Nakatulala ako sa harapan ko habang pinagmamasdan sina Mikay at Keiry na nag-aaway. Dapat ba akung matuwa sa nakikita ko? Kasi mukhang naglalandian na nag-aaway sila. Paano ba iyon? Sinabi na sa akin lahat ni Mikay ang naging sagutan nila ni Khray at kung paano niya ako nakita. Sinabi pa niya sa akin na ako ang laman ng balita, ano pa ang aasahan ko. Marami ang nakakita na may kumuha sa akin. Halatang hindi takot si Mikay kay Keiry e, kahit alam niya naman kung sino si Keiry. Pero kay Khray takot siya, kahit na sinasagot-sagot niya si Khray may takot pa naman siya. Khray is different from Keiry. Napatingin ako sa gilid ko at nandoon si Khray na inaayos ang mga gamot ko at nilalagay sa tamang lalagyan. Pinagmasdan ko siya habang maingat nitong inaayos ang bawat gamot ko sa tray. Bakit k