Pagkasara ng pintuang pinasukan ni Tyron ay tsaka ko lang napansing nagpipigil pala ako ng hininga. Kahit pala ang lakas ng loob kong sagot-sagutin siya ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Siguro ay dahil kahit bali-baliktarin pa ang mundo ay anak pa rin siya ng amo namin ng Nanay ko. Wala sa sarili kong tinapik-tapik ang tapat ng puso ko dahil sa pagluwag ng paghinga ko sa pagkawala ng presensya niya. Bago ko pa mapakalma ang sarili dahil sa nangyari at tuluyang maintindihan kung bakit ako nagkaganito ay muling bumukas ang pintuang pinasukan niya kaya napaayos ako nang tayo. Sumilip mula roon ang masungit na mukha ni Tyron. "Ano pang ginagawa mo riyan?" untag niya sa'kin. "Pumasok ka na rito dahil kailangan kita. K-kailangan niya ako? Biglang kumabog nang malakas ang puso ko d