Napatingin ako kay Tyron habang hinihintay ang isasagot niya sa huling sinabi ni Dr. De Guzman. Hindi makikita sa ekspresyon niya sa mukha kung ano ang nasa isip niya matapos marinig ang sinabi ng kausap. "I'm helping people, De Guzman," mahina pero may kariinan wika ni Tyron. "Maraming paraan nang pagtulong, Ramirez, hindi iyong pati sarili mong buhay ay itataya mo," hindi nagpapatinag na tugon ng doktora. "Kabayanihan mang matatawag iyon ay hindi gano'n ang nararamdaman ng mommy mo." "Hindi ko kailangan ang panenermon mo," iritableng sagot ni Tyron. Hindi na muling umimik pa ang doktora at tinapos na ang ginagawa. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito at tumayo ako upang ihatid ito. Kaya pala hindi ito katulad no'ng mga babaeng bumibisita kay Tyron dahil may boyfriend na ito. Hanggan