Chapter 7

1975 Words
Amanda’s POV Isa lang ang masasabi ko… Gusto ko nang umuwi ng probinsya! Pabagsak kong nabitawan ang ballpen na hawak ko at napabuga ng marahas na hangin at napahawak sa ulo ko. Maiiyak na ako nang mapagtanto kong hindi nga pala ako nag-iisa sa opisinang ito. Gusto nang sumabog ng utak ko. Para tuloy akong nagbalik sa mga panahong nag-aaral pa ako sa college. Mabilis akong napa-angat ng tingin at sumulyap sag awing mesa ni Sir Kaiden. Hindi ko naman inasahan na nakatingin pala ito sa gawi ko kaya mabilis akong muling nag-iwas ng tingin at napaupo ng maayos. Tinuon ko ang atensyon ko sa mga papel na naka-kalat sa harapan ko. Binasa ko ang mga labi ko dahil sa panunuyo ng mga ito. Halos mahilo na ako sa gutom! Tumingin ako sa pambisig na orasan at natigilan ako nang makita kong mag-aalas singco na?! Napalunok ako. Binasa ko lahat ng puwede kong basahin at aaminin kong nakakabaliw ang mga ito! Pero sinubukan ko parin na tapusin ang pinapagawa ni Sir Kaiden. Natapos ko pero hindi ako ganoon kakumpyansa sa gawa ko. Nag-aalangan pa ako kung aayusin ko pa ba o hahayaan nalang kung paano ang pagkakagawa ng mga ito. “That’s enough. Time’s over.” Muli akong napaangat ng tingin at tumingin sa gawi ni Sir Kaiden na biglang tumayo kaya napatayo na rin ako. Kinuha na nito ang blazer at isinuot iyon pagkatapos ay itinago na ang laptop sa loob ng suit case nito. Ako naman ay parang nanghihinang inayos ang mga nakakalat na mga papel sa buong maliit ng mesa. Nang tuluyan ko nang maikumpol ang mga iyon at saka na ako naglakad papalapit sa mesa ni Sir Kaiden at tila nag-aalangang inilapag ito habang ito ay nag-aayos lang ng blazer. “I’ll check on it tomorrow.” Tumango nalang ako pagkalapag ko ng mga papel. “Good day, Sir.” Walang tingin na tumango lang ito kaya’t tumalikod nalang rin ako saka lumapit sa may sofa at dinampot ang bag ko. Para akong nanghihina at tila gutom na gutom at uhaw na uhaw nang isuot ko ang bag ko. Handa na akong umalis dahil atat na atat na akong makahinga ng maluwas paglabas ng opisinang ito kaya’t muli na akong pumihit paharap sa gawi ni Sir Kaiden. Hawak na nito ang suitcase at walang tingin na naglakad na ito patungo sa pintuan, ako naman ay naghintay na mauna na itong makalabas nang maramdaman ko ang kaunting pagkahilo. Napahinga ako ng malalim at napahawak sa ulo ko nang bigla akong ma-out of balance. Nalukot ang mukha ko at sinubukan kumapa sa kung saan para kumapit nang maramdaman kong tila sinalo ako. Mabilis akong napaangat ng tingin nang masamyo kong muli ang amoy na iyon. Nang magtama ang paningin naming ni Sir Kaiden at hindi ko yata ma-imagine na makikita itong hindi nakakunot ang noo. He’s supporting my weight. Parang nawala yata ang hilo ko dahil sa biglang pagkaramdam ng hiya. “What’s happening with you?” Kunot-noong tanong nito. Mabilis akong umiling saka ngumiting-ngiwi at dumistansya rito. Napahinga ako ng malalim. “W-Wala naman, Sir. Salamat sa... pagsalo.” Tila nag-aalangang mahinang sagot ko at napaiwas ng tingin. “It’s your first day and you already look like a wimp. If you’re sick, you should have just stayed at home.” Napakagat ako ng pang-ibabang labi sa sinabi nito sa isang masungit na tono. Muli akong tumingin rito at hindi na ito nakatingin saakin. Ganito ba talaga siya magsalita? Parang walang konsiderasyon sa mararamdaman ng tao. Sana’y hindi nalang ako nitong tinulungan. Wala akong masabi sa kagaspangan ng ugali at pagkamatalas ng dila nito. Kahit na ito pa ang boss ay kanina ito parang husgang-husga saakin. Kunot ang noo ko pero hindi ako nakaimik. Wala akong alam sabihin at hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ito tumuloy sa paglabas. Ano pa bang hinihintay niya? Sa mga katagang sinabi niya, hindi naman na siguro nitong aasahang may isasagot pa ako? Lukot na lukot ang mukha ko pero dahil siya ang boss ay hindi ko puwedeng ipakita ang pagkainis rito at idagdag pa na hinang-hina na ako dahil sa gutom. Nang biglang bumukas ang pintuan kaya’t mabilis akong napalingon roon. Natigilan ako nang bumungad saakin ang mukha ni Theon na mukhang nagulat rin sa nadatnan. Malapit na kasi kami sa pintuan ni Sir Kaiden at magkaharapan kami nito. Nagpalipat-lipat ang tingin nito saaming dalawa ni Sir Kaiden. Muli kong napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa pagdating nito o magagalit. Tinext ko na kasi ito kanina na huwag akong susunduin pero ito nanaman siya. Hindi ba’t parang sobra na kung pati pagsundo ay gagawin nito para saakin? “Hey. I didn’t see you this morning— “I’m going.” Hindi ko inasahan na maging kay Theon ay mukhang masungit itong si Sir Kaiden na kahit nagsasalita pa ang huli ay sumabat na ito at walang pasubaling nilagpasan si Theon para lumabas na ng opisina. Nang dumako ang tingin ni Theon saakin ay mabilis akong lumapit rito saka pinanlakihan ng mata. Kumapit ako sa braso nito at ako na ang tila humigit rito palabas. “Anong ginagawa mo rito Theon? Ang sabi ko huwag mo na akong susunduin.” Mahinang bulong ko rito nang mag-umpisa na kaming maglakad. Hindi ko maalis ang kapit ko rito dahil feeling ko ay any moment, manghihina nanaman ang katawan ko. Kunot-noong tiningnan lang ako ni Theon. “Ofcourse, I’ll pick you up. Pupunta tayo sa lugar ng magiging apartment mo, hindi ba? I will accompany you, hindi mo pa gamay ang maynila, Amanda. By the way, you look pale.” Mabilis na pagsasalita nito habang naglalakad kami. Nakita ko naman sa daraanan namin si Sir Kaiden na nasa harapan ng elevator at tila hinihintay itong bumukas. Palihim akong napairap sa hangin nang madaanan namin ito saka na tinuon ang atensyon sa daraanan patungo sa may hagdanan. “Hindi pa ako kumakain mula kanina. Hindi kasi ako nakapag-lunch, pakiramdam ko mamatay na ako sa gutom.” Pabulong na ngawa ko kay Theon at hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba pero pakiramdam ko ay tila napasulyap sa gawi naming si Sir Kaiden pero hindi ko nalang iyong pinag-tuunan ng pansin. Gulat na tumingin saakin si Thoen habang nakakunot ang noo. “What?! Are you for real, Amanda? Bakit hinda ka naman kumain?!” Tila pagalit na singhal nito saakin nang pag-umpisa na kamig bumaba ng hagdan. Umiling nalang ako nang si Theon na ang kusang umalalay saakin. “Hindi ko lang namalayan ang oras.” Mahinang sagot ko rito. Narinig ko naman itong marahas na napabuntong-hininga. “How can I leave you alone like thi— “Ganoon ba talaga kayong magpinsan? Hindi nagpapansinan.” Sabat ko sa gusto pang sabihin ni Theon, mabilis naman itong natigilan. “Kaiden’s just like that infront of other people, but we’re close. Hindi lang halata.” Napatango ako sa isinagot ni Theon. “Medyo… magkahawig kayo.” Muling kumento ko. “Yes, we’ve been getting that sin— “… at medyo malapit rin ang mga ugali niyo.” Dugtong ko pa hanggang sa tuluyan na kaming makababa ni Theon ng hagdan. Noong unang magkakilala kami ni Theon ay parehong-pareho ang pakikitungo nit okay Sir Kaiden pero nang lubusan ko na itong makilala ay sobrang bait naman nito saakin. Hindi ko lang masasabi sa ngayon kung babait rin ba si Sir Kaiden. Narinig ko naman ang tila pagtawa ng mahina ni Theon. “Believe me or not. Kaiden has the worst attitude among us. I mean, in our family. Maybe because he’s a lawyer.” Nagkibit-balikat ito. Ako naman ay napatango lang saka na tumahimik hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ni Theon ng Law Firm. Hanggang sa makasakay na kami sa sasakyan nito at idiniretso kami sa pinakamalapit na kainan. Hindi na ako umangal sa kahit na anong klaseng kainan na pinagdalhan saakin nito dahil sobrang nagugutom na talaga ako. ** Mabilis lang ng lumipas ang oras at halos pagabi na nang matapos kaming kumain ni Theon saka na bumalik sa hotel na tinutuluyan ko para kunin ang mga gamit ko at magtungo sa lugar ng apartment ng tutuluyan ko. Nagising ang diwa ko at narecharge dahil busog na busog ako. Medyo nakakahiya pa akong kumain kanina dahil iyong pinagdalhan saakin ni Theon ay isang sosyal na restaurant. Pagkatapos kong kunin ang mga gamit ko ay saka na kami umalis ni Theon. "Ito nga pala iyong address." Ibinigay ko kay Theon ang maliit na papel na ibinigay saakin ni Seyang, inabot naman nito iyon at mukhang pinakatingnan mabuti. Hanggang sa makababa kami sa unang palapag ng Hotel ay tila kinakabisa pa rin ni Theon ang binigay kong address rito. "Okay, alam ko na ang daan." Nang sabihin nito iyon ay napangiti ako. Mukhang inisip lang nito ang daan patungo sa lugar. Hindi naman nagtagal ay natagpuan ko na ang sarili kong lulan ng sasakyan ni Theon. Tuluyan nang gumabi, sana lang talaga ay madatnan pa namin iyong landlady. Tinext ko si Seyan at sinabi naman nito na pinakusapan na nito ang landlady para kitain namin ngayon. Mabuti nalang talaga at mabilis magreply si Seyang. Dahil siguro sa busog ako at kanina ay halos matuyo ang utak ko sa pag-iisip sa pinagawa ni Sir Kaiden ay bahagya akong napaiglip sa kalagitnaan ng byahe. ** Mabilis akong napamulat nang maramdaman ko ang pagyugyog saakin at ang sumalubong sa paningin ko ay si Theon. Nailibot ko ang tingin ko sa paligid at napaayos ng upo. "We're here." Napatango ako at inalis na ang seatbelt ko. "Are you that you don't want to leave nearby me? I can provide a mucj convinient and safer place for yo-- "Theon, alam mo na ang sagot ko diyan." Salansan ko sa pagsasalita nito at tiningnan ito ng isang makahuluganang tingin kaya't napatigil nalang ito. Alam kong ang ibibigay nitong tirahan saakin ay isang mamahaling hotel, apartment o condo. Masyado nang kalabisan iyon. Hindi ako nagpunta rito sa Maynila para iasa ang lahat kay Theon. Buntong-hininga inalis nalang rin nito ang seatbelt at bago pa nito ako muling pagbuksan ng pintuan ay kusa na akong lumabas ng sasakyan at nailibot ang paningin sa paligid. Para itong isang eskinita pero may kaluwangan naman. Kumpleto pa rin naman ang streetlights. Sa harapan namin ngayon ay ang sa tingin ko ang apartment na tinutukoy ni Seyang. Dalawang palapag ito at mukhang tig tatlong kwarto sa bawat palapag. Napalingon ako kay Theon na lumapit sa tabi ko. Nakatingin rin ito sa apartment na nakabukas ang lahat ng ilaw pwera sa gitna ng ikalawang palapag. "Ang sabi ni Seyang saakin, nakatira ang landlady sa unang pintuan." Kausap ko kay Theon saka lumapit sa may poste ng gate dahil nakita kong may doorbell roon. "Hopefully, that landlady's here." Rinig kong sambit ni Theon nang sumunod ito saakin. Marahan kong pinindot ang doorbell saka naghintay ng taong lalabas mula sa unang pintuan, pero ilang saglit ang lumipas ay wala pa rin. Muli kong pinindot ito at sa ikatlong pindot ko ay bigla nang bumukas ang pintuan kaya't halos makahinga ako ng maluwag. Tumuon ang atensyon ko sa lumabas na Ginang at naglakad papalapit saamin. May ilaw naman kaya't kita ko ang mukha nito na may katandaan na rin. May mga roller pang nakakabit sa buhok nito at ang suot nito ay duster, hanggang sa pagbuksan na kami nito ng gate na halos grills lang rin kaya nakikita ko ang nasa loob. "Magandang gabi po." Bati ko rito pero mukhang tumuon lang ang atensyon nito kay Theon na nasa tabi ko. "Mahabagin. Anong ginagawa ng isang napakagwapong binata sa tapat ng bahay ko." Gulat na litanya nito. Hindi naman kumibo si Theon na mukhang walang balak kausapin ang Ale kaya't ngumiting-ngiwi nalang ako saka pumagitna sa pagitan nila at harapin ang Ale.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD