KINABUKASAN nagising siya na tulog pa rin si Michael. Doon lang siya tuluyan nahimasmasan. Daig pa niya ang lasing sa alak nang nagdaan gabi. She left without waking him up. Sinubukan siyang tawagan ng asawa ng mga sumunod na araw. Ilang beses siyang tinext nito. Pinuntahan sa bahay, at may ilang beses din itong pumunta sa Silhouette. Pero sa lahat ng sandaling iyon ay hindi niya hinarap si Michael. Naunahan siya ng takot. Habang magkasiping sila, doon naramdaman ni Lia muli ang saya. Hindi dahil sa ginagawa nila kung hindi dahil sa yakap siya ni Michael. Pakiramdam niya ay may parte sa kanyang puso at buong pagkatao ang muling nabuo.
Hanggang ngayon, hindi pa rin maintindihan ni Lia ang sarili kung bakit niya hinayaan na mangyari iyon. Naiinis siya sa sarili niya na hinayaan niyang may mangyari sa kanila pagkatapos ay nakaramdam siya ng takot kinabukasan. Natakot siya na paano kung magtuloy-tuloy ang muling pagbalik ng asawa sa kanyang buhay. Paano kung maging masaya ulit sila pero sa huli ay mauwi sa wala ang lahat? Na muli silang magkasakitan at sa huli ay muling mahiwalay. But maybe Sofie is right, she allowed it to happen because deep inside she missed him. She missed being kissed, held and being his wife. She missed having a husband. She missed Michael.
Mahigit labinglimang minuto na si Lia na nakaupo doon sa driver’s seat ng kanyang kotse. Mahigpit na hawak ang envelop at puno ng kaba ang puso. Naroon siya sa parking lot ng opisina ni Michael. Iyon ang unang beses niyang pagpunta doon simula nang nagkahiwalay sila.
Bago umalis kaninang umaga, tinawagan muna niya si Lani, ang Sekretarya ni Michael para kumpirmahin kung naroon sa opisina ito. Bukod kay Lani at sa kanyang manager ay walang ibang nakakaalam na pupunta siya doon. Ang totoo ay kanina pa siya nag-aalangan pumunta doon matapos niyang sadyang iwasan ito. Pero wala siyang mapagpipilian, kailangan silang magkausap ito sa ayaw at gusto niya.
Humugot ng malalim na hininga si Lia bago tuluyan bumaba ng kotse. Sa bawat hakbang niya palapit sa entrance door ng gusali, sa bawat palapag na dinadaanan ng elevator paakyat sa pribadong opisina nito, abot langit ang kabang taglay niya sa dibdib. Pagdating sa opisina ni Michael, isang matamis na ngiti ang sinalubong sa kanya ni Lani. Hindi naman siya nakaligtas sa mga mata ng mga empleyado na nakasunod sa kanya, puno ng pagtataka ang mukha ng mga nito matapos makilala siya ng mga ito. Marahil ay dumating ito doon sa kompanya ng mga panahon na hiwalay na sila ni Michael.
“Hala, Ma’am Lia!” gulat ngunit masayang salubong sa kanya ng ibang empleyado na matagal nang nagtatrabaho doon.
Ngumiti siya sa mga ito at binigyan ng yakap ang mga dating kakilala.
“Ma’am, lalo po kayong gumanda!” puri sa kanya ni Lani.
“Salamat.”
“Super blooming n’yo po. Lalo kayong gumanda simula nang bumalik kayo sa pagmo-model,” sabi pa ng isa sa mga empleyado doon.
“Bakit po kayo nandito? Nagkabalikan na po kayo ni Sir?” usisa pa ng isa pang empleyado doon.
Natawa siya at umiling.
“Ito napaka-chismosa, kamag-anak mo si Marites ano?” pabirong saway ni Lani dito.
“Hindi, pero kailangan ko kasi siyang makausap ng personal eh.”
“Sige po, pasok na kayo, nasa loob si Sir. Eksakto halos ilang minuto pa lang simula ng nakakaalis ‘yung mga ka-meeting niya.”
“Okay, thanks Lani.”
Paglapit niya sa pinto ng pribadong opisina ni Michael, muli siyang huminga ng malalim bago kumantok ng dalawang beses at binuksan iyon. Pagpasok ay naabutan niyang subsob ang ulo nito sa desk at abala sa pagsusulat.
“Lani… do I have a—”
Hindi naituloy ni Michael ang sasabihin nang pag-angat ng ulo ay nakita siya. Natigilan ito at natulala lang habang nakasunod ng tingin sa kanya habang palapit sa office table nito.
“Hi,” bati niya.
Binaba nito ang hawak na ballpen at nag-unat ng likod. His face is serious.
“This is a miracle, what are you doing here?”
Bumuntong-hininga si Michael.
“You need anything?” pormal ang mukha na tanong nito.
Galit ito. Kita sa mukha nito iyon at hindi niya ito masisisi dahil sa sadyang pag-iwas dito.
“Yes, kailangan natin mag-usap, may importante kang kailangan na malaman.”
Sarkastiko itong ngumiti at tumayo saka umikot sa harap ng desk at bahagang umupo sa ibabaw niyon.
“You avoided me for more than a month. You did not answer my texts, ignore my calls, pinagtataguan mo ako kapag pinupuntahan kita sa inyo at sa Silhouette. And now you’re coming here unannounced, demanding to talk to me.”
Sa pagkakataon na ito ay si Lia naman ang bumuntong-hininga.
“Believe me, ayoko sanang pumunta dito para abalahin ka pero wala akong choice.”
“Bakit ka umalis ng umagang ‘yon, Lia? Bakit mo ako iniwan at hindi na kinausap? I thought we’re getting okay?”
“Look Michael, hindi madali para sa akin. After all that happened in the past, I have lots of thoughts that morning when I woke up. Hindi ako sigurado kung tama ang lahat ng nangyari.”
“Mahalia, I’m still your husband. We’re still married, hindi kasalanan na magsiping tayo.”
Binaba niya ang bag at naupo sa sofa.
“Sa tingin mo, hindi ko alam ‘yon? I didn't leave you because of that. It's just that, all of a sudden, bigla akong nabilisan sa mga pangyayari. It made me confused. Kaya pinili ko na huwag magparamdam sa'yo. Kailangan ko muna mag-isip. Anyway, I’m not here to talk about that, may mas importante pa akong dahilan kaya ako nandito,” sabi niya at tuluyan iniba ang usapan. Kinuha ni Lia ang envelope sa bag saka tumayo at lumapit kay Michael. Sinabayan niya ng malalim na buntong-hininga ang pag-abot niya ng envelope dito.
“Here.”
“What’s this?”
“Buksan mo.”
Kalakip ay kaba, pinanood ni Lia habang binubuksan nito ang envelope. Napakunot noo si Michael nang makita ang laman niyon. It’s a pregnancy test and an ultrasound result together with a medical certificate.
“I’m pregnant, Michael. Seven weeks.”