HALOS hindi kumukurap si Michael habang nakatitig sa hawak na pregnancy test at ultrasound result. Hindi siya sigurado kung tama ang nakikita niya at narinig mula kay Lia. He looked at her again.
“Wait… ulitin mo nga ang sinabi mo,” hindi makapaniwalang tanong niya.
She rolled her eyes and go back to the sofa and sat.
“I said, I’m pregnant,” ulit nga nito.
Sumunod siya at naupo sa tabi nito.
“Are you sure?”
Bumuntong-hininga si Lia at tinapik ang hawak niya. “Ayan na nga oh. And don’t even ask me kung ikaw ang ama dahil sasapakin kita talaga. Walang ibang lalaking gumagalaw sa akin. Ikaw ang huling naka-s*x ko bago tayo naghiwalay at eksakto ang bilang n’yan simula nang may nangyari sa atin.”
Doon siya natawa at napailing. “I’m not even thinking about that!”
“Inuunahan na kita, buti na ‘yong sigurado,” depensa ni Lia sabay irap.
Bumalik ang tingin sa kanya nito nang mapansin na natahimik ito. Nakita ni Lia na tila malalim itong nag-iisip, mayamaya ay sinalubong niya ito ng tingin.
“What did you say again? Walang ibang gumalaw sa’yo sa nakalipas na limang taon? Ako lang?”
Napailing ito. “Eto na naman tayo, utang ng loob ayoko mag-away tayo. Not today.”
“Answer me, Lia. Walang nangyari sa inyo ni Benj?” tila hindi makapaniwalang tanong niya.
Nilapit nito ng sadya ang mukha sa kanya at hindi kumukurap na tinitigan siya sa mata.
“Wala. Walang nangyari sa amin at kahit kailan hindi naging kami. Noon,
hanggang ngayon, wala. At kahit hanggang sa kamatayan, I will stand firm with my truth. I didn’t cheat on you.”
Nawalan na naman siya ng kibo at malalim ulit na napaisip. Simula noon, hanggang ngayon, buo ang loob at paninindigan ni Lia na hindi siya nito niloko. Ngayon na maayos na ang takbo ng kanyang isipan, di gaya noon na magulo at tuliro siya dahil sa pinagsama-samang lungkot at pagluluksa dahil sa pagkamatay ni Avery. Naging sarado ang kanyang isipan at hindi na pinakinggan ito at mas pinaniwalaan ang pictures na pinadala sa kanya. Pero hanggang sa bago sila magkita muli sa personal ni Lia, nababalitaan na niya mula sa mga kakilala na palaging magkasama si Lia at Benj. Bukod pa doon ang ilang pagkakataon na siya mismo ang nakakita sa dalawang magkasama.
Ano ba talaga ang totoo? Paano nga kung nagsasabi ng totoo si Lia na wala nga itong relasyon sa Benj na iyon? Naputol ang pag-iisip ni Michael nang ngumiti ang babae at tinapik siya sa braso.
“Saka mo na isipin ang sinabi ko. Ang mahalaga ‘yong kalagayan ko ngayon.”
Ngumiti ito. “If that’s the case, I’m flattered to know that I’m the last man you made love with.”
Sarkastikong ngumiti ito at pabiro at mahina siyang tinapik sa pisngi.
“Stop being so proud, Mister Lopez. Ano na ngayon ang gagawin natin?” salubong ang kilay na tanong nito.
Ngumiti siya at nilapag sa ibabaw ng coffee table ang hawak na PT at ultrasound result pagkatapos ay hinawakan ito sa kamay sabay hila at yakap kay Lia ng mahigpit.
“Anong ano ang gagawin natin? Siyempre pananagutan ko ‘yan. Let’s set a dinner with our families and tell them the good news.”
Marahan siyang tinulak nito.
“Alam ko na ‘yon, pero Michael, hiwalay na tayo. May kanya-kanya na tayong buhay. We hurt each other so much in the past. Nakalimutan mo na ba kung gaano
kalaki ang galit mo sa akin? Why are you still acting as if nothing happened? And it scares me every time I think about it. It gives me Anxiety. Paano nangyari na naging madali lang bigla sa iyo ang lahat?” puno ng pag-aalalang litanya nito.
Sumeryoso ang mukha ni Michael at puno iyon ng emosyon.
“Maniwala ka man o hindi pero hindi ko rin alam. When I went at your house to talk to you about Lola Martha, kinakabahan ako no’n. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang Daddy at mga kapatid mo matapos ang mga nangyari. Hindi ko alam kung paano kita kakausapin. Limang taon tayong hindi nagkita o nag-usap man lang, kaya puno ako ng pag-aalala na baka sa away na naman mauwi ang pag-uusap natin. Na baka maalala ko na naman ang nakaraan at masaktan na naman ako. But I didn’t feel any of that as soon as I saw you. That day I realized that I missed you, I missed my wife,” pag-amin ni Michael.
Humawak siya sa puson nito.
“Sabi mo nga huwag muna natin isipin ang tungkol sa nakaraan. Puwede bang ‘yong baby muna natin ang alalahanin natin ngayon? Because I’m so happy right now, Lia. I missed being a dad. I missed my family.”
Napangiti siya nang yakapin itong muli at gumanti naman ito ng yakap.
“Thank you for this amazing surprise. I’m so happy, really happy. It made my day.”
Tinapik siya nito sa likod.
“Ano bang thank you, eh tayong dalawa ang gumawa nito.”
Natawa siya at mas mahigpit itong niyakap.
“And you were amazing that night, hindi ka pa rin nagbabago, puwede bang ulitin natin?” pabirong sabi pa niya.
Natawa ito ng malakas sabay kurot sa kanya sa tagiliran.
“Aray!” malakas na daing niya kaya napahiwalay siya ng wala sa oras.
“Shut up! Ang dami mo nang sinabi,” natatawa pa rin na saway nito sa kanya
sabay tayo. “Anyway, I have to go. May schedule pa ako in an hour.”
“Okay, let’s meet again later. I’ll call you, and please answer it now.”
Ngumiti ito. “Oo na, wala naman akong choice ngayon eh,” pabirong sagot.
“Wala ba akong goodbye kiss?” pang-aasar pa niya.
“Gago!” pabirong singhal nito saka tuluyan lumabas.
Natawa na lang siya habang sinusundan ng tingin palabas si Lia. Nang maiwan mag-isa. Nagtatalon sa tuwa si Michael. Napuno ng excitement ang kanyang puso. Simula nang mawala si Avery, he’s been longing to have another child again. Pero dahil sa nangyaring gulo noon sa pagitan nila ni Lia. Hindi iyon natupad. May mga babaeng dumaan sa kanyang buhay nang magkahiwalay silang mag-asawa. Pero kahit isa, walang nakapantay kay Lia. Ngayon na binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para muling maging isang ama. Pinapangako ni Michael na hindi na mauulit pa ang nangyari kay Avery.