paglabas nga ng banyo ay naabutan niya itong nakaupo sa gilid ng kama. Napatingin siya sa kama ng tapikin nito ang ibabaw niyon. Nakuha niya ang ibig nitong sabihin at naupo siya doon. Pagkatapos ay tumayo ito, kumuha ng towel at naupo sa sahig sa tapat niya ay pinunasan ang kanyang mga paa. Again, memories flooded in her mind. Michael always does this. Everytime she washes her feet or her hands. He will always wipe them for her. Isa iyon sa mga paglalambing nito sa kanya.
“Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Simula ng magkita tayo ulit at parang bumait ka na sa akin ulit. Samantalang dati, halos isumpa natin ang isa’t isa sa galit. You never called me, since then. Now, this?”
Nagkibit-balikat siya. “Lumilipas ang panahon, Lia. At gaya ng sinabi ko sa’yo, aalagaan kita, kayo ng magiging anak natin. I don’t want to stress you out bringing back the past. Nakalipas na ‘yon at nandito tayo sa kasalukuyan. Iyon ang importante.”
Bumuntong-hininga siya.
“Mike, gaano ka nakakasiguro na magkakasundo ulit tayo kung magsasama tayo sa iisang bubong.”
Bahagya itong natawa nang tumingala sa kanya.
“I’m pretty confident. Dahil kung kailangan ako ang mag-adjust, gagawin ko. Ayoko lang na may ibang mag-alaga sa mag-ina ko.”
Hindi siya nakakibo at agad nakuha ang ibig nitong sabihin. Si Benj ang tinutukoy nito. Bumuntong-hininga at tumayo bago muling lumingon dito.
“Es ist immer noch Sie, es wird immer Sie sein,” komento niya sa wikang German, pagkatapos ay lihim siyang napangiti. What she said means, it’s still you, it will be forever you. Pero siyempre, wala siyang balak sabihin kay Michael iyon.
“Ha? Teka lang, hindi ko maintindihan.”
“Ewan ko sa’yo Michael Lopez, ang slow mo,” natatawang sagot niya saka iniwan ito sa kuwarto.
“Ha?! Sandali, ang daya naman, I don’t speak German!” habol nito sa kanya.
Hindi napigilan ni Lia ang tulyan matawa at hindi na sinagot ang pangungulit.
“Nagugutom na kami ng anak mo, kumain na tayo!” pag-iiba na niya sa usapan.