Hawak-hawak ko ang kabilang kamay ko habang nakaupo ako sa mesa at binabantayan ng mga alagad ni Khray. Talagang bantay sarado ako dito at sinisiguro nila na hindi ako aalis sa bahay na ito! Tangina lang talaga! Maayos na ang ibang sugat at pasa ko pero ang iba hindi pa lalo't medyo malala ang sinapit ko noong binugbog nila ako at hanggang ngayon sigurado ako na may ginawang kababalaghan sa kanila si Khray na hindi ko alam. Knowing Khray, he will never show mercy. "Napakahina mo namang lumandi sa kapatid ko," pakiramdam ko tumaas ang dugo ko ng marinig ang boses ni Keiry sa likuran ko. At tama nga ako ngayon nakatayo na ito sa harapan ko habang naka ngisi sa akin. Damn him! "Leave me alone," may diing sagot ko sa kanya at inalala ang naging usapan namin ni Khray noong nakaraang araw a