Mukhang dinindib talaga ni Tyron iyong sinabi ko dahil lalo itong naging bugnutin. Hindi ko na lang pinapansin ang pagdadabog niya at nag-focus ako sa trabaho. Binabantayan kong maigi iyong oras para sa pag-inom niya ng gamot at ako na rin iyong naghahatid ng pagkain niya sa kanyang library tuwing gusto niyang doon kumain. Kinagabihan ay umuwi na ang mga magulang niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang matatapos na ang trabaho ko kay Tyron. Iyon ang nasa isip ko nang kinabukasan ay pinatawag ako ni Ma'am Flor upang kausapin. Nang makaharap ko na ito kasama si Sir Raffy ay namangha ako dahil parang hindi ito tumanda, ang ganda pa rin nito. Maging si Sir Raffy ay ang bata pa rin tingnan. Kaya gwapo iyong anak nilang masungit dahil may pinagmanahan pala. "Akira, kumusta ang trabah