Nang tuluyan kaming makapasok sa lobby ng gusali ay mas maraming bumabating empleyado sa kasama ko. Bigla ay parang gusto kong pagpawisan kahit malamig naman ang paligid. Paano ba naman kasi parang bigla ay napunta ako sa mundo ng mga engkanto! Mula sa mga receptionist, hanggang sa ilang mga empleyadong may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ay pawang posturang-postura ang mga ayos at sobrang gaganda at gugwapo! Mapapatanong na lang tuloy ako kung mga tao ba ang mga ito! Kaya siguro nakatanggap ako ng mga curious na tingin mula sa kanila ay dahil ako lang yata iyong naiiba. Sana pala ay nagbihis man lang ako nang maayos-ayos, at hindi ganitong naka-jogging pants ako na maluwag at may kalakihang t-shirt na inarbor ko pa sa kapatid kong lalaki. Iyong tsinelas ko spartan, pinakasikat sa pr