Chapter 6

3020 Words
“LANI, how’s the dinner reservation for later?” tanong ni Michael matapos ilatag ng sekretarya ang mga susunod na schedule niya para sa araw na iyon. “Yes Sir. As per your suggestion, Sir. I called your wife and ask for suggestions and she said to check Hotel Santillan restaurant. I already booked a reservation for a VIP room for seven people for a dinner later.” Bahagyang natigilan si Michael at wala sa loob na napangiti nang banggitin nito ang salitang “wife”. Kaysarap pa rin pakinggan sa pandinig ang salitang iyon. Hindi niya alam bakit may hatid na kilig iyon sa kanyang damdamin. Tama si Lia, hindi ba dapat galit siya? Pero paano na ganito pa siya kasaya matapos malaman na nagbunga ang isang gabi nilang muling pagsisiping? Maybe because, once he was a father and once, he was a husband. Kahit ano man ang nangyari sa kanila ni Lia noon, hindi pa rin maaring itanggi ni Michael na hindi pa rin namamatay ang damdamin niya para sa asawa. Ngunit ang labis niyang pagmamahal din ang naging mitsa ng pagkasira ng relasyon nila. When he was enraged with so much anger because of jealousy. Naputol ang pag-iisip niya nang muling magsalita si Lani. “Sir, mukhang may magandang nangyari kanina. Dahil po ba dumalaw si Ma’am Lia?” Ngumiti siya at sumandal sa backrest ng swivel chair. “She’s pregnant, Lani.” Nanlaki ang mata nito sa gulat at tumatalon at pumapalakpak pa sa sobrang saya. “Talaga po?! Naku, Sir, congratulations! Ibig sabihin nagkabalikan na kayo?” Huminga siya ng malalim at umiling. Isa si Lani sa mga mapagkakatiwalaan niyang empleyado. Magka-edad sila halos nito, isa ito sa iilan tao na nakakausap niya tungkol sa mga personal na problema. Maging ang nangyaring gulo noon sa relasyon nila ni Lia ay alam nito. “Mahabang kuwento pero hindi kami nagkabalikan. At least not yet, pag-uusapan pa namin dalawa at ng mga pamilya namin. Dahil ang priority ko ay ang kapakanan ng baby at ang safety ni Lia.” “Magiging masaya kaming nakasaksi ng pag-iibigan ninyo noon kapag nagkaayos kayong dalawa ni Ma’am.” “Salamat.” “Pero Sir… paano si Imee?” Unti-unting napalis ang kanyang ngiti. “Ako nang bahala sa kanya.” Ilang sandali pa ay dumating ang pinag-uusapan nila. Sabay pa silang lumingon ni Lani nang pumasok ito sa opisina niya. “You may go now,” sabi pa niya sa Sekretarya. “Hey Mike, kumusta?” tanong ni Imee. “I’m great. How’s Singapore?” Halos dalawang buwan itong nawala at doon naglagi dahil sa pinapatayong branch ng negosyo nito doon. “It’s good. But I missed Philippines more,” sabi nito saka umikot sa mesa niya at upo sa kandungan niya. “And I missed you,” nang-aakit na tinig na sagot nito at akma siyang hahalikan sa labi. Huminga siya ng malalim at marahan tinulak ito palayo hanggang sa umalis ito sa pagkakaupo sa kanya. Tumayo si Michael at humarap sa glass wall saka tumanaw sa kalawakan ng siyudad. “You just came in time because I have something to tell you.” Napakunot noo ito. “What is it? Parang masyado ka naman yatang seryoso? How about let’s talk about that over dinner in my place, what do you think?” nakangiti pang tanong nito saka niyapos ang mga braso sa braso niya. Agad iyong binawi ni Michael at hinawakan sa magkabilang balikat at bahagyang nilayo si Imee. “Hindi, kailangan ko nang sabihin sa’yo ‘to ngayon.” “Ano ba kasi ‘yan?” “Let’s stop seeing each other, Imee. Tigilan na natin ano man ang mayroon tayo ngayon.” Hindi agad nakakibo ang babae sa gulat. “W-Why? M-may problema ba? May nagawa ba ako?” Huminga siya ng malalim. “Buntis si Lia at ako ang ama. Nakapagdesisyon na ako, pananagutan ko sila ng magiging anak ko.” Bumukas ang pagkagulat sa mukha nito. Hindi nakapagsalita ang babae at humakbang na lang paatras pagkatapos ay humarap din sa glass wall at tumanaw sa labas. “Gaano ka nakakasiguro na sa’yo ‘yon?” “Kilala ko si Lia, hindi iyon gagawa ng kuwento lalo na’t may involve na bata.” “At naniwala ka naman?!” galit na bulalas nito. Nang humarap si Imee ay umiiyak na ito. “Anong malay mo kung pinipikot ka lang niya?! Ang dali mo naman makalimot, Michael! She cheated on you! Kaya nga kayo naghiwalay, di ba?!” Lumapit ito sa desk niya at binuksan ang pinakababang drawer at may kinuhang brown envelope at nilabas mula doon ang printed copy ng online news na kumalat tungkol sa umano’y relasyon ni Lia at Benj. “These pictures don’t lie! It was all over the news! Kung alam lang ng mga tao noon na may asawa siyang tao! Malamang sira na ang reputasyon at career n’ya! Ano? Magpapaloko ka na naman?!” Inagaw ni Michael ang mga larawan at nilamukos iyon saka tinapon kung saan. “Shut up! I don’t care about that anymore!” galit na sigaw niya. Natigilan si Imee at napatulala na lang sa kanya. “Wala na akong pakialam sa nangyari noon! Kung ang batang pinagbubuntis niya ang magiging daan para mabuo ang pamilya ko, then, so be it. Nakahanda kong kalimutan ang lahat!” “That’s unfair, you’re so unfair! Paano na lang ako?! Basta mo na lang ako iiwan? Dahil mo na ako kailangan?!” Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Michael. “Bakit Imee? Ano ba tayo? Ano bang mayroon tayo? Nakalimutan mo na ba ang kasunduan natin? Ikaw mismo ang nag-suggest nito. To be friends with benefits. f**k buddies, o kung ano pang gusto mong itawag sa relasyon na ‘to. Ginagamit lang natin ang isa’t isa para makaraos ang init ng katawan natin. Do I even have to remind you that it was also you who said that no feelings should be involve, no romantic and emotional attachment, just pure s*x? Kailangan ko pa bang ipaalala rin sa’yo na ang usapan natin, if any of us wants to settle down with someone else, hindi natin ililihim iyon at sasabihin natin agad sa isa’t isa. Then, we will stop. Walang pipigil sa desisyon ng bawat isa. No strings attached. Nagkataon lang na si Lia pa rin. At hindi ako nagsinungaling sa’yo dati pa, alam mo na noon pa man, na sa kabila ng mga nangyari, si Lia pa rin ang mahal ko at walang pinagbago ‘yon!” Humagulgol ng iyak si Imee. “Pero mahal kita, Michael! Pumayag ako sa ganoong set up dahil mahal na mahal kita noon pa man na una kitang makilala! I made that set up, para mabaling sa akin ang tingin mo. Para ma-realize mo na ako ang nasa tabi mo, na ako ang kailangan mo! I want you for myself! At umasa ako na sa paglipas ng panahon na makakalimutan mo ang babaeng iyon at matututunan mo akong mahalin!” Isang sarkastikong tawa ang kumawala sa kanyang bibig. Napailing na lang siya at hindi makapaniwala sa narinig. “Anong mayroon ang babaeng ‘yon? Ha? Nawala lang ako ng dalawang buwan, pagbalik ko bigla nang nagbago ang ihip ng hangin! Bakit siya na naman? Bakit hindi ako?!” naghihisterikal na tanong nito. “She is my wife.” Natigilan ito at tuluyang natahimik. “Don’t act as if I cheated on you. Dahil kapag lumalandi ka sa ibang lalaki, wala kang naririnig sa akin.” Bumukas ang gulat sa mukha nito. “Nagulat ka dahil alam ko? Hindi ako bulag at bingi, Imee. I witness how you secretly flirt with my friends. Sila mismo ang nagsasabi sa akin na may nangyari sa inyo. My friends warned me about you, pero hindi ako nakinig. Hindi ako kumibo dahil gaya nila, hanggang kama lang naman ang relasyon natin. No more. No less. Tapos ngayon, paandaran mo ako ng ganyan? Uulitin ko, kung ano man estado ng relasyon o pagkakaibigan natin. Ikaw ang may kagustuhan no’n at hindi ako.” Wala itong nagawa kung hindi ang mapaiyak na lang. “Sabihin mo sa akin, Michael. Kahit ba minsan, naisip mo ba na seryosohin man lang ako? Did you ever love me or at least like me?” Humugot siya ng hininga. “Yes,” pag-amin niya. “Once I felt that I’m already liking you more than just a friend. There’s one day that I was about to ask you to be my girlfriend formally, pero nang araw din iyon, that was also the day I first knew that you are not just f*cking me and but also my friends. Pinaglalaruan mo kami sa mga palad mo. Nakausap ko ang isa sa mga kaibigan ko at sinabi niya sa akin na may nangyari sa inyo, at marami pang kuwento na gaya no’n ang nakarating sa akin. Nang sandaling iyon, napatunayan ko na hindi ka seryoso. You just used me, so, I used you too.” Sunod-sunod itong umiling at puno ng panghihinayang. “No, no. Ikaw ang mahal ko, Michael. Ikaw lang! Please let’s start over again,” pagmamakaawa nito at akmang hahawakan siya sa mukha pero nilayo niya ang sarili. “I’m sorry, Imee, but it’s too late. Hindi ako naniniwala sa pagmamahal na sinasabi mo. Nakapagdesisyon na ako simula nang malaman kong buntis si Lia. Bubuuin ko ang pamilya ko. Kung kinakailangan kong kalimutan ang mga nangyari noon, gagawin ko. Hindi ko lang ito gagawin para sa akin, kung hindi para na rin kay Avery. Because I’m sure, that’s what she wants. Ang makitang magkasundo at magkasama ang mga magulang niya.” “Michael, please…” Huminga siya ng malalim. “I’m really sorry, Imee. Hindi ko sinasadya na paasahin ka, with the kind of set up that we had, hindi ko naisip na aasa ka. Pakiusap ko lang, kung talagang mahal mo ako, gaya ng sinasabi mo, let me go. Hayaan mo na mabuo ang pamilya ko. And please, don’t come here anymore anytime you want unless it’s about business. I’m serious when I said, I want to give me and Lia a chance. Ayokong pagsimulan ‘to ng away na naman namin.” Malakas na hinampas nito ang ibabaw ng office table niya. “You cannot throw me away like this! Hindi ako papayag! Ang tagal kong tiniis na sa tuwing may mangyayari sa atin ay ang Lia na ‘yon ang madalas mong bukambibig! You were calling her name while f*cking me, pero wala kang reklamong narinig sa akin! Pagkatapos, ganito lang?! Ganito lang ang mapapala ko?!” bulalas nito saka mabilis na lumabas ng opisina niya. Bumuntong-hininga siya at napailing na lang. Inaasahan ni Michael na magagalit si Imee, pero hindi niya inaasahan na mas malala pa ang magiging reaksiyon nito. Mayamaya ay pumasok ulit si Lani. “Sir, okay lang po kayo? Narinig namin sa labas ang pag-aaway n’yo.” Pumikit siya saka marahan hinilot ang sentido at muling huminga ng malalim. “Yes, I’m okay.” Tumikhim ito at dinampot ang mga nilamukos niyang mga pictures ni Lia at Benj, pagkatapos ay nilapag iyon sa ibabaw ng mesa niya. “Sir, may gusto po sana akong sabihin,” wika nito. Napakunot-noo siya. “Tungkol saan?” “Ito pong mga news article, kung sino man po ang nagpadala nito sa mga reporters. Nakakasiguro po ako na intensiyon niya na masira kayong mag-asawa. Hindi po ba kayo nagtataka? Lumabas ang balitang ito sa mga panahon na lugmok kayo sa lungkot at nagluluksa kayo. Sa mga panahon na magulo ang isip ninyo dahil sa pagkawala ni Avery. Naisip ko lang po kasi, na parang may nagsamantala sa sitwasyon n’yo at ginamit iyon para magkahiwalay kayo ni Ma’am Lia. Kasi ako, Sir, kahit kailan hindi po ako naniwala na kaya kayong lokohin ni Ma’am. Nakita ko kung gaano niya kayo kamahal, at wala sa ugali niya na gagawa ng ganoon. Mabait at disente siyang babae. Kaya nang malaman ko na buntis ulit si Ma’am, sobrang saya ko, matagal ko na po kasi pinapanalangin na magkabalikan kayo. Sana po Sir, subukan n’yo ulit na maayos ang relasyon n’yo.” Hindi nakakibo si Michael. Tama. May katwiran si Lani. Ngayon na hindi na tuliro ang kanyang utak, ngayon lang niya napag-isipan ang lahat ng naganap noon. “So, what do you suggest?” “Bakit hindi n’yo po ipahanap kung sino ang nagbigay ng pictures na ‘yon sa reporter na naglabas ng balita?” Huminga siya ng malalim at tumingin sa labas ng gusali, saka sinilid sa bulsa ng slacks na suot niya. “Find me a trusted private investigator,” utos niya. “Yes Sir,” mabilis na sagot ni Lani. “Tawagin n’yo lang ako po ako kung may iba pa kayong kailangan.” “Salamat…” Akmang lalabas na ang Sekretarya niya nang biglang may maalala. “And Lani, simula ngayon, huwag mo nang hahayaan na basta pumasok dito sa opisina si Imee ng walang appointment at kung hindi tungkol sa trabaho ang pakay niya.” “Okay po. Ah Sir, may isang tanong na lang po sana ako,” sabi pa nito. “Ano ‘yon?” “Iyong tungkol po sa inyo ni Imee, sasabihin n’yo po kay Ma’am Lia?” Napaisip si Michael, mayamaya ay umiling. “Hindi ko pa alam. Maybe not now, or not so soon. Kung maaayos pa ang relasyon namin mag-asawa, natatakot ako na baka makaapekto sa amin ‘yon.” “Eh Sir, hindi po ba dapat, habang mas maaga sabihin n’yo na. Baka po kasi maging mitsa na naman ng paghihiwalay n’yo kapag sa iba pa nalaman ni Ma’am Lia ang tungkol kay Imee, or worst, baka siya mismo magsabi kay Ma’am. Mas malaking gulo.” Humugot ng malalim na hininga si Michael. Tama si Lani. Pero sa hindi malaman dahilan, nauunahan siya ng takot ngayon pa lang. “Thanks Lani, hayaan mo, pag-iisipan ko lahat ng sinabi mo.” “You’re welcome, Sir.” Nang sa walas ay maiwan siyang mag-isa, lumapit si Michael sa sofa at doon sumalampak ng upo. He rests the back of his head on the back rest and closed his eyes. Imee Rosales is a business associate. Noon pa man, bago pa sila maghiwalay ni Lia ay magkakilala na sila nito nang magkaroon sila ng business venture. Mas matanda ito sa kanya ng walong taon. Magaling sa negosyo si Imee at marami siyang natutunan dito kaya nagkasundo agad sila nito. She’s a friend, more like a best friend. Kapag may problema siya, personal man o negosyo, si Imee ang palagi niyang takbuhan. Nang mawala si Avery, gumuho ang kanyang mundo. Bilang padre de pamilya, pakiramdam ni Michael ay napakahina niya dahil wala siyang nagawa para gumaling ang anak sa sakit. Nang makita niyang nilalamon ng lungkot at depresiyon si Lia, hindi niya alam ang gagawin. He secludes himself and grieved alone. He blamed himself for what happened to his daughter and for what’s happening to Lia during those times. Hanggang isang araw, nakarating sa kanya ang balita na muling bumalik sa pagtatrabaho bilang modelo si Lia. Hindi basta model ng kung anong damit kung hindi underwear. Nagalit siya ng husto dahil nagdesisyon ito nang hindi niya nalalaman. Wala na siyang nagawa kung hindi ang hayaan itong magtrabaho. Pero ilang linggo pa lang ang nakakaraan, may nagpadala sa kanya ng isang envelope, nakita na lang niya iyon na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa. Nang tanungin niya si Lani noon ay hindi rin daw nito alam kung kanino galing iyon. Gumuho ang mundo ni Michael nang makita ang laman. Mga larawan ni Lia habang may kasama itong ibang lalaki, and one photo really broke his heart. Sa isang parking lot, Lia and that man is about to kiss. Iyon ang naging mitsa ng malaking away nilang mag-asawa. Hindi inamin ni Lia ang relasyon hanggang sa huli ay nanindigan ito na walang ginagawang masama. Pero sa tuwina ay palagi nitong kasama ang lalaking iyon na sa huli ay nalaman niyang Benj ang pangalan. Nauwi sila sa hiwalayan, nagdesisyon itong umalis at tuluyan nakipag-hiwalay sa kanya. Lia asked for an annulment, pero hindi niya iyon binigay. Para sa kanya, ganti niya ito iyon. Hindi siya papayag na maging masaya ito sa iba. Lia carrying his last name became a constant reminder that he will never let her happy with another man. And Imee is the one who stayed beside him while mending a broken heart. Mahigit dalawang taon pa ang lumipas bago nagsimula ang relasyon nila ni Imee na friends with benefits. Nagsimula iyon sa isang party, umuwi sila ng sabay at sa kotse ay bigla siyang hinalikan nito. A man like him during those times, broken and deprived from s*x, bumigay si Michael at may nangyari sa kanila. Hanggang sa nasundan ang isang beses at nauwi sa kasunduan na ituloy ang ganoon set up. What he said earlier about taking their relationship seriously is true. He wanted to move on from Lia. Gusto na niyang tuluyan itong kalimutan, baka sakaling mawala ang abot-langit na pagmamahal niya dito. Kaya naisipan niyang subukan na seryosohin ang mayroon sila ni Imee. Pero nagbago ang isip niya nang malaman na bukod sa kanya ay nakikipaglaro rin ito sa ibang lalaki. Hanggang sa kalaunan, na-realize niya na hindi pa rin pala niya kayang palitan si Lia. Mahal niya pa rin ito sa kabila ng lahat. After five years of being separated, when Michael saw his wife again after a long time. His heart beats again. Gaya ng kung paano ito tumibok nang unang beses niya itong makita. Matapos may mangyari ulit sa kanilang mag-asawa matapos ang mahabang panahon. He realized he needed her again in his life. Pero gaya ni Lia, natatakot din siya. Ang pagkakaiba lang nilang dalawa, he’s willing to take the risk again. But she avoided him. Kaya hinayaan na muna niya ito. But getting her pregnant is totally beyond his expectation. Michael thought of it as a sign for them to give it a try. To build his family again and give each other a chance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD