Chapter 2

1744 Words
Sheraphin POV, Nakatulala ako habang nasa harapan ko ang mga pulis.  Madaming bangkay ang nasa labas  pero wala doon ang lalaking tinulungan ko. "Are you okay Miss Anashi?" Tanong sa akin ng isang police. Tumango ako sa kanya bilang sagot. "Maari po ba kaming magtanong kung ano ang nangyari?" Saad nito sa akin, pero naalala ko ang sinabi sa akin ng lalaki. "I don't know. Nagising nalang ako na may mga tao sa bahay ko at biglang may tumalon na lalaki sa bintana ko. And then, nagbabarilan na sa labas. That's all." Tanging saad ko, tinignan ko sila deritso sa mata para malaman nila na seryoso ako. "Please excuse me, may trabaho pa ako. I'm okay no need to worry. Mauna na ako." Saad ko at umalis na at bumalik sa apartment ko. Much better na hindi na ako magsalita, may trabaho pa ako at wala pa akung tulog. Pumasok ako sa banyo at naligo, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Bumalik sa utak ko ang mga nangyari. The hell! Mas nilamigan ko pa ang tubig na lumalabas sa shower baka sakaling mahimasmasan ako. Napahawak ako sa labi ko, nahalikan naman ako ng ibang lalaki pero kakaibang halik ang binagay niya akin hindi mawala sa utak ko. Habang nagbibihis ako, nakita ko ang pang itaas na tuxedo niya na naiwan sa kwarto ko bago ito tumalon sa bintana. Maingat ko itong kinuha kasama ng polo niya na punong-puno ng dugo. Dinala ko ito sa banyo at binasa ng tubig, nag kulay pula ang puting tiles ng banyo ko. Nilagay ko ito sa batya ng may makapa ako sa bulsa nito sa loob. Kaagad ko itong kinuha at isa itong card na itim, may pulang rosas at barel dito na nakaukit, habang may dugo na tumutulo. Kumikintab ito habang tinatamaan ng ilaw galing sa banyo. And to my surprise, ng matamaan ng ilaw ang kabila nito may lumitaw na pangalan na beast and it's gold. Kapag walang ilaw hindi mo makikita ang mga nakaukit, ordinaryong card na itim lang ito. The hell! What is this? Pinagpatuloy ko ang paglagay sa batya nga tuxedo at lumabas, nilagay ko sa wallet ko ang card na iyon. Late na ako sa trabaho. Mabilis akung nagbihis ng jeans at simple shirt at mabilis na lamabas para pumasok sa trabaho. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao sa paligid pero hindi ko nalang sila pinansin, simula ng tumira ako dito wala akung kilala sa paligid ko. Nilakad ko papuntang hospital habang inaalala ang nangyari sa akin. Napatingin ako kung saan hinayaan ng lalaki na malaglag ang kanyang kotse, who are you? And who is Beast? Napailing nalang ako at tinuloy ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa hospital. Sinalubong naman ako ng isang doctor na tumatakbo habang naka coat pa. "Anashi!" Sigaw ni Mikay my friend habang tumakbo ito. "What? Kumalma ka nga." Saad ko, tumigil ito sa harapan ko habang hawak-hawak ang kanyang puso. "Are you okay? Narinig ko ang nangyari sa apartment mo, ayos ka lang ba? Nahuli naba ang mga lalaking iyon." Ang bilis naman ng balita, ngumiti ako sa kaibigan ko at tinapik ito sa balikat. "I'm fine. Don't worry. Kamusta dito?" Pag-iiba ko ng usapan, kalimutan ko muna ito ngayon, may trabaho pa ako. Napabuntong hininga naman ito at hinapit ako sa beywang at hinila palakad. "May schedule ka mamayang gabi na operation, ngayon naman may check up ka." Sagot nito sa akin habang papunta kami sa opisina ko, bigla niya akung tinulak papasok at sinarado ang pinto. " Now what happened?" Seryoso nitong saad, my friend really know me. Napabuntong hininga ako mapait na ngumiti. Sinabi ko sa kanya ang lahat maliban nalang sa halik, baka iba pa isipin nito. "Sa atin nalang ito, tapos na iyon I want to forget it." Wika ko habang kinuha ang aking coat. Napasandal naman ito sa pader habang nag-iisip. "A beast? Tapos ikaw si beauty? Ganon?" Napairap nalang ako tsaka binato ito ng ballpen, iba na ang pumasok sa utak nito eh. "Alam mo ikaw mabuti nalang hindi nahawaan ang pasyente mo sa pagkabaliw mo." Sita ko sa kanya, Mikay is a neurosurgeon she's good in that field. Napangiwi naman ito at umirap sa akin. "But, pamilyar sa akin ang beast na iyan hindi ko lang ma recall kung saan ko narinig." Hindi ko na ito pinansin at basta nalang hinila para makapag-trabaho na kami. Hindi naman ito umangal, Basta nalang nagpahila. That day, naging abala ko sa trabaho ko hindi ko inisip ang nangyari sa akin. Mas mabuti ng malibang ako sa trabaho kaysa alahanin ang nangyari. "Good morning Miss Anashi." Kaagad akung napabaling sa tumawag sa akin, nawala ang ngiti sa aking labi na puro lalaking naka tuxedo ang nakaharap ko. "I mean Doctor Sheraphin Anashi good morning." Bati ng lalaking naka tuxedo habang matamis ang ngiti nito sa akin. Inayos ko ang pagmumukha ko at hinarap sila ng may ngiti sa labi. "Yes? How may I help you sir." Magalang na wika ko, kaagad naman itong ngumiti ulit. Damn those smile, but his not my type. Mukha palang halata ng babaero. "I'm here to ask you if you are okay." Saad nito na mas nagpataas ng kilay ko. The hell. "I'm okay sir, why do you ask?" Saad ko at ngumiti pa ng matamis, napa iling naman ang lalaki habang panay ang kanyang ngiti. "Good, take good care Miss Anashi." With that ngumiti ito at nagtangkang umalis. Ano ang problema ng lalaking ito. "You!" Umalingawngaw ang matinis na boses ng kaibigan ko habang nakatutok ang syringe sa lalaking kausap ko. "Ikaw ang pumatid sa akin noong isang araw!" Sigaw nito, nangunot ang noo ng lalaki at bigla nalang ngumiti. "Hey, ikaw pala Miss Lampa. Kamusta kana? Doctor ka pala." Saad ng lalaki, mas lalong umusok ang ilong ng kaibigan ko dahil tinawag itong lampa, napatakip ako ng bunganga ko, kasi talaga namang lampa si Mikay. "Sheraphin! Don't laugh! Your in my side!" Bulyaw nito sa akin kaya kagat labing pinigilan ko ang tawa ko. Damn! Magkakilala pala sila. "See? Your friend is laughing because it's true." Asar pa ng lalaki sa kanya. Walang alinlangan na binato niya ito ng syringe pero walang hirap na nasalo ito ng lalaki. "Mauna na ako, bye lampa." With that kinindatan niya si Mikay at iniwan Ang syringe sa tabi bago tumalikod. "Hoy! Hampas lupa ka bumalik ka dito!" Sigaw ni Mikay habang nagpapadyak na hinabol ang lalaki, napailing nalang ako. But who is that guy? Pumunta lang sila dito para tanungin kung okay lang ako. Sinundan ng tingin ko kung paano habulin ni Mikay ang lalaki at sinipa ito sa paa, ni hindi nga nasaktan ang lalaki sa ginawa niya. Pangisi-ngisi lang ang lalaki habang galit na galit na ang kaibigan ko. Napailing nalang ako at tumalikod para pumunta sa pasyente ko. Dala ang stethoscope ko lumakad ako papuntang private room. Ng makapasok ako sinalubong ako ng nakangiti kung pasyente. Kahit na naka oxygen ito at naka dextrose nakangiti parin siya. "Hi Ate Nashi." Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang chocolate na nasa bulsa ko at binigay sa kanya. Umupo ako sa tabi nito at hinawakan ang kamay niya. "Kamusta kana Ayna?" Saad ko, isang ngiti ang sagot nito at niyakap ako. Niyakap ko naman siya, Ayna is one of my private patient. She have a stage three cancer. Naaawa ako sa kanya masyado pasiyang bata para danasin ito. "I'm fine Ate Nashi. Your really beautiful Ate Nashi, just keep smiling." With that binigay niya sa akin ang isang pulang rosas na nasa table nito. "Smile kana Ate, para sayo ang flowers na yan kasi pareho kayong maganda." Nakangiting tinanggap ko ang bulaklak at hinaplos ang mukha nito. "Ate Nashi will do everything to save you Ayna." Saad ko kahit alam ko na imposible, wala pang cure ang sakit na ito. "It's okay Ate, I know walang gamot sa sakit ko. I accept it." Gusto kung umiyak pero pinigilan ko ang luha ko, masyado pa siyang bata. Katawan na niya mismo ang humihindi sa gamot. Mas pinili nalang niyang mahiga dito kaysa gamutin siya ng gamutin. Ngumiti ako at tinulungan itong mahiga upang magpahinga. Kung may magagawa lang ako para mapagaling ka. Masakit sa isang doctor na mamatay ang kanyang pasyente na wala manlang itong nagawa para masalba ang buhay nito.  I'm sorry baby. Hinantay ko itong makatulog at lumabas ng kwarto kung saan nakatayo doon sa gilid ng pinto si Mikay habang nakabusangot. Problema ng baliw na ito? "What?" Tanong ko sa kanya. Umirap ang gaga at basta nalang akung hinila papunta sa canteen, oo nga pala wala pa akung kain simula ka gabi. Sumunod nalang ako sa kanya. Ng makarating kami sa canteen pumili ako ng malayo sa tao na mess yung kaming dalawa lang ni Mikay. "Ako na ang bibili maupo ka doon." Saad nito, tumango nalang ako sa kanya. Mukhang badtrip pa eh, halata naman sa mukha niya. Umupo ako sa upuan habang hinihintay si Mikay na makarating. Pumasok naman sa isip ko ang lalaking iyon, sino kaya siya. Hindi ko makalimutan ang asul nitong mata at ang asul na tattoo nito na bumagay sa kanyang mukha. "Ano gwapo ba talaga kaya ka natutula jan?" Napabalikwas ako ng bigla nalang ilapag ni Mikay ang pagkain sa harapan ko. Natulala na naman ako sa lalaking iyon. "Hindi ko lang siya makalimutan." Sagot ko at kinuha ang pagkain na binigay niya. "Curious ako sa kanya. Makahanap nga ng impormasyon tungkol sa kanya." Napangiwi ako sa sinabi niya, ito talagang si Mikay basta makakuha lang ng atensyon niya gagawa at gagawa talaga ng paraan para ng makahanap ng impormasyon. "Mikay, ikaw nako talaga. Hayaan mo na, kakalimutan ko nalang. By the way sino ang lalaking iyon kanina?" Nakangiting saad ko, bigla Naman itong napabusangot. "I hate him! Makita ko lang ulit ang pagmumuka niya kakatayin ko na siya. Kukunin ko lahat ng utak niya." May diing saad nito habang binabalatan ang saging nito. "Bagay kayo." Biglang saad ko na naging dahilan para mabilaukan ito. "Tangina! Tangina Nashi sayo nalang ayaw ko sa mga matapubri. Kumain kana nga, iniba mo pa usapan eh." Saad nito at hindi na nagsalita at pinagpatuloy nalang ang kanyang pagkain. Napailing ako ng wala sa oras. Tapos kanina ako ang kawawa sa kanya, ngayon naman na siya ang tinanong iiwas. Kaibigan ko nga talaga siya. Pero habang kumain ako pumapasok sa utak ko ang mukha ng lalaking iyon. Ang kanyang mata ang umagaw sa atensyon ko. Hindi maipag-kakaila na gwapo ang lalaking iyon, maganda ang pangangatawan at may ipagmamalaki. Naalala ko ang tuxedo niya at ang card na naiwan sa apartment ko, maybe I can find clue there. Damn Nashi! Talagang maghahanap kanarin ng impormasyon. The hell!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD