KABANATA 1
"Kailan mo ba ako balak sundin!? Kailan mo ba ititigil iyang kahibangan mo! Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa iyo na hindi ka na puwede gumawi sa burol! Alam mong may nakakalusot na mga dayuhang mortal doon! Kailan mo ititigil ang pagbibigay mo ng pasakit sa iyong ina! Sagutin mo ako!"
Hinila naman ni inay Catherine ang braso ni ama dahilan para mabitiwan niya ako. Hindi ako umimik. Alam ko namang kasalanan ko. Si ina lang talaga ang malaya akong pinapayagan sa mga gusto ko. Si ama lamang ang mas mahigpit sa kanilang dalawa.
"Cereina!" matigas na wika ni ama. Takot na takot akong napatingala sa kanya. Agad namang humarang si ina sa pagitan naming dalawa. Mas lalong bumagsak ang mga luha ko sa mata at nagtago sa likod ni ina habang nakayakap sa kanyang baywang.
"Tama na mahal ko. Hindi naman niya limot ang mga bilin mo sa kanya. Kasalanan ko. Sa akin ka dapat magalit dahil hinahayaan ko siyang pumunta roon."
Lihim kong nakuyom ang aking kanang kamao. Lagi na lamang akong pinagtatakpan ni ina. Ni hindi ko man lang kayang tumayo sa sarili kong mga paa para ipagtanggol ang aking sarili.
Igting ang panga ni ama habang matalim na tumitig sa akin.
"Sa susunod na hindi ka magpapaalam sa akin ay hindi na kita hahayaang makalabas sa seldang ito. Kung kinakailangan ikulong kita rito habambuhay ay gagawin ko, huwag ka lang mapahamak."
Nakagat ko ang aking labi. Bigla namang nawala si ama sa aming harapan. Mas lalo akong yumakap ng mahigpit kay ina at humagulhol ng matindi. Humarap si ina sa akin at pinunasan ang aking duguang labi. Pinunasan niya rin ang luhaan kong mga pisngi.
"Mahal ka ng ama mo Cereina. Huwag ka sanang magtanim ng galit sa kanya. Alam mong matindi ang pag-aalala noon sa tuwing pabigla-bigla ang pagbabago mo ng anyo. Alam mong hanggang
ngayon ay hindi pa nakakauwi ang Tita Mocha mo. Naiintidihan mo ba ako anak? Alam mong hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo si Arthyseuos Ynue. Alam mong malaki rin ang nakaatas sa kanya.
Anumang oras ay maari siyang umalis dito at hindi ka na niya mababantayan."
"Alam ko naman po iyon. Patawarin niyo po ako ina."
Bumuntong-hininga naman ito at niyakap ako ng mahigpit.
"Mahal ka namin ng ama mo anak. Sa susunod na gagawi ka roon ay magpapaalam ka na sa iyong ama. Maliwanag ba?"
Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Hinding-hindi ako magtatanim ng sama ng loob kay ama, ina. Hindi ko maaatim na makaramdam ng ganoon sapagkat kayo ang buhay ko."
Hinagkan ni ina ang aking noo.
"Ikaw rin ang buhay namin anak ko," anito.
Matapos akong ipagtanggol at patahanin muli ni ina ay inilabas na niya ako sa selda at inihatid sa aking silid. Sa silid kung saan nabuo ang pagmamahalan nilang dalawa ni ama. Gustong- gusto ko lagi na marinig ang kuwento nilang dalawa ni ama.
Pinahiga ako ni ina sa kama at kinumutan. "Ina, makakahanap kaya ako ng tulad ni ama?" biglang naitanong ko.
Matamis naman niya akong nginitian.
"Sa mundong ito, lahat tayo ay itinakda sa taong mas nararapat para sa atin."
"Ngunit ina, paano kung ang taong iyon ay hindi pinili ni Luna para sa akin?"
Natigilan naman ito.
"Saan mo naman nakuha ang ganyang sitwasyun anak?"
Bumangon ako sa aking higaan.
"Kay Tito Zsakae po. Naikuwento sa akin ni Arthyseuos iyan ina."
Humugot naman ito ng malalim na hininga. "Iba ang naging sitwasyun ng Tito Zsakae mo anak ko at iba rin ang magiging sa iyo." Kumunot naman ang aking noo.
"May alam po ba kayo tungkol sa nakatakda para sa akin?"
Umiling naman si ina sa akin.
"Ang ama mo ang nakakaalam ng mga iyan anak. Pero hindi ba't mas nakakasabik kung hindi mo malalaman agad kung sino siya? Gaya nang nangyari sa amin ng iyong ama."
Agad namang nagningning ang aking mga mata. Tama si ina. Mas maganda kung hindi ko agad malalaman ang nakatakda para sa akin. Sabi nga ni ama. Lahat ay idinadaan sa mabusising proseso at ganoon din ang buhay ko. Hindi ko kailangan magmadali. Hindi man ako maayos ngayon ngunit alam kong darating ang araw na makakaya ko ring kontrolin ang aking sarili. Hindi man ngayon ngunit alam kong paunti-unti ko rin itong mararamdaman.
HUGOT at buga ng hininga ang aking ginagawa habang nakatayo sa harapan ng pinto nila ama at ina. Gusto kong humingi ng patawad sa nagawa ko na namang kasalanan. Hindi ito ang unang beses na sinuway ko si ama pero ngayon niya lang ako nasaktan. Marahil ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili dahil sa naging pagkakamali ko. Muntik na akong may mapatay kanina kung hindi maagap na dumating ang pinsan kong si Arthyseuos Ynue. Baka ano na ang nagawa ko sa dalawang turistang dayo.
Nasapo ko ang aking batok at mariing piniga ito bago lakas loob na kumatok sa pinto. Umuwang naman ito at iniluwa nito si ina.
"Magandang gabi ina," bati ko at humalik sa kanyang kanang pisngi.
"Magandang gabi rin anak ko. Maayos ka na
ba?"
Tipid akong tumango.
"Si ama ba, ina? Nandiyan siya?" kinakabahan ko pang tanong.
Maagap naman na hinawakan ni ina ang aking mga kamay at bahagyang pinisil ang mga ito.
"Huwag kang kabahan anak ko. Hindi galit ang iyong ama sa iyo. Alam mong labis lamang siyang nag-aalala sa kaligtasan mo," anito dahilan para mayakap ko agad ang aking ina ng may katamtamang higpit.
"Salamat ina at alam ko naman ang bagay naiyon." bahagi.
Hinagod naman niya ang aking likurang "Pumasok ka na," wika nito.
Tumango lamang ako at pumasok na ako.Saglit ko pang sinulyapan si ina bago bumaling kay ama na nakatayo sa harapan ng binata habang ang mga kamay nito'y nakatago sa kanyang magkabilang bulsa.
"Ama..." sambit ko. Nilingon naman nito ako.
"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" tanong nito. Umawang ang aking bibig at agad din namang napatikom.
"Maayos na po," sagot ko. Lumapit naman ito sa akin at biglang hinagkan ang aking noo.
"Patawarin mo ako anak kung nasaktan kita kanina. Nadala lamang ako sa matinding pag-aalala sa iyo," anito.
Nakagat ko ang aking labi at agad na nag- unahan sa pagtulo ang aking mga luha. Agad akong yumakap kay ama. Narinig ko naman ang pino nitong pagtawa.
"Mana ka talaga sa iyong ina. Masiyado kang iyakin," anito pa at muling hinagkan ang aking noo.
"Patawarin mo ako ama, hindi na ako uulit," humihikbi kong anas.
"Wala kang dapat na ihingi ng kapatawaran Cereina. Kasalanan ko kung bakit kailangan mong maranasan ang ganitong mga bagay. Ako at iyong ina. Hindi namin hinangad na makulong ka rito.
Hinangad kong maranasan mo rin ang kalayaang natatamasa ko noon at hanggang ngayon. Ngunit dahil sa lasong ibinigay sa iyo ni Akesha ay nakulong ka rito."
Umiling-iling ako.
"Labis kong naiintindihan ang mga hinaing ninyo ni ina, ama. Patawad kung hindi ko man lang ito isinasa-isip."
Hinarap naman niya ako sa kanya. "Magiging maayos ka rin anak ko. Sa oras na makuha ni Mocha ang lunas ay magagawa mo na lahat ang anumang naisin mo. Konting pagtitiis pa Cereina."
"Naiintindihan ko ama," sagot ko at pinahiran ang aking mga luha at muling yumakap sa kanya.
Biglang pumasok sa aking utak. Sana'y kasing ugali ni ama ang nakatakda para sa akin.