Dahan-dahan kung inimulat ang mga mata ko pero bakit ang hirap idilat ang kabilang mata ko. Kaagad na maingat kung hinipo ang kabilang mata ko at bumungad sa kamay ko ang malambot na gauze. Ng pinagmamasdan ko ang buong paligid ko gamit ang isang mata ko isang napakalawak at malamig na kwarto ang sumalubong sa akin, isama mo pa ang kitang-kita na kalangitan sa labas ng bintana. Ang amoy at loob palang ng silid na ito kilalang-kilala ko na. Kung ganon totoo nga na dumating siya para iligtas ako. Dumating siya para tulungan ako, kahit paano nabuhay ang puso ko dahil lamang sa dumating siya. Pinigilan ko ang luhang gustong kumawala sa mata ko habang iniisip ang mga nangayri sa akin at kung paano nanganib hanggang sa bingit ng kamatayan ko, pero sino ang mag-aakala na darating si Khray par