Pangangatawan ko talaga ang pagiging sumbungera dahil magsusumbong ako kay Tita Flor na itong anak niya ay sobrang tigas ng ulo at ayaw makinig sa'kin! So, I'll resign! Kung pwede lang, 'di ba? Pero hindi pwede eh, kaya kailangan ko siyang pigilan by hook or by crook! "Sumama ka sa'kin para naman madetalye mong maigi ang gagawin mong pasusumbong kay Mommy." Biglang akong napapreno sa pag-iisip dahil sa sinabi niya. Teka lang! Wala naman akong sinabi ah! Bakit alam niya kung ano ang iniisip ko? Pahinamad niya akong tinapunan ng matalim na tingin. "Kahit wala kang sinasabi ay kitang-kita sa mukha mo kung ano ang tumatakbo riyan sa isipan mo," sarkastiko niyang pahayag. Kulang na lang ay kapahin ko ang sariling mukha upang alamin kung totoo ba ang sinasabi niya, o sadyang marunong lan