Hindi naman katangusan ang ilong ko pero nahagip pa talaga ito ng ilong niya, bigla tuloy kami parehong natigilan. Halos maduling na ako dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Dikit na dikit na iyong likod ko sa sandalan ng upuan at wala na akong maatrasan pero pakiramdam ko ay paikli nang paikli ang distansya ng mga mukha namin. Ang bango ng hininga niyang tumatama sa mukha ko. Ramdam niya kaya na hindi na ako humihinga sa takot na hihimatayin siya kapag malanghap ang hininga ko? Kumain pa naman ako ng bagoong kanina, at hindi ako nag-toothbrush! "Sa hospital po ba tayo, Sir?" tanong ni Kuya Jun. Para kaming natauhan bigla at sabay na nag-iwas ng tingin. Mabilis akong tumikhim at kunwari ay walang nangyari na tinuon ang paningin sa labas ng bintana habang bumalik naman siya sa ma