Ngayong araw ay may follow-up check-up si Tyron kay Dr. De Guzman. Ganito pala kapag mayayaman , iyong doktor na ang pumupunta sa bahay. Nagulat pa ako dahil babae pala iyong doktor at sobrang ganda. Ang nasa isip ko talaga no'ng una kong marinig ang Dr. De Guzman ay matandang doktor na lalaki na may malaking iyong kaya para akong tiyan kaya para akong nakakita ng artista pagkarating nito. Habang tisini-check nito ang sugat ni Tyron ay panay ang bilin nito sa huli. May ibang gamot pa itong binibigay at binabaan ang dosage no'ng mga mas nauna. Kapag pala nag-uusap iyong dalawang doktor ay parang mas ramdam ko iyong kabobohan ko kahit nakikinig kang naman ako. Ano kaya vitamins at gatas nila no'ng baby pa sila at bakit ang talino nila pakinggan? Habang magkausap nga sila ay tahimik lan