Kahit na nakumbinsi ko si Tyron na palampasin ang nangyari ay kapansin-pansin ang tuluyang pagkasira ng mood nito. Maririnig na ulit ang malakas na tugtog at parang walang nangyaring bumalik na sa kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga bisita. Hinayaan kong kunin sa'kin ni Zeke iyong bola upang hindi na raw makapaminsala pa. Paminsan-minsan din akong palihim na sumulyap doon sa grupong pinanggalingan kanina ng bola at ilang beses ko silang nahuling nagbubulungan habang masamang nakatingin sa direksiyon ko. Nagpatay-malisya lang ako na kunwari ay hindi ko alam na pinag-uusapan nila ako. Wala naman akong ginawang masama sa kanila pero kung makatingin sa direksiyon ko ay para bang nakakairita para sa kanila ang presensya ko. "Are you really okay?" tanong sa'kin ni Tyron. "Hindi ka ba nas